Chapter 13:

235 12 0
                                    

THIRD PERSON


Kinabukasan paggising ni Mia ay agad niyang inilibot ang tingin sa buong sala. Hinahanap ang taong gustong makita ng mga mata niya. Pero bigo siya.

Kusang pumurma ang lungkot sa kaniyang mukha dahil palagay niya ay hindi pa rin nakaka-uwi ito mula kagabi.

Siguro dahil umiiwas ito sa kaniya at baka nagsisisi sa muntikan ng may mangyari sa kanila.

Ngunit agad din napabaling ang atensyon niya ng may marinig siyang bumukas na pinto mula sa kwarto ng taong inaasahan niya.

Agad na sumilay ang mga ngiti sa kaniyang mga pagkakita rito. Napatayo pa siya sa kaniyang kinauupuan.

Ngunit ang akala niyang ngingitian siya pabalik, ay iwas tingin lang ang itinugon nito. Naglakad ng diretso na akala mo ay hindi siya ko nakita o napansin.

Balak man niya sanang magsalita para magtanong pero kusang umurong na lang ang kaniyang dila. Tiningnan ang binata hanggang sa makarating ng kusina.

Gusto man niyang sundan pero naisip niya na lang na maglakad patungong kwarto niya. Dahil palagay niya ay wala sa mood ang binata para pansinin siya.

Pagkarating ng kwarto, ay agad siyang kumuha ng damit sa closet. Dahil naalala niyang lunes ngayon at work day na naman. Kaya mabilis siyang nag-asikaso dahil baka ma-late pa siya sa kaniyang trabaho.

Pagkatapos mai-ayos ang sarili ay agad na siyang lumabas ng kwarto. Balak pa sana niyang magpaalam sa binata na aalis na siya. Kaso wala siyang nadatnang tao sa sala at maging sa kusina. Palagay niya ay nasa kwarto niya na ito kaya hindi na lang siya nag-abalang magpaalam pa rito at kusa na lang umalis ng apartment.

---


ILANG ARAW ng napapansin ni Mia ang inaakto ng binata. Iniiwasan siya nito. 'Yon ang palagay niya. Dahil sa tuwing nasa bahay na siya o nasa sala ay saka ito magkukulong sa kwarto at hindi lalabas hangga't alam ata nitong nand'yan siya.

Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Simula ng may muntikan nang mangyari sa kanila ay palagay niya doon din nagsimulang umiwas ito sa kaniya.

Nagsisisi ba ito talaga sa nangyari? Alam niya naman mali ang kanilang ginawa pero pwedi naman nilang pag-usapan 'yon ng maayos. Hindi 'yong ganito na iniiwasan na lang siya bigla.

Ilang araw na at sa ilang araw na 'yon ay talagang inis na inis na siya. Hindi siya makahanap ng t'yempo kung pa'no kakausapin ang binata. Dahil talagang mailap ito sa kaniya.

At dahil nga sa sobrang inis na nararamdaman ay wala man siyang balak sumama sa birthday party ng kaibigan niyang si Ate Aya, ay pinili niya na lang sumama rito at kahit hindi siya marunong uminom ay uminom siya dahil baka kahit papano sa pamamagitan ng alak ay mawala man lang ang nararamdaman niyang inis at sakit na hindi niya alam kung bakit.

Siguro dahil sa tratong ipinapakita sa kaniya ng binata.
Hindi na ito tulad ng dati na nakaka-kulitan niya, na dati ay inaasar-asar siya. Nakakaramdam siya ng lungkot at pagka-miss pero wala siyang magawa kundi respituhin na lang ang desisyon ng binata.

"Mia , awat na. Andami mo ng nainom. Lasing na lasing ka na, kaya tigilan mo na 'yan,"awat sa kaniya ni Ate Aya nang makita siyang nakikipagtitigan pa sa bote ng alak at pagkatapos ay tutonggain.

"Okay pa ko, Ate. Hindi pa po ako lasing. Kita niyo naman , maayos pa ko magsalita,"sabi pa niya kahit ang totoo ay iba na ang itsura ng mukha niya at halata na rito ang sobrang kalasingan.

"Awat na, Mia. Iuuwi na kita sainyo. Alanganing oras na din kaya iuuwi na kita. Baka may nag aalala na sa'yo,"sabi pa nito na siyang ikina-tawa niya ng mapakla.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now