CHAPTER 19:

102 10 0
                                    

CHAPTER 19:

ILANG LINGGO na ang lumipas simula ng umalis siya ng manila at magtungo sa probinsiya.

Panatag ang loob niyang manirahan sa probinsiya dahil walang taong manghuhusga sa kaniya. Bukod sa malalayo ang mga kapitbahay niya ay hindi naman siya pagtutuonan ng mga ito ng pansin dahil hindi naman siya kilala sa lugar na iyon.

At sa lumipas na ilang linggo ay sa wakas, may tumanggap din sa kaniya sa trabaho. Katulad ng trabaho niya sa manila na crew ng isang coffee shop. Hindi nga lang katulad sa manila ang sahod, ay ayos na rin sa kaniya. Kesa mag-inarte pa. Kailangan na kailangan niya ang pera. Hindi na lang para sa sarili niya, kundi para na rin sa taong dinadala niya.

Tama kayo. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ni Deo.

Nakaraang linggo niya lang nalaman dahil sa pag-iiba ng mood niya at sa kakaibang mga pagkaing ginugusto niyang kainin. Madalas din siyang magsuka tuwing umaga at sa mga naaamoy niyang hindi gusto ng sikmura niya. Nakahalata na siya sa mga nangyayari sa kaniya pero isina-walang bahala niya lang iyon nung una, dahil baka masyado lang siyang OA. Pero napag-isip isip niya na baka totoo ang hinala niya, kaya napabili siya ng ilang piraso ng pregnancy test at confirm ang hinala niya sa sarili. Sa una'y hindi niya pa tanggap dahil sa palagay niya ay hindi niya kakayaning buhayin ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Ngunit kalaunay napag-isip isip niya na and'yan na ang bata sa loob niya at sino ba naman siya para hindian iyon.

Ginusto niyang may mangyari sa kanila at siya ang dahilan kung bakit may nabuo. Kaya wala siyang karapatan na pagkaitan ng buhay ang bata.

Ang kailangan niyang isipin ay hayaang mabuhay ang bata sa sinapupunan niya at tanggapin ito ng may pagmamahal. Anak niya iyon. Anak nila ni Deo. Kaya kailangan niyang kumayod para sa sarili at sa batang dinadala. Mag iipon siya ng paunti-unti. Nang sagayon ay hindi siya mahihirapan sa oras na kailanganin niya ang pera sa oras na mailuwal niya na ang bata. Alam niyang darating ang araw na tatanggalin siya sa trabaho sa oras na lumaki na ang t'yan niya. Ngunit hangga't maliit pa at hindi pa halata ang pagdadalang-tao niya , ay magtatrabaho siya. Kung kailangan niya ng iba pang sideline or raket gagawin niya para lang magkaroon ng sapat na ipon para sa kanilang dalawa.

Gabi na ng maka-uwi siya sa nirentahang bahay. Mabuti na lang din talaga at mabait ang may-ari. Madalas din siya nitong bisitahin sa apartment na kaniyang tinutuloyan at kamustahin.

Madalas may dala pa itong pagkain para sa kaniya. Na ikinapagpapasalamat niya rito dahil laking tipid rin iyon para sa kaniya. Ngunit minsan nagtataka siya kung bakit gan'on na lang kabait sa kaniya ang landlady.

Ngunit kalaunay nang malaman niya ang rason nito ay doon siya nakaramdam ng awa para sa matanda pero hindi niya lang iyon pinahalata rito.

Namatayan ang matanda ng anak. Babae.

Kaya gan'on na lang ito sa kaniya kung ituring siya, dahil naaalala nito ang namatay na anak sa kaniya. Ka-edaran niya rin ng bawian ng buhay. At labis ang pangungulila ng ginang sa kaniyang anak. Kaya nang dumating siya ay parang bumalik rin sa piling nito ang kaniyang anak sa katauhan niya.

Nagpapasalamat rin ito sa kaniya dahil kahit ikuwenento nito ang rason ay hindi siya nakaramdam ng pagka-ilang, bagkos ay niyakap niya ang matanda. Dahil dama niya roon ang lungkot at labis na pangungulila para sa namayapang anak.


Nang makapasok sa ni-rentahang bahay ay agad siyang naupo sa sofa sa sobrang pagod dahil ang layo ng nilakad niya. Simula sa trabaho hanggang sa kaniyang apartment.

Dahil sa gusto niyang makatipid sa pamasahe. Kaya niya ginagawa iyon. Kaya naman niya ang layo ng nilalakad thirty to fourty minutes ang tinatagal sa paglalakad. Nasasanay na rin ang mga paa niya kaya para sa kaniya ay hindi na alintana sa kaniya ang layo o tagal ng paglalakad.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now