Chapter 13

32 2 2
                                    

Tinulungan ako ni Adey na umakyat sa sanga ng isang puno. Dito namin makikita nang malinaw ang buong summer house. Sumunod din siya kaagad sa akin dala-dala ang metal na timba, saka niya ako tinanguan.

Tahimik ko na ipinuwesto ang hawak kong bow habang sinusundan ng tingin ang tatlo. Pumuwesto na silang tatlo malapit sa main door saka nila kami tinanguan. Huminga ako nang malalim habang itinututok nang diretso ang dulo ng pana sa pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan nang binitiwan ni Eloise ang timba at naglikha ito ng malakas na tunog.

Lumabas ang isang hillbilly kaya mabilis kong binitiwan ang pana. Nakaramdam ako ng panggigigil dahil sa tyan ko lang kto natamaan kahit na sa dibdib ko siya binalak na panain. Malakas na hinampas ni Russell sa mukha ang lalakeng 'yon kaya bumagsak siya sa sahig bago pa man siya makahingi ng tulong sa kasama niya.

Nakita naman na tuluyan nang pumasok ang tatlo kaya nagkatinginan kami ni Eloise. Ilang minuto ang lumipas, wala naman kami masyadong marinig mula sa loob. Ayaw manahimik ng utak ko habang naghihintay kaya tiningnan ko si Eloise.

"Papasok ako—"

"Are you crazy?" inis na tanong niya sa akin. "Maghintay pa tayo nang kaunti, Solene. Malakas sina Adonis at Russell, at matalino si Ledger. They can manage, I know they will."

"Paano kung hindi?" tanong ko na nakapagpatahimik sa kaniya. "Kahit malakas at matalino sila, alam ko na mahina ang puso nila pagdating kay Kianna. Paano kung—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig namin ang palahaw ni Russell. Nagmamadali akong bumaba pero mabilis akong hinawakan ni Eloise. Pilit niya akong inaakyat pabalik kaya napadaing na lang ako.

"Eli!" hiyaw ko. "They're in danger!"

"Ano ba'ng magagawa mo, Solene?! You'll just get yourself killed!" sigaw niya kaya umiling ako. "Solene, makinig ka sa 'kin. Sugatan ka at mahina tayo, kaysa sa kanila! We need a fucking plan!"

"Well, fuck that fucking plan! I'm going!" Tuluyan na akong bumaba kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

"Tigas talaga ng ulo mo," inis na bulong niya.

Napalunok ako habang nakatitig sa bukas na pinto ng bahay. Maingat kami na naglakad papunta roon at natigilan ako nang mapatingin ako sa katawan na nakahilata sa daraanan namin. Inapakan ko ang dibdib niya saka ko binunot ang pana na nakatarak sa tyan niya. Kinuha ko ang patalim sa bulsa niya at inilahad iyon kay Eloise.

"Pugutan na lang kaya natin siya ng ulo?" tanong ni Eloise kaya mahina akong natawa. "Seryoso ako, Solene. Baka kasi bumangon pa 'to bigla."

"He'll still die from blood loss," bulong ko.

Dahan-dahan kaming naglakad papasok at nadatnan namin na patay ang ilaw sa buong bahay. Napabuntong-hininga na lang ako saka ko kinalabit si Eloise. Binuksan niya ang flashlight at nakita nakin ang magulong sala.

Nauna siyang maglakad sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Nagtungo kami sa dining table at muntik na akong masuka nang makita ang ulo ng mga kaibigan namin doon. Tumulo ang luha ko kaya nilingon ako ni Eloise at hinawakan niya ang kamay ko.

"Fuck them," tukoy ko sa mga hillbillies.

Nakarinig ulit kami ng sigaw ngunit kay Adonis na naman. Nahila ako ni Eloise para bilisan ang paglalakad kaya nagpatangay na lang ako. Nakarating kami sa isang bukas na pinto, at may hagdanan na pababa.

"Basement," bulong ni Eloise sa akin.

Tumango ako. Sabay kami na naglakad pababa at nadatnan namin ang tatlo na nakaluhod at nakagapos. Punong-puno ng pasa at sugat ang mga katawan nila kaya bumagsak ako sa sahig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HauntWhere stories live. Discover now