CHAPTER 12:

343 15 0
                                    


CHAPTER 12:

THIRD PERSON



Dahil sa nangyari ay unti-unti nang nare-realized at nakaramdam na ng hiya si Mia para sa kaniyang sarili dahil sa  nangyari. Kaya ang ginawa niya ay nagkulong muna siya sa kaniyang kuwarto at ibinaling na lamang ang sarili sa pagsusulat ng story na mukhang kailangan niya na ring dugtongan.


Hindi niya namalayan ang oras dahil naging abala siya sa kaniyang ginawang pagsusulat sa kaniyang laptop. Napahinto lamang siya sa kaniyang ginagawa ng makaramdam na ng pangangalay at pagka-gutom.



Nang mapagawi ang tingin niya sa bintana ay napansin niyang papalubog na pala ang araw. Kaya agad na siyang napa-tayo at naisipan ng lumabas ng kaniyang kuwarto.

Sa paglabas niya ay nagtataka siya na tahimik ang salang nadatnan niya. Walang Deo na nanunuod ng TV sa ganitong oras o nagluluto na sa kusina.



"Nasa kuwarto kaya siya?"naitanong niya sa sarili. Ngunit hinayaan niya na lang ang naging tanong sa kaniyang isipan at pumunta na lang ng kusina.



Ang inaakala niyang may pagkain ng madadatnan sa mesa ay wala pa pala. Kaya mas lalong napa-kunot ang kaniyang noo, dahil hindi naman ganito ang palagi niyang nadadatnan. May nakahanda na agad na pagkain once na alam ng binata na nalilipasan na naman siya ng gutom, kakatokin siya sa kwarto o kaya ay magtatabi ng pagkain para sa kaniya, pero taka siya ngayon kung bakit wala.  Pero hinayaan niya na lang at siya na lang ang nagluto.

Tiningnan niya ang mini fridge na may laman namang lulutoing ulam. Adobo lang ang alam niyang lutoin kaya iyon na ang kaniyang sinimulang asikasohin. Nagsaing na rin siya ng kanin.


At pagkatapos ng lahat-lahat ng kaniyang ginawa ay saka lang niya naisipan ng katukin ang kwarto ni Deo para yayain na itong kumain.


Ngunit maka ilang katok ang kaniyang ginawa ay walang nagbalak na magbukas ng pinto. Kaya dahil sa pagkataka ay naisipan niya na lang buksan ang kwarto ng binata at ang nabungaran niya lang ay ang malinis na kuwarto nito at wala roon ang binatang hinahanap niya. Sinirado niya na lamang iyon at agad na lang nagtungong kusina.


"Sa'n kaya 'yon pumunta?"tanong niya na lamang sa sarili.


At nagsimula na nga lang siyang mag asikaso nang kaniyang makakain. At nang matapos lagyan ang sarili ng pagkain ay sinimulan niya na rin itong kainin.






ILANG ORAS na siyang naghihintay sa sala. Nagaabang sa pagdating ng binata. Ngunit wala pa ring Deo'ng dumadating. Ilang beses na siyang lumilingon sa pintuan ngunit wala pa rin talagang binatang iniluluwa ang pintuan.

Alanganing oras na at maski ang mata niya ay gusto ng bumigay pero pinipilit niya pa rin ang sarili maging mulat dahil gusto niyang abangan si Deo na umuwi.

Naghintay pa siya ng ilang oras hanggang sa unti-unti niya na nga lang namamalayan na nahila na pala siya ng antok.

---



"IS there a problem between you and Mia?"takang tanong ng Boyfriend niya, habang nasa likod niya ito at naka-yakap sa kaniya.


"Nothing,"ani niya habang lumilipad ang kaniyang isip.

"So bakit ka nandito?"


"Bakit bawal na ba ako dito?"takang tanong niya sa boyfriend niya, na ikina-tawa lang nito.

"No that's not what I mean. Nagtataka lang ako at biglaan ata ang pagpunta mo. Kaya naisip kong baka nagka-problema kayo ni Mia."paliwanag nito habang nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang leeg at pinapatakan siya ng munting halik roon.


The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now