CHAPTER 14:

256 8 3
                                    

CHAPTER 14:

THIRD PERSON

ANG PLANONG pag-iwas ni Mia sa binata ay nangyayari na. Itinuring niyang hindi na rin nage-exist sa buhay niya ang binata. Kahit minsa'y nagkaka-salubong ay nananatili lang si Mia'ng nagkukunwari ring hindi nakikita ang binata kahit pa kasalungat ang nararamdaman niya sa tuwing magkakasalubong sila nito. Dahil ang totoo'y sa pag-iwas niya ay iba ang nararamdaman ng puso niya. Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ng binata.

Hanggang kailan sila magkukunwaring hindi nakikita ang isa't isa? Hanggang kailan sila mag-iiwasan?

Pero wala siyang magagawa, kung ganitong set-up ang gusto ng binata.

PAGLABAS niya ng k'warto ay sakto rin ang pagkatok ng kung sinong tao na nasa labas ng kanilang apartment. Pasimple niya pang sinipat ang buong sala, na wala namang Deo'ng nahagip ang mga mata. Bago napili nang pagbuksan ang taong nasa labas ng kanilang apartment.

Pagbukas niya ay agad siyang dinambahan ng yakap ng isang babae.

"Hey! Teka. Sino ka?"tanong niya sa babaeng bigla na lang yumakap sa kaniya. Agad naman siyang binitawan ng taong 'yon at simangot na sinalubong siya ng tingin.

"Ate Mia naman. Hindi mo na 'ko nakilala? Kakatampo ka,"tampong ani nito. Ngunit talagang hindi naaalala ni Mia ang batang babae.

"Sino ka nga ba?"tanong niya.

"Ate! Ako 'to si Jelly. Jel-ly, kapatid ni kuya David. Hindi niya ba sinabi sayo na kasama ako sa pag-uwi niya sa apartment. Kakainis talaga ang bakulaw na 'yon."

"Jelly, ikaw ba talaga 'yan?"hindi makapaniwalang tanong ni Mia, dahil anlaki ng pinagbago ng batang babae. Dalagang dalaga na kung titingnan at dinaig pa siya sa pormahan. At mas matangkad pa sa kaniya ang bata o sabihin na nating dalaga.

"Oo nga ate Mia. Ako 'tong cute na si Jelly, na naging pasaway sa'yo. Haha."natatawang ani nito.

"Jelly..."nakangiting ani ni Mia at muling niyakap ang dalaga na tinugunan naman nito.

"Ate Mia... Pangit ka pa rin,"sabi nito sa gitna ng yakapan nilang dalawa. Agad naman siyang itinulak ni Mia paalis sa pagkakayakap niya rito at masama itong tiningnan na ikina-tawa lang ni Jelly. " Joke lang. Cute na maganda ka no, ate Mia. Tampo ka naman agad. Haha,"ani nito sabay kurot sa pisngi ni Mia.

"Aray, Jelly!"

"Sorry na, Ate Mia. Miss you. I love you..."ani nito na siyang nagpangiti kay Mia.

"Asan si Kuya David mo?"tanong niya sa dalaga.

"Papunta na rito. Sabi ko kasi sa kaniya na pupuntahan kita, na agad naman siyang pumayag at susunod na lang daw siya rito. Mukhang may niluluto ang kuya para sa'yo. Ayiieh..."panunukso nito, na ikina-rolyo lang ng mata ni Mia. At natatawa na lang sa dalaga.

Andito na naman siya sa panunukso ng kapatid ni David. Hilig nitong bigyan ng ibang kahulogan ang pagkakaibigan nilang dalawa. Pero imbis na mapikon din rito ay hinahayaan niya na lang. Basta ang alam niya ay kaibigan lang ang turing niya kay David. Wala siyang ibang nararamdaman sa binata, tanging kaibigan lang ang turing niya rito kahit kasalungat naman n'on ang nararamdaman ng binata para sa kaniya. Hindi niya kayang tugonan ang nararamdaman nito. Dahil baka sa oras na bigyan niya ng pagkakataon ang lalake ay masira lang ang matagal na nilang pagiging magkaibigan.

Kahit ilang beses na itong nagtangka na manligaw ay hindi niya ito pinapayagan.

Napabaling ang atensyon nilang dalawa ng may kumatok na sa labas ng apartment.

"Ate, baka si kuya David na 'yon,"naka-ngiti nitong ani.

Agad naman ni Mia'ng pinagbuksan ang taong nasa labas. Gulat siya na makita na ang taong nasa labas ay Boyfriend ni Deo. Naka-ngiti pa ito sa kaniya, na agad naman niyang ikinaramdam ng konsensya.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now