CHAPTER 21

368 15 4
                                    

Hinatid ako ni Javier sa kompanya ko at sumama rin siya sa loob. Napapatingin ang mga empleyado sakanya, lalo na ang mga babaeng empleyado. It's either they know him, or nakaka attract lang talaga ang tindig niya. Naglalakad lang naman siya na parang walang pake sa mga tao kaya napailing ako.

“Good morning, Ma'am.”bati ng secretary ko noong makapasok ako.

“Morning. Marami bang bagong papeles ang ta-trabahuhin ko?”tanong ko habang nakatingin sa mesa ko.

Kumunot ang noo ko dahil hindi siya sumasagot kaya napatingin ako sakanya. She's looking at Javier na parang estatwa ito ng diyos na gusto na niyang sambahin.

“Ira!”tawag ko kaya napatingin siya sakin.

“Hindi naman po masyado, Ma'am. Sino po 'tong gwapong kasama niyo?”nakangiting tanong niya kaya napatingin ako kay Javier na tahimik lang na nakatayo malapit sa pinto at hindi siguro napapansin ang ginagawa ng babae.

“Stop eyeing him, Ira.”sabi ko pero ngumisi lang ito.

“Reto mo'ko, Ma'am. Ang gwapo.”sabi pa niya habang nakatingin kay Javier kaya napailing ako.

“Stop eyeing my husband, Ira.”saad ko kaya awtomatikong nanlaki ang mata niya at tumingin sakin.

“May asawa ka po? Asawa niyo 'yan?”tanong niya na tila hindi makapaniwala.

“It should stay between us. Ayokong makaabot ito sa media.”sabi ko kaya nanghuhusga niya akong tinignan.

“Delulu ka yata ma'am eh! Asawa mo ba talaga 'yan? Parang wala naman sa bokabolaryo mo ang pag-aasawa.”sabi niya pa at muling tumingin kay Javier.

“Ask him if you want.”sabi ko at nag kibit balikat. Lumapit ako sa mesa ko at sinipat ang mga papeles doon.

“Oh my god!”nagulat ako noong biglang sumigaw si Ira.

Napatingin ako sakanya at nakita ko na malalaki ang mata niyang nakatingin sakin. Si Javier naman ay may naguguluhang ekspresyon sa mukha.

“Why are you shouting?”tanong ko rito.

“Ma'am confirmed! Asawa niyo nga siya.”sabi niya at napatakip sa sa bibig.

Napatingin ako kay Javier at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako noong nakita ko ang pag daan ng multo na ngiti sa labi niya.

“Keep quiet, Ira!”sabi ko at pinandilatan ito. Yumuko pa siya na tila humihingi ng tawag.

Tinignan ko muna ang mga papeles na ta-trabahuhin ko bago tumingin kay Javier. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya lumapit na ako sa pwesto niya.

“You can go now. I'm fine here.”sabi ko na ikinatango nito.

“Let's go home together later. Susunduin kita.”sabi niya pero agad akong umiling.

“No need to. Tsaka sayang naman ang gas kung pupunta kapa rito.”I said that earned an scoff on him.

“I can build my own gasoline station. I'll go, see you later.”sabi niya at lumabas na.

Agad na lumapit si Ira sa pwesto ko habang nakanguso.

“Walang kiss? Anong klaseng asawa 'yon?”malakas na saad niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

“Tumigil kanga! Hindi naman lahat ng mag-asawa gano'n ka sweet–”napatigil ako noong muling pumasok si Javier sa opisina ko.

Napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. “May nakalimutan ka?”tanong ko rito.

Lumapit siya sa pwesto ko at hinalikan ako sa labi kaya nanlaki ang mata ko.
“Bye.”muli niyang saad bago lumabas.

Agad akong napatingin kay Ira habang siya ay nakaawang din ang mga labi. Agad akong napatakip sa tenga ko noong tumili ito. Tanginang bunganga 'yan! Akala ko nakatakas na ako kay Hera! Pero meron pa pala.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat