CHAPTER 11

287 10 0
                                    

Malapit na ang undas at gusto kong nalang sumama sa mga taong nasa hukay. Mas mukhang chill pa sila eh. Tambak ang school works pero tamad akong galawin ang lahat ng 'yon.

Isama mo pa 'tong si Ivy na nagpadala pa talaga ng costume sakin. Eh tinatamad nga akong pumunta sa advanced halloween party ng mga Morgan tapos ako pa inutusang bumili sa mall.

“Ka bwesit mag bit-bit nito lintik!”ungot ko dahil sa costume na dala ko. Bakit ko nga ba sinunod ang bruhang 'yon?

Gustong-gusto ko na talagang umuwi dahil bwesit na bwesit na'ko kakabit-bit ng tanginang costume na 'to. Pag ako napuno, tatapon ko 'to.

Noong nagutom ako ay pumasok ako sa Japanese restau dahil gutom na gutom na talaga ako. Nakita ko pa si Mira at Hera na hanggang ngayon ay umaarte paring takot sakin. Ang sarap niyang sakalin minsan.

Noong matapos ay umuwi narin kami. Syempre hindi ako pupunta kahit pinapapunta ako ni Fon. Bigla akong tinamad kanina lang. Hindi na tuloy ako tutuloy.

Nakaupo si Dad noong pumasok ako sa bahay. Agad siyang bumaling sa pwesto ko kaya alam kong may kailangan siya sakin.

“Pumunta ka sa party nila Fon ha.”hindi 'yon tanong dahil utos 'yon.

“Eh tinatamad ako. Ikaw nalang kaya.”sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

“You're going.”pinal na saad niya at umalis sa harap ko.

Napairap ako dahil isa lang naman talaga ang rason kung bakit ayaw kong pumunta sa party na 'yon. Makikita ko lang ang nakakainis na mukha ni Veil, Alliana at Javier do'n.

Noong kinagabihan ay wala akong nagawa dahil papapuntahin talaga ako ni Daddy at Fon. Hindi ko alam kung bakit kailangan akong papuntahin ni Fon doon eh wala naman akong iaambag sa party na 'yon.

“Let's beat it buddy.”saad ko at pinasibad ang motor ko.

Nakangisi ako buong oras habang mabilis na pinaharurot ang motor ko. Malalaman ko lang 'yan mamaya kung over speeding ako kapag may pulis ng nakasunod sakin.

Sa awa ni Lord ay nakarating naman ako sa mansion ng mga Morgan ng buo at walang humahabol na pulis.

Noong maiparada ang motor ko ay napatingin ako sa bahay nila. Wala parin talagang kupas ang kagandahan nitong mansion. Halos isang dekada na yata noong huli akong nakapasok dito.

Taas noo akong pumasok sa loob. Maraming estudyante ang nasa loob habang suot ang magagandang custome nila. Mas hindi ko na tuloy alam kung bakit narito ako.

Habang naglalakad ay biglang may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito.

“Relcy? Ikaw naba 'yan anak?”napatingin ako kay Tita Chantria noong lumapit siya sa pwesto ko.

“Good evening po.”bati ko at bumeso rito. “kumusta po, Tita?”tanong ko kaya napangiti siya.

“Ayos lang ako. Ang ganda-ganda mo ng bata ka.”saad niya kaya napangiwi ako. Alam ko namang maganda ako pero ang pangit pala kapag sinabi sayo.

“Same as you, Tita. Hindi ka tumatanda, pero si Fon mukha ng lolo.”sabi ko kaya natawa siya ng mahina.

“'Wag mong ipaparinig sa Tito mo 'yan.”natatawang sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “halika at kumain tayo sa dining room.”sabi niya at bigla nalang akong hinila.

“Tita hindi na po. Nakakahiya po.”sabi ko pero umiling lang siya at patuloy akong hinila.

“Maraming pagkain ang nakahanda. Anong gusto mo at ikukuha kita?”tanong niya pero nahihiya akong umiling.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now