Haunt

45 4 2
                                    

TRIGGER WARNING

This story contains graphic violence, strong language, and disturbing content that may trouble some readers.

Read at your own risk.


DISCLAIMER

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events, or incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


* * *


"Sol, umamin ka na! Go!" Pabirong itinulak ng dalagang si Eloise ang kaibigan niyang si Solene papalapit kay Ledger, na kasalukuyang nakapwesto sa isang bench at abala sa pagtitipa sa laptop nito. "Chance mo na 'to, oh! Wala na 'yong buntot niyang si Tamara!"


Napakamot na lang si Solene sa likuran ng tenga niya at walang nagawa kundi ang umupo sa tapat ng lalakeng nagugustuhan niya. "Hi, Ledge! Busy ka ba?"


Nagulat si Ledger sa biglaang pagsulpot ng dalaga sa harapan niya. Ilang segundo siyang napatitig dito nang may naglalakihang mga mata bago siya nag-iwas ng tingin. Ibinalik niya kaagad ang atensyon niya sa laptop at nagtipa muli upang abalahin ang sarili niya, dahil sa takot na mahalata ng dalaga na nababahala siya sa presensiya nito.


"Hindi ba halata?" masungit na tanong niya.


Napanguso na lang si Solene at palihim na sinulyapan ang kaibigan niyang nakaupo sa isang mesa, at panay ang pagsesenyas sa kaniya na umamin na siya. Napabuntong-hininga siya at pasimpleng napahawi sa buhok niya dahil sa tensyon na nangungumapaw sa sistema niya. Tumikhim muna siya bago niya nilingon ang lalakeng kaharap niya saka niya ito tinitigan sa mga mata.


"Uhm. . . Sasama ka ba sa outing ng section natin sa Friday?" Pinili na lang ni Solene na huwag umamin dahil alam naman niya sa sarili niya na wala talaga siyang pag-asa kay Ledger.


Nagkibit-balikat ang binata saka siya tiningnan. "Depende."


"Ang sungit niya talaga," nakanguso na bulong ni Solene sa sarili niya ngunit kaagad din naman siyang ngumiti. "Okay, Le─I mean, Pres. See you on Friday, kung makakasama ka."


Tinanguan lang siya ni Ledger kaya tipid na lang siya na napangiti saka ito kinawayan. Umalis na rin siya kaagad sa harapan nito at bagsak ang balikat na lumapit sa kaibigan niya. Naglaho ang ngiti sa mukha ng nakaabang na si Eloise nang makita ang balisang mukha ni Solene.


"Ay, pucha. Rejected?"


"Sino'ng rejected?" Bigla namang sumulpot ang isa pa nilang kaibigan na si Cassidy na may sukbit na bag na ang laman ay ang naka-disassembled na bow nito. "'Di niyo na ako ini-include sa mga chismisan niyo, ha? Kaunti na lang at magtatampo na talaga ako sa inyong dalawa."


Napatingin si Solene sa bag na sukbit nito at mapait na napangiti. Dalawang taon na simula noong sinukuan niya ang archery, dahil lang sa bagong asawa ng papa niya. Ayaw na ayaw nito sa sports na kinalakihan ni Solene dahil naaalala nito ang totoong ina ng dalaga na kinamumuhian niya. Kaya naman pinapili niya si Solene sa pagitan ng archery at pag-aaral nito.

HauntWhere stories live. Discover now