WAVE TWENTY-SIX

3.3K 104 19
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE TWENTY-SIX






“Oyy sorry na.” hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang aking pag gayak. Papasok na kami sa trabaho at kanina pa siya nakabuntot sa akin.







Humihingi ng tawad dahil hindi niya ako ginising na nagpunta nga rito si Dark kaninang umaga.







“Zyreen naman e! Saka si Dark kaya ang nagsabi na huwag ka nang gisingin!” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.







“Kahit na! Gusto ko siyang makita dapat ay ginising mo nalang ako!” sabi ko rito at sinuklay ang aking buhok.







“Oh em gee! So you're saying that you misses him now?” nilagyan ko ng ipit ang aking buhok at saka muli siyang hinarap.








“Oo! Ano naman ngayon kung na mi-miss ko nga siya?” diretsong sabi ko. Sa totoo naman e, miss ko na talaga.







Mag kakaganito ba ako kung hindi? “Oh edi paano 'yan? Sasagutin mo na?” tanong niyang muli pero umiwas lamang ako ng tingin.







Panandalian kaming nilamon ng katahimikan. Pero nabawi iyon ng magsalita siya.







“Zyreen...” seryoso niyang tinawag ang pangalan ko. Humarap ako sa kanya only to see her very serious face.







“Lumolobo ka na. I mean hindi pa naman ganoong kataba pero dahil sexy at payat ka mabilis mahalata na nagkakalaman ka.” sabi niya habang nakatingin sa katawan ko.







“Magtapat ka nga sa akin.” nag angat siya ng tingin sa akin at tinitigan ako sa mga mata. “Are you...”







“pregnant?” nanlaki ang mata ko sa tanong niyang iyon. Ako!? Buntis? Bakit naman ako mabubuntis e—







Shit!







“Oh my gosh to the deepest level of the ocean!” nakatayo na siya at pabalik balik na naglalakad sa harap ko.








Nakahawak pa sa kanyang ulo. “So buntis ka nga?!” tanong niya pero hindi naman ako makasagot. “Oh my gosh at si matcho dancer ang ama hindi ba! Siya lang naman ang nakapag dilig sa'yo!” sigaw niyang muli.







Ewan ko ba kung mag wo-worry ako dahil sa mga sinasabi niya o maiinis dahil sa mga salita niyang nakakatawa.








“H-hindi ko alam Kia. Baka naman mali ka lang, baka naman tumataba lang talaga ako.” Nauutal na sabi ko.








Hindi pwedeng ganoon, paano nalang ang sasabihin nila mama kapag nakauwi na ako? Na pumunta lamang ako ng Manila para magpabuntis?







“Mas mabuti pa kung mag pa pa check up tayo. Pero bago 'yon kailangan mo munang mag check take ng pregnancy test!” sabi niya.







Wow bakit parang alam na alam niya? “S-sige. Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa trabaho.” sabi ko sa kanya.









“Sure ka bang kaya mo mag work? Naku huwag nalang kaya. Paano kung meron ngang baby ang tiyan mo tapos nakapaligid ang amoy ng alak at sigarilyo sa'yo?” I smiled at her to assure her.









“Don't worry about me. Hindi pa naman tayo sigurado.” sabi ko at nag iwas nalang ng tingin. Ayaw ko na munang pag usapan ang mga ganoong bagay.








Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now