WAVE NINETEEN

3.7K 108 52
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE NINETEEN





“Zyreen!” pinahid ko ang luha ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. “Kia.” sambit ko sa pangalan niya.







Nang makita niya ang mukha ko ay agad niya akong niyakap. “Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nandito? Ha?” tanong niya.








“Puwede bang umalis muna tayo rito? Ayoko na rito.” sabi ko at nagpilit ng ngiti. Hindi naman na siya umimik at hinila nalang ako papasok sa kanyang sasakyan.










Tahimik lang kami sa buong byahe at maging ang pag iyak ko ay tumigil na rin. Ramdam ko na gustong gusto na niyang magtanong pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.








Hanggang sa makarating na nga kami sa kanyang condo. Habang nag lalakad ako ay ramdam ko ang titig niya.








She's eyeing me intently. Napaka seryoso ng kanyang mukha at sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang ganito.








Ang mga titig niyang tila ba ay hinuhusgahan na ako na may napakalaki kong kasalanan na nagawa.









“Zyreen.” may halong pag babanta ang kanyang tono. Umupo ako sa sofa at sinundan niya naman ako.







Tinakpan ko ang mukha ko at doon na siyang nagsimula na mag hysterical. “Oh my god! Oh my gosh! Oh my gee!” sabi niya.








“Don't tell me...oh my gosh to the highest level of the mountain.” gusto kong tumawa sa mga pinagsasasabi niya pero hindi ito ang oras para doon.








“Really Zyreen! Isinuko mo ang bataan? Paano na ang brilyante? Nakuha na ni Pirena?” mariin akong napapikit.







Si Dark ang nakakuha hindi si Pirena.








Inangat ko ang aking ulo at hinarap ang Kiara na nag o-over acting na. “D-did he force you? Sabihin mo sa akin at ipapakulong ko 'yang fafa matcho mukhang dancer na 'yon!” sira ulo talaga loka.







Pero agad naman akong umiling. “H-he didn't force me.” I look away and bit my lower lip. Sa totoo lang ako talaga ang naunang gumawa ng hakbang Kiara, ako talaga.








“So...malugod mong tinanggap ang bawat pagbayo—” I look at her. “Kia!” sigaw ko at ngumuso lang siya.









“E a-ano? Masarap ba—” sinamaan ko siya ng tingin. Iyong tipong aatras talaga ang dila mo sa sobrang sama ng tingin ko.








“Ito naman hindi mabiro.” sabi niya at kinuha ang unan sa tabi saka inilagay sa kanyang kandungan.









“Oh e kung hindi ka naman pala pinilit ibig sabihin nag respond ka.  Ano ang iniiyak iyak mo diyan?” tanong niya.







“Na realized ko na mali pala ang ginawa ko.” sabi ko habang naka tingin sa kawalan. “Na realized ko na hindi ako nandito para doon, na may iba nga pala akong pakay sa pagpunta ko rito.”  sabi ko.







Sinusumpa ko ang sarili dahil sa mga nangyari.








“Hindi Zyreen. Walang mali I mean...basta! Sa akin nalang 'yon. Ayaw ko munang guluhin ang isip mo. Siya sige at maligo ka muna. Amoy ko na ang dugo mo girl, nasaan panty mo? Ha?” pilya siyang ngumiti sa akin.









Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now