WAVE THIRTY-FOUR

3.3K 96 21
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THIRTY-FOUR



I was busy cutting the avocadoes when I heard my phone ring. Indicating someone is calling me.




Kinuha ko ang mga hiwang avocado at nilagay iyon sa mangkok na may laman ng gatas. Kinuha ko iyon at dahan dahang naglakad papuntang sala.



Umupo ako sa sofa at nilapag ang mangkok ng avocado sa lamesa, saka ko pinulot ang aking cellphone.




Kiara Montana Dela Costa is calling...

Accept | Decline




Sinagot ko ang tawag at iniharap ito sa akin, saka inilapag ang cellphone sa lamesa. Kinandong ko ang aking pagkain at bumungad sa akin si Kiara na as usual ay kasama si Penelope.




“Hi ate! Kumusta?” masiglang bungad na tanong sa akin ni Penelope. Habang si Kiara naman ay nakangiti lang na nakatingin sa akin.


Kumunot ang noo ko sa pagiging walang kibo ni Kia. Nilunok ko ang avocado na nasa bibig ko at lumapit sa cellphone.



“Hi! Oh bakit parang wala sa mood ang pinsan ko?” tanong ko rito pero umiling lang si Kia at nagpilit ng tawa.



I rolled my eyes. “What's wrong? Tell me.” Ani ko rito. Tumingin siya kay Penelope kaya mas lalong kumunot ang noo ko.



“Ah ate, mag c-cr lang ako. Bye muna!” sabi nito at biglaan nalang umalis sa harap ng camera. Tumikhim ako at tinuon ang atensiyon sa babaeng nasa harapan ko.



“Anong meron Kia? May problema ba diyan?”  tanong ko sa kaniya. Nagbuntong hininga siya at akmang magsasalita na nang marinig ko ang tinig ni manang Soleil.




“Dios por santo, Raven! Anong nangyari sa mukha mo?” kumunot ang noo ko, binalingan ko si Kiara at sinabihang sandali lang. Tanging tango lang naman ang sinagot niya.




Tumayo ako at tiningnan kung anong nangyayari at halos mapamura ako nang makita si Raven na basag ang nguso at halos nakapikit na ang kaliwang mata.




Inaalalayan siya ni manang papunta sa sofa kaya agad akong lumapit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa bewang at hinawakan ko naman siya sa pisnge na agad niyang idinaing, kaya tinanggal ko rin.



“What happened to your face? May umaway ba sa'yo?” tanong ko sa lalaking ito. Pagod siyang umupo sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan.




“Saglit lang at kukuha ako ng first aid kit.” sabi ni manang. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raven.




Tiningnan ko siya ng masama at hinampas sa braso. “Aray! Bugbog sarado na nga ako, ginaganyan mo pa ako!” asik niya na ikinatawa ko.




“Ano ba kasing nangyari? Ha? Nagbabasag ulo ka na yata e.” sabi ko at pagkakuwan ay papalapit na pala sa amin si mama.




“Oh.” inabot niya sa akin ang kit na agad ko namang tinanggap. “Gagawa lang ako ng meryenda. Pasadahan mo ng yelo. Heto at kumuha na rin ako.” inabot niya rin sa akin ang bulsa de yelo.




I smiled at her na tinanguan lang naman niya. Bumaling ako kay Raven habang nagsasalin ng gamot sa bulak. Nakita ko pang nakangisi siya habang nakapikit.




Mukhang napalakas yata ang suntok sa isang 'to. Nahihibang na e. Lumapit ako sa kanya at marahang dinampian ang sugat sa kanyang labi.


Nakapikit lang siya habang ginagawa ko iyon at minsan ay bahagyang dumadaing. Nang matapos ko siyang linisan ay kinuha ko ang bulsa de yelo at binigay sa kaniya.




Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now