WAVE THIRTY-EIGHT

4.2K 120 23
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-EIGHT



Kakamulat ko lang ng aking mga mata nang maramdaman kong parang bumabaliktad ang aking sikmura.



Marahan akong tumayo at dumiretso siya banyo. Hindi ko na kayang yumuko o lumuhod kaya sa sink nalang ako sumuka.



Hay nako. Hanggang ngayon ba naman nag ka ka morning sickness pa ako. Naghilamos at nag mumumog ako, at habang ginagawa iyon ay halos matumba ako sa aking kinatatayuan.



"Hey this is Dark Rivera, yep an ambulance please." dali dali kong pinunasan ang aking mukha at nilabas si Dark mula sa banyo. Kaagad niya akong dinaluhan, dahil ro'n mabilis na napasakamay sa akin ang kanyang cellphone at pinatay ang linya.



Mabuti nalang at hindi pa niya nasasabi ang address. "Why? Why did you do that?" he asked furiously and I rolled my eyes. Umupo ako sa kama at pinagmasdan siyang magkasalubong ang kilay.



"There's nothing wrong with me. It's normal for us, pregnant woman." ani ko rito. "I thought..." bahagya siyang napanguso, nagpipigil ng ngiti sa sariling katangahan.




Bumuntong hininga ako. Wala akong gagawin ngayon sa bahay, wala rin naman akong check up. Dating gawi lang, hihiga, kakain at matutulog.



Bagot na bagot na ako pero kailangan 'to. Ayaw kong mapagod, bawal iyon. "What are you thinking, hmm?" malambing niyang tanong habang lumalapit sa akin.




Tumabi siya sa akin at niyakap ako sa tagiliran, isinandal ang ulo niya sa aking balikat. "Wala akong gagawin na naman maghapon, bored na bored na ako." sabi ko pagkatapos ay ngumuso.



Umayos siya ng upo at nag taas ng kilay sa akin. The side of his lips, rose. "Wanna go somewhere?" he asked, my mood lighten up a bit.




"Saan naman?" tanong ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. "To our house. We can stay there too, if you want." I bit my lower lip.



"Ako na ang bahala sa mga gamit mo, we can buy new ones too. Para kung gusto mong bumisita rito, wait...are we planning to stay here forever?" tanong niya.



"Hmm ewan ko lang, nandito pa sila papa at marami pa siyang inaasikaso." sabi ko at tumango nalang siya. "So ano?" tanong niyang muli.



I nodded and smiled at him. Gusto ko rin makita ang sinasabi niyang bahay raw 'namin'. Tumayo na ako habang naka alalay pa rin siya.



Kumuha na ako ng tuwalya at papasok na sana sa banyo nang maramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin.



I turned around and look at him. Tinaasan niya ako ng kilay, aba. Dapat ako nga iyon e. "Can you do it on your own?" tanong niya kamuntikan ko nang maikot ang aking mata.



"Of course, Dark. I can. Maliligo lang ako hindi naman ako magbubuhat or what." natatawang ani ko. Humalukipkip siya at sinamaan ako ng tingin.




"It's slippery, sasamahan na kita." nanlaki ang mga mata ko sa diretsong pagkakasabi niya noon. "Ikaw! Kahit kailan napaka bastos mo! Kaya ko nga, gumagawa ka lang ng dahilan e!" sabi ko na ikinangisi lang niya.



"Doon na! Alis!" pagtataboy ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod. "Alright! Just don't lock the door, in case you need something." I rolled my eyes at pumasok na sa banyo.



"Be careful!" sigaw pa niya kaya hindi ko maiwasan ang mapangisi. Hindi tulad ng dati ay mabilis ang mga kilos ko kapag naliligo, ngayon ay marahan at mabagal nalang.



Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now