CHAPTER 9

222 11 1
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuan dito sa amusement park habang nakain ng hotdog roll at umiinom ng mango shake. Libre niya lahat 'to dahil siya naman ang nangulit.

“I want to ride the vikings.”sabi niya kaya malakas ko siyang binatukan.

“Tama kana gago!”singhal ko rito at muling sumubo ng pagkain.

Tinarantado yata ako ng lalaking 'to. Panay aya niya sa nakakahawang rides tapos panay dikit sakin. Hindi ko alam kung takot talaga siya o nananantsing lang.

“I had fun.”biglang sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

“I don't. You're annoying.”sabi ko kaya napangiti siya. Gwapo pala siya ngumiti. Ngayon ko lang napansin.

“I'm I that handsome?”sabi nito. Napatagal yata ang titig ko sakanya.

“Kapal.”sabi ko kaya natawa siya.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad na kami. Feel ko ay malas talaga kami dahil nakasalubong namin si Javier at girlfriend niya.

Agad na kumaway sa gawi nila si Veil kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Dude! On a date?”tanong niya sa lalaki.

“Yeah.”maikling sagot ni Javier at tumingin sakin. “On a date?”tanong rin nito pero nasakin ang tingin.

“Aha.”sagot ni Veil kaya siniko ko siya. Natawa lang ang gago.

“Hi Alliana!”bati ng katabi ko sa babae. Ngumiti ito ng matamis kay Veil. “Nice meeting you here, Veil.”bati rin nito sa lalaki.

“Uwi na tayo.”sabi ko at hinila ang braso ng lalaki.

“Your already tired? Sakay tayo ulit.”parang batang saad nito.

“Eh kabwesit ka eh! Uuwi na'ko.”sabi ko kaya napanguso siya.

Inakbayan niya 'ko kaya masama ko siyang tinignan. Ang kapal ng mukha ng gagong 'to. Akala niya 'ata close na kami.

“My girlfriend and I needs to go. See you when I see you again, Dude.”sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.

“What the fuck are you–”tinakpan niya ang bibig ko at hinila ako palayo sa harap nila Javier.

Inis na inis na ako sakanya kanina pa. Napaka walang hiya talaga ng lalaking 'to. Gusto ko siyang sapakin. Nakakainis, nakakastress. Kung sa school naman sa harap ng iba ay napakaseryuso niya. Pero ang gagong 'to ay nakakabwesit pala talaga.

“I am not your girlfriend!”agad na bulyaw ko noong makalapit kami sa sasakyan niya.

“I just like seeing Javier's reaction. He seemed irritated. Mabait naman ako maging boyfriend eh, 'di ba?”sabi niya kaya malakas ko siyang sinapak sa tiyan.

“Gago!”inis na saad ko at pumasok na sa sasakyan.

“What the hell?! Are you gonna kill me?”saad niya at pumasok narin sa may driver's seat. “That hurts.”patuloy na reklamo niya. Buti nga sakanya.

Nagpahatid ako sa building kung saan matagal ko ng hindi napuntahan. Agad akong lumabas at hindi na pinansin si Veil noong magtanong ito. Nauubos lang ang energy ko sa kakulitan niya.

Pumasok ako sa loob at napangisi noong makita ang loob ng feild. Fuck. I missed racing. Time out with arena, and let's fucking race.

Napatigil ako noong makita ang mga totoy na sina Dheo, Laven, Jendrick, at Lucca. Ang mga sigang totoy ng tambayang 'to. Kaibigan nila si Xavier sa pagkakaalala ko.

“Pssst mga totoy!”tawag ko kaya sabay-sabay silang lumingon sa pwesto ko.

Agad silang nagsikuhang apat na parang mga batang tuta. Ang cute ng mga totoy na 'to.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now