CHAPTER 10

260 11 2
                                    

Time flew really fast. I belong in a bunch of younger students. The group of Elmizera. They're funny and chaotic to be with. Para silang walang mga problema sa buhay.

We always hangout at gano'n din kami nila Veil at Javier. We became friends kahit madalas na nakakainis si Veil.

“I seen your scores in some test, I think you're improving.”saad ni Javier sa tabi ko habang nagtitipa sa laptop niya.

“Why are you always monitoring my scores? Nakakahiya.”sabi ko at sumipsip sa iniinom kong frappe.

Sa katunayan ay masaya si daddy dahil mahigit dalawang buwan na akong hindi pumupunta sa ground. I mean I still went there, but not to pick a match. Pumupunta ako doon kapag may gusto akong pag-aralan tungkol sa kompanya ni dad.

“There's nothing to be ashamed of. As long as you take your study seriously, whatever your score is– is not something you should be ashamed.”sabi niya kaya napanguso ako.

“Said by the perfect guy in class.”sarkastikong sabi ko rito.

Gan'yan siya magsalita dahil hindi naman siya kahit kailan nahirapan sa pag-aaral. Mabuti sana kung magkasing talino kami. Minsanan na nga lang ako pumasok, hindi pa ako nag-aaral.

“I'm not perfect. I just study that's why.”sabi niya pa.

Patuloy lang siyang nagtitipa sa laptop niya habang ako ay kumakain. Libre niya lahat 'to kaya sinusulit ko na.

“Pumasok ba si Veil? I haven't seen him earlier.”sabi ko kaya napatigil siya at tumingin sa'kin.

“He's with the teachers. They attended seminar.”sabi nito kaya napatango ako.

“Sayang. I have something to show him. Bukas siguro papasok nanaman siya.”sabi ko at bumalik sa pagkain.

“Why don't you show it to me? What do you want to show him, hmmm? Just show it to me.”saad nito. Para talaga siyang bata. Ang arte ha!

“Ayoko nga! It's only exclusive for Veil.”sabi ko kaya masama niya akong tinignan.

“I am also your friend! Why don't you show it to me too?”reklamo nito.

“Because Veil is my ultra mega friend?”nang-aasar na saad ko.

“And I'm your mega bestfriend so let me see it.”sabi niya pero umiling lang ako.

“Nope. Your not Veil. What's exclusive for Veil, will only belongs to him.”sabi ko kaya sinarado na niya ang laptop at mukhang stress na kumain.

Panay pa ang reklamo niya na tila inis na inis talaga siyang hindi ko 'yon ipapakita sakan'ya.

“Kila Cleo mo nalang ako ihatid ha? May inuman kasi do'n.”sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Pauwi na kasi kami at ang mga bata ay biglang nag-aya ng inuman.

“Cleo? Who's that?”tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

“Stop asking!”asik ko at humilig sa upuan ng shotgun seat. “Finally some rest.”sabi ko at pinikit ang mata ko.

Sinabi ko nalang sakanya ang address ng bahay nila Cleo at umidlip sandali. Noong dumilat ako ay naabutan kong nakahilig din si Javier sa sasakyan niya habang nakapikit.

Umayos ako ng upo at tumingin sa labas. Nakikita ko ang gate nila Cleo at hindi ko alam kung bakit hindi ako ginising ni Javier para bumaba na. Kawawa naman siya at mukhang pagod ang bata.

Tumingin ako ulit sa pwesto niya at halatang himbing na himbing ang tulog niya na medyo nakakunot pa ang noo. Bakit ang cute ng gagong 'to sa paningin ko ngayon.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now