CHAPTER 16:

180 12 3
                                    

CHAPTER 16:

MIA

Sa ilang oras na pag-gagala. At paglilibang sa sarili ay naisipan na rin naming umuwi ni Ate Aya. Balak pa kong ihatid ni ate Aya sa apartment ko, pero sinabi ko na lang, na kaya ko namang mag-isang umuwi. Kahit tutol siya sa suwest'yon ko ay wala na rin siyang nagawa.

"Tawagan mo ko ah. Para alam ko kung naka-uwi ka na ba ng ligtas, para hindi ako mag-alala. Okay?"ani nito na ikina-tango ko lang rito.

As always na sinasabi ni ate Aya tuwing pauwi ako. At ikinakatuwa 'yon ng puso ko, dahil feeling ko parang nakakatandang kapatid ko si Ate Aya. Grabe siya kung mag alala sa'kin at kung paano niya ako pakitungohan. Feeling ko, ang swerte ko dahil nakilala ko si Ate Aya.

"Opo. Good night, ate Aya,"ani ko na lang habang naka-ngiti sa kaniya at nagsimula ng maglakad paalis. Kumaway pa ko bago tuloyan ng tumakbo.

Ilang kanto lang naman ang dadaanan ko, para makarating ng bahay. Kaya kampante din akong ligtas akong makakauwi. Wala namang mga siraulo sa kanto at madami namang mga baranggay Tanod na nag-iikot kaya naman panatag ako.

Alas Nuwebe na ng gabi. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ng buksan ko ito. Nasa harap na'ko ng pinto, bago ko napagpasyaham na itext si Ate Aya, para ipaalam rito na naka-uwi na'ko.

Hindi pa ko pumapasok sa loob. Nagpapatagal, habang inabala ko rin muna ang sarili sa pakikipagtext kay ate Aya.

Ngunit nagulat na lang ako ng may kumalabit sa'kin. Gulat kong nilingon ang taong 'yon. Napahawak pa ko sa dibdib ko, dahil akala ko multo na.

"Kevin! Buset ka! Bakit ka nang gugulat,"bulyaw ko rito.

"Haha. Ang epic ng itsura mo. Kala mo multo na no? Haha. Bakit ka ba kasi nasa labas pa? At busy ka pa d'yan sa kakadutdot sa cellphone mo."

"Galing ako sa paggagala kasama si ate Aya at kakauwi ko lang. At tinitext ko si Ate Aya to inform her na naka-uwi na'ko . Sige na umalis ka na nga,"pangtataboy ko sa kaniya.

"Ouch ah. Grabe ang pangtataboy mo. Hindi mo na ba ko love?"pagiinarte pa nito habang hawak ang dibdib niya. Na siyang ikinatawa ko lang rito at hinampas siya sa braso.

"Ewan ko sa'yo , Kevin. Umuwi ka na, dahil gabi na. Papasok na ko."

"Sige. Goodnight, Mia,"nasabi na lang nito bago mabilisang dinampian ako ng halik nito--- sa pisngi ko, na ikinatulala ko lang naman ng ilang minuto. Nakita ko pa ang pagrehistro ng ngiti niya sa labi bago tuloyan nang tumakbo patungo sa sarili nitong unit.

Nang matauhan ay napa-iling na lang ako at napa-ngiti dahil sa ginawa niya.

"Sira talaga. " Nasabi ko bago ko na napagpasyahang pumasok sa loob.

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa paningin ko ang kadiliman ng silid. Nagtaka ako dahil dito.

"Nakalimutan ko bang mag bayad ng kuryente?"tanong ko pa sa isipan ko, pero alam kong wala akong palya sa pagbayad ng kuryente dahil kasama ko si Deo. Simula ng tumira siya ay hindi naman na'ko nahihirapan sa mga bayarin dito sa bahay. At laking pasalamat ko 'yon sa kaniya.

Pero bakit ang dilim? Ni isang ilaw ay walang naka-sindi.

"Brown out ba?"naitanong ko pa sa sarili. Habang hinahanap pa ang switch ng ilaw para buksan ito. Ngunit imbis na iyon ang makapa ay may ibang matigas na bagay akong nahawakan.

Nang mapagtanto ko kung anong bagay na iyon ay agad kong inilayo ang mga kamay ko rito. Ngunit hindi pa man tuloyang nakakalayo ang mga kamay ko ay agad niyang hinila ang braso ko. Bago mabilisang isinandal sa pader.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now