CHAPTER 6

180 10 1
                                    

Nandito ako ngayon naglalakad palabas ng school. Mabuti nalang at hindi ako nasuspend. Iyong mga bully naman ay nakick-out dahil kay Javier. Dapat masususpendi din ako pero hindi nangyari iyon dahil sakan'ya.

Agad kong tinignan ang sugat kong kanina pa kirot nang kirot. Tinadyakan 'to ng isang lalaki kanina kaya sumasakit siya. May dugo ang damit ko mula yata sa sugat na natadyakan.

"Gagong 'yon."saad ko at hinawakan ang sugat kong sumasakit. Sa bahay ko nalang gagamutin 'to.

Nailing nalang ako at nag patuloy sa paglalakad noong may biglang pumaradang sasakyan sa harap. Agad kong nakilala kung sinong nandoon noong bumaba ang bintana nito.

"Get in!"seryusong utos niya.

"No need, maglalakad ako."sabi ko pero muli niyang hinarangan iyong dinadaanan ko.

"Stop being a hard headed, and fucking get in!"muling utos nito kaya padabog kong binuksan ang pinto ng kotse niya. Sinigurado kong malakas kong isinara 'yon kaya kumunot ang noo nito.

“Gusto mo bang sirain 'yan ha?”singhal nito kaya masama ko siyang tinignan.

“Kainis!”nayayamot na saad ko at humilig sa upuan.

Agad ko siyang inirapan noong mahuling nakatingin siya sa'kin. Nakakainis talaga siya. Sobrang mapilit.

"Is your wound still bleeding?"tanong niya.

"Pake mo?"pabalang na sagot ko.

"Really?”he exclaimed. “for once wala kaba talagang matinong sasabihin?”naiinis na sabi niya kaya umirap ako.

"Hindi ka naman matinong kausap."sabi ko at tumingin sa labas ng kotse.

Dahil siguro sa traffic ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Noong gumising ako ay nasa isang puting kwarto na ako at noong kapain ko iyong sugat ko ay may bago na itong bandage.

Ang galing naman at dinala niya pa talaga ako sa hospital. Napakadesisyon talaga ng lalaking 'yon sa buhay.

"Are you okay?"tanong niya noong makapasok sa pinto.

"Anong oras na?"tanong ko imbes na sagutin iyong tanong niya.

"Eight in the evening, I didn't wake you up because you look tired."sabi niya kaya nginisihan ko siya.

“Really? That sounds sweet.”sarkastikong sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Can you stop being like that for once?"saad niya at umupo sa upuan doon.

Umiling nalang ako at hindi siya pinansin. Noong bandang alas nuwebe ay kumain kaming dalawa. Kumakain lang kami pero hindi kami nag-uusap.

Noong matapos naman kami ay inantok nanaman ako kaya nakatulog din ako agad.

Nagising ako noong alas dos ng madaling araw. Ang akala ko ay mag-isa nalang ako sa kwarto pero mali ako. Nakita kong mahimbing na natutulog si Javier sa sofa. Napatawa ako dahil mukha siyang batang nagsusumiksik doon.

Tumayo at inilagay sakan'ya iyong kumot dahil mukha siyang giniginaw doon.

“Kawawang bata.”saad ko at muling bumalik sa pagkakahiga.

Muli akong bumalik sa paghiga habang nakaharap sa pwesto niya. Kahit natutulog ay ang gwapo parin talaga ng lalaking 'to. Hindi na'ko magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kagaya niya.

“Ang daming may gusto sayo. Hindi nila alam ang sama ng ugali mo.”mahinang saad ko habang nakaharap dito.

Maliwanag na noong nagising ako ulit. Wala na si Javier doon sa sofa at may naiwan ding note sa bedside table ko.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now