CHAPTER 22

384 19 6
                                    

Nagising ako dahil sa katok sa labas ng kwarto ko. Agad akong padabog na bumangon dahil nasisira ng tao sa labas ang tulog ko.

“What?!”inis na tanong ko pagkabukas ko ng pinto.

“Ahhmm... Dinner's ready.”saad niya at kinagat ang ibabang labi. “you can eat later. Sorry for disturbing your sleep.”sabi niya at bumaba ng hagdan.

Agad akong napapikit dahil sa kahihiyan. How dare me snap out with the one who's cooking me a dinner. Agad akong bumalik sa kwarto ko at nag hilamos. Inayos ko rin ang mahaba kong buhok at lumabas na.

Naabutan kong naghahanda palang si Javier sa pagkain at agad itong napatingin sakin noong mapansin ako.

Agad siyang tumayo at kinuha ako ng pinggan. Nilagyan niya rin ito ng kanin at ulam kaya nagtataka ko siyang tinignan. May lagnat ba ang isang 'to.

“Kumain kana.”saad niya at bumalik na sa upuan at kumain.

Nahihiwagaan ko siyang tinignan kaya tumingin siya sakin nang may nagtatakang tingin.

“Lasing kaba? May lagnat?”tanong ko at lumapit sa pwesto niya at sinipat ang noo niya.

“I'm fine and not drunk.”saad niya at inalis ang kamay ko sa noo niya.

“Tinakot kaba ni dad na sasaktan ka kapag napagod ako rito?”tanong ko rito.

“He didn't threatened me or whatsoever. I just want to do this para naman kapag natapos ang taon ay wala kang masabi na masama akong asawa.”sabi niya kaya natawa ako.

“Kala mo sakin sumbongera?”saad ko at umupo na sa upuan.

“Just eat, Relcy.”saad niya at muling kumain.

“I'm sorry to burst out your bubble, but you should call me Escabella, Mr. Morgan.”sabi ko rito.

“I don't want to.”sagot din nito kaya sumimangot ako.

“You should. You can just call me Relcy if we're best friends or we're super close.”sabi ko kaya napailing siya.

“We're already close, Rels.”pakikipagtalo pa nito.

“How so?”hamon ko at uminom ng tubig.

“I am your husband.”saad niya kaya napaubo ako.

Agad siyang tumayo at kumuha ng tissue at ibinigay 'yon sakin. Masama ko naman siyang tinignan pero umupo lang ito ulit at kumain.

“Our marriage is still not registered so hindi mo pa talaga ako asawa, Mr. Morgan.”sabi ko rito.

“It's already registered this morning so that means you're my wife, Mrs. Morgan.”sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Nanahimik nalang ako at kumain na. Baka may mali pa akong masabi at kung ano nanaman ang lumabas sa bibig niya. Pagkatapos naming kumain ay siya ulit ang nag hugas ng pinggan habang ako ay nauna na sa couch para manood ng movie.

“What should I watch? Was this good?”saad ko sabay pindot ng palabas na Pride and Prejudice. Parang historical yata 'to or classic?

Nagsimula na ang palabas at umupo rin maya-maya si Javier sa tabi ko. Focus lang ako sa palabas at napapanguso sa tuwing nagsusungit ang bida yata si Mr. Darcy rito.

“Why would parents always push their kids to marry?”nakangusong saad ko dahil iyong magulang ng bidang babae ay pinipilit iyong kapatid niya na pakasalan ang lalaking mayaman na kaibigan ni Mr. Darcy.

“I think it's for their sake?”patanong na sagot naman ni Javier sa tabi ko.

“For their sake my ass! Kita mo 'yan? Ni ayaw ngang mag pakasal ni Elizabeth kay Mr. Collins eh!”saad ko habang masamang nakatingin sa tv.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now