Chapter 11: ( WARNING ⚠️)

556 19 1
                                    

WARNING ⚠️: DAHIL ANG PROGRAMANG ITO AY PINALUPIT NA SPG (CHAROOT!) Pero kung likas talaga kayong pasaway at inosente bahala na kayo! Matanda na kayo para mag-isip... Pagod na'ko!🤧😅🤭✌️

 Pagod na'ko!🤧😅🤭✌️

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Chapter 11:

MIA

"Akala ko talaga hindi ka na babalik,"sabi ko rito habang dinadama ang mga labi nito na nakadampi sa aking nuo.

Ngunit sa gitna nito ay nagulat na lang ako sa taong tumikhim mula sa likuran ko. Na siyang ikinatauhan ko, dahil bigla na lang nawala sa isipan kong may kasama nga pala ako sa bahay.

Dahil nga sa pagtikhim ng taong 'yon. Ay siya ngang naging dahilan kung bakit naagaw ang atensyon namin ni David.

Agad na lamang akong napa-ayos ng tayo at agarang puwesto sa gilid ni David. Kinapit ko pa ang mga kamay ko sa kanang braso nito bago ko binalingan si Deo na may ngiti sa mga labi.

Ngunit ang pagbaling ko rito ng may ngiti sa mga labi, ay siyang kabaliktaran naman ng nabungaran ko sakaniyang mukha. Isang mukha na di'ko alam kung galit ba o ewan. Ngunit isa lang ang sigurado ako--- ang matalim na tinging ibinibigay nito sa'kin.

"Deo si David, matalik kong kaibigan na siyang kapit bahay lang na'tin. Na akala ko---"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay kusa na lang itong tumalikod at iniwan kami ni David. "Hayaan mo na. Masungit lang talaga 'yon. "paliwanag ko kay David.

"Kailan ka pa nagkaroon ng room mate na lalake, Mia?"tanong nito habang naka-kunot ang nuo.

"Hindi pa siya nagtatagal rito. Nung nakaraang buwan lang siya lumipat at h'wag kang mag alala dahil bakla naman si Deo. Hindi ako kayang patulan non. Mas bet niya ang may espadang tulad niyo,"sabi ko rito na siyang mas lalong nagpakunot sa nuo nito.

"Espada? Bakla?" nagugulohan nitong tanong na siyang ikina-tango ko lang rito. " Ni hindi ko nga napansin na bakla siya sa paningin ko. Ang gwapo niya naman para maging bakla,"sabi nito na siya namang ikina-ngiti ko ng nakakaloko rito.

"Bakit type mo?"tanong ko rito habang nagta-taas baba ang kilay ko.

"Baliw. Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko kahit pa ilang beses mo na akong binusted,"sabi nito na siya namang ikina-tawa ko.

At tuluyan na nga kaming pumasok sa loob ni David. Natagpuan ko pang si Deo ay nasa kusina na habang may kausap sa laptop nito, na mukhang ka video call ata ang jowa niya.

Napagawi pa ang atensyon nito sa p'westo namin ng maka-upo na kami ni David sa sofa. Ngunit iniiwas ko na lang ang tingin ko rito na siyang ikina-hagip naman ng atensyon ko sa brang nasa sahig at muling nag sink in sa utak ko ang nangyari kanina, na siyang nagpapula sa mukha ko.

"May sakit ka ba , Mia? Bakit bigla na lang namula ang mukha mo,"alalang tanong nito sa'kin.

"Wala. Ang init lang,"sabi ko pa rito habang pinipigilan kong sumilay ang pinipigilan kong ngiti sa aking mga labi.

The Unexpected HeartbeatNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ