CHAPTER 6:

219 26 4
                                    

Chapter 6:

MIA

"Napa-aga ata ang uwi mo,"ani nito ng maka-pasok ako nang bahay. Alas tres palang ng hapon ngayon ay naka-uwi na ko.

"Ahm, maaga kasing nag-sara yung restaurant. May inasikaso yung amo namin. Two days siyang mawawala dahil may business trip daw. Kaya two days din akong walang pasok ,"ani ko rito na ikina-tango lamang niya.

"Ikaw ba? Bakit parang hindi ka nagta-trabaho?"tanong ko sakaniya na kusa naman niyang ikina-tawa.

"Meron akong trabaho 'di mo lang pansin,"ani niya habang naka-ngiti.

"Eh?"takang ani ko rito.

"Nagtatrabaho ako sa company nila Rex. Kaso dito ko lang ginagawa ang trabaho ko sa bahay dahil alam mo naman 'di ba ang kaso ko na nagtatago ako sa mga magulang ko. Si Rex 'rin naman ang nag-suggest na dito ko gawin ang trabaho ko kesa magtungo pang kompanya nila ,"kaniyang ani na ikina-tango ko na lamang pahiwatig na naiintindihan ko ang kaniyang punto.

"Ah. Kala ko naman wala kang trabaho. Balak pa naman sana kitang ipasok sa trabaho ko. Kaso h'wag nalang din pala kasi baka maarte ka,"aking ani na lamang.

"So sinasabi mo bang maarte ako?"tanong nito.

"Hindi naman sa gan'un, na parang gan'un na nga. E' kasi naman mayaman ka. Baka 'di ka sanay sa mga ganitong klase ng trabahong tulad sa'kin,"paliwanag ko rito.

"Kaya pala ginawa mong katulong ang maarteng sinasabi mong ako, sa bahay na to,"maka-hulogang ani nito sa'kin. Na agad ko namang ikina-kamot sa ulo at pasimpleng ngumiti na lamang sakaniya.

"Hehe. Sorry," hingi ko na lamang ng paumanhin rito. Bago pumasok ng tuluyan sa aking kwarto upang magpalit ng damit.

Pagkatapos ko ngang mag-bihis ay agad 'rin akong lumabas ng aking kwarto. Naka sandong croptop lamang ako at short dahil sa init ng panahon. Walang halong malisya ang pagsusuot ko nang ganito. Dahil nasanay lang ako sa mga ganitong suotan ko sa loob ng bahay. At kahit and'yan pa si Deo ay wala akong balak bagohin ang sarili ko. Atsaka bakla 'rin naman ito at hindi 'rin iyon magkaka-interes sa tulad ko. Malabo 'yun dahil masyado itong patay na patay sakaniyang nobyo.

Nang makalabas nga ako ng aking k'warto, ay napatingin ito sa'kin at gan'un din sa suot ko. Tiningnan ko ang ekspresyon nito ngunit wala naman akong nakikitang iba sakaniya reaksyon, walang malisya o panghuhusga. Kaya nang maka-lapit ako rito ay agad naman akong umupo sa sofa katabi nito.

"Hilig mo talagang mag-suot ng mga ganiyang damit dito sa loob ng bahay, pero kapag sa labas daig mo pa iyong nilagyan ng kumot sa sobrang pagka-balot,"komento nito habang natatawa. Agad ko naman siyang binatukan ngunit wala lang itong pake sa ginawa ko at patuloy lamang ito sa pag-tawa.

"Mainit kasi ang panahon ngayon. Atsaka dito ko lang gustong mag-suot ng mga ganito sa loob ng bahay, dahil bawal sa labas. Baka sa oras na lumabas ako ng ganito ang itsura ay pag-tsismisan lang ako ng mga marites d'yan,"ani ko rito na ikinatango lamang nito at may bahid pa 'rin sa mga labi nito na parang natatawa.

" Kung sabagay, baka nga sa oras na lumabas ka ng ganiyan ang kasuotan ay mapagkamalan ka lang nuno sa punso na nag-suot lang ng sexy-ing damit,"natatawa nitong ani na agad ko namang ikinasa-bunot sakaniya dahil sa sobrang inis.  Talagang ngang inaasar ako nito.

"Trip mo talaga akong mag-tripan ngayon no'. Pasalamat ka talaga at wala ako sa mood,"ani ko rito at sabay sinamaan siya ng tingin na ikina-tawa niya lang lalo.

Dahil sa sobrang inis ay agad na lamang akong pumasok sa loob ng kwarto ngunit lumbas din pagkatapos kong kunin ang librong babasahin ko. Possesive Series na libro ni inang C.C at ika-14 series  na ko nito.

Agad na lamang akong bumalik sa pagkaka-upo sa sofa at binuklat ang librong aking babasahin. Nang mahanap ko na ang pahina kung saan ako nahinto ay saka ko na itong sinimulang basahin at hindi na lamang inintindi ang nasa paligid ko. Abala rin naman si Deo sa panunuod ng T.V.  kaya alam kong hindi na ako nito iistorbohin.

Habang kinikilig na ko sa aking binabasa kung saang part na, na may bed scene.  Ay nagulat na lamang ako nang may biglang humablot nito at si Deo 'yung may gawa. Agad niya namang pinasadahan ang libro ng tingin kung saang part na may paniguradong bed scene na sa binabasa ko. Kaya agad akong nabahala at kinuha ang unan sa gilid ko sabay bato sa mukha nito at kasabay 'rin nun ay ang pag-agaw  ko sakaniya ng librong hawak niya.

Shit! Baka nabasa niya...

"Fuck! Why did you throw a pillow at my face?"galit na tanong nito.

"Pakialamero ka kasi, kita nang nagbabasa ako e',"ani ko na lamang 'rito sabay sara ng libro pagka-kuha ko.

"Kanina pa kasi kita kinakausap hindi ka man lang sumasagot. Ngingiti-ngiti ka pa d'yan habang nagbabasa ka. Kaya na curious ako kung bakit, kasi yung ngiti mo kakaiba na para bang may tumatakbong kahalayan d'yan sa utak mo at tama nga ako,"ani niya na agad ko namang ikina-sama ng tingin rito.

"Paki alamero ka lang talaga. Tsk! Ano ba kasi yung sinasabi o tanong mo?"tanong ko sakaniya.

"I'm asking if you're still a virgin,"ani nito na agad kong ikina-bato ng librong hawak ko sa bibig nito at sapol iyon sa labi niya, nakita ko pang  dumugo ito. Shit! Yari ako nito. Bunganga niya kasi e'.

"Kasalanan mo yan,"sisi kong ani sakaniya.

"Bakit kasalanan ko? E' ikaw nga yung nagbato ng libro sa mukha ko, kaya pumutok ang labi ko e'. Pa'no naging kasalanan ko 'yun? "inis niyang tanong at napa-tayo na lamang sa pagkakaupo nito sa sofa. Hindi ko na lamang ito inintindi at agad kinuha ang librong nahulog at mukhang nagusot tuloy. Kaya pagka-kuha ko ay agad kong niyakap ito at napapa-iyak pa ko dahil parang nasaktan ang librong hawak ko ngayon.

"Mas may concern ka pa sa librong 'yan kesa sa taong nasaktan mo? Hanep ka talaga,"kaniyang ani at balak na sanang pumunta sa kwarto nito nang hilahin ko ang kaniyang kamay at binalik siya sa pagkaka-upo sa sofa.

"Diyan ka lang kukuha lang ako ng gamot,"aking ani at agad nga akong nag-tungong  kusina upang kumuha ng gamot. Kinuha ko ang lalagyan ng first aid kit sa isa sa mga kabinet at agad ring bumalik sa sofa para gamotin na ang pumutok na labi ni Deo.

Inis siyang humarap sa'kin. Ngunit 'di ko na lamang ito pinansin at ginamot na lamang ang pumutok niyang labi.

Nang madampian ng daliri ko ang kaniyang labi ay parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa daliri ko kaya agad kong na ibinawi ang kamay ko mula rito. Nagtataka naman siyang napa-tingin sa'kin.

"Bakit?"takang tanong niya sa'kin gamit ang paos na boses.

----

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now