CHAPTER 8:

265 22 12
                                    

CHAPTER 8:

MIA

Alanganing oras na nang gabi ng maisipan 'kong umuwi na ng bahay. Nakayuko lamang akong naglalakad hanggang sa makalapit ako sa pintuan ng apartment na aking inu-upahan. Ambang pipihitin na sana ang siradura ng pinto ng may gumawa na nito para sa'kin. Hindi pa man ako nag-aangat ng tingin ay alam ko na agad kung sino ito, si Deo.

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong nito sa'kin pagbukas na pagbukas niya pa lamang ng pinto.

Kaya imbis na sagotin ito ay ini-angat ko lamang ang aking tingin rito't sinalubong ang magagandang kulay berde nitong mga mata.

Na baka mabasa ko man lang sa pamamagitan ng pagtigtig rito ang kaniyang iniisip. Ngunit base naman sa nakikita ko sakaniyang mga mata at ang tinging iginagawad nito sa'kin, maging ang eksperesyon ng kaniyang mukha ay wala naman akong nababasang kakaiba o nararamdamang pagka-ilang nito sa'kin.

O baka hindi ko lamang talaga mabasa ang tunay niyang expression sa pagiging apektado niya sa nangyari kanina lamang.

Normal lang ito kung makatingin. Na para bang walang naganap na kakaiba kanina. Kaya naman napa-hinga na lamang ako ng maluwag.

"Ahm... Napasarap lang ang pag-gala. Ang ganda kasi ng hangin sa labas. Nakaka-gaan sa pakiramdam" sabi ko na lamang sa kan'ya at ngumiti nang tipid. "Kumain ka na?" dugtong ko pang ani rito.

"Hindi pa. Hinihintay nga kita e'," ani nito na siya namang kusang ikina-kalabog ng aking puso.

Kaya agad na lamang akong napahawak sa aking dibdib ng pilihim kung saan dama ko ang hindi normal na bilis na tibok ng aking puso. Nagtataka kung bakit biglaan naman atang nagka-ganito ito.

"Ano ba puso mag tigil ka! May sira ka na ata!" ani ko sa aking isipan na para bang masusuway ko ang aking puso sa biglaan lamang nitong pagtibok nang hindi normal.

"Ah... K-kung gano'n kain na tayo. Kung may kakainin na nga ba," aya ko na lamang sakaniya sabay iwas ng tingin rito't isinawalang bahala na lamang ang umuusbong na kalokohang nararamdaman, dahil hindi rin ako pamilyar rito.

"Bakit ba kasi bigla na lang 'tong bumilis. Hindi naman ito ganito dati ah?" patuloy ko pa ring pag-kausap sa aking sarili pagtukoy sa puso kong may nararamdamang kakaiba na parang sa akin ay hindi normal.

Nauna na nga siyang pumasok sa loob kaya sumunod na lamang ako. At nakita ko na lamang siyang agad na nag-tungong kusina. At nagsimula na nga itong mag-handa ng plato sa mesa na para sa'ming dalawa. Inilatag niya na rin sa hapag kainan ang mga putaheng kakainin namin.

Nang inaya niya na nga ako pagkatapos na pagkatapos pa lamang niyang maghanda, ay agad nga akong sumunod rito at agad 'ring naghila ng upuang aking gagamitin. Nang maka-upo ay kaniya-kaniya na kaming sandok ng mga sarili naming kakainin.

Simula't hanggang matapos kami sa aming kinakain ay wala lang kaming imikan nito. Na akin na lamang hinayaan dahil busy rin ako sa paglamutak sa aking pagkain.


Nang matapos nga kaming kumain ay agad na nga naming iniligpit ang aming mga pinagkainan. Ako na 'rin ang nag-volunteer mag hugas dahil tutal naman siya na ang nagluto at panibagong libre niya na naman ito sa akin, kaya nakakahiya naman kung siya pa ang papahugasin ko, diba?

Infairness kay Bading masarap itong magluto, kaya naman naparami talaga ang pagkain ko. Isinantabi ko nalang talaga ang aking hiyang nararamdaman dahil sa kagutoman. Hindi ko na inintindi pa ang iisipin ni Deo tungkol sa way ng pagkain ko kanina. Basta sunod-sunod lang ang ginawa kong pag-subo ng aking pagkain kanina dahil ako'y talagang gutom na gutom na at bukod pa dun ay sobrang sarap din talaga ang adobong niluto ni bakla.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now