Chapter 02

16 4 0
                                    

"Habang wala pa 'yong bus na sasakyan natin, pwede muna kayong mamili ro'n sa I-Mart." Itinuro ni Ledger ang convenience store na 24-hours bukas, na nasa tawid lamang ng bus station kung nasaan kami ngayon. "May twenty minutes pa naman tayo. Just be back before 5:30."


Pagod kong ibinaba sa bench ang backpack ko saka hinilot ang magkabilang balikat ko. Hindi pa nga kami nakaalis dito sa bayan, nananakit na 'yong katawan ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko kinuha ang wallet at cellphone sa maliit na bulsa sa likuran ng backpack ko.


Hinubad ko ang hood ng jacket na suot ko saka nilugay ang may kaiklian kong buhok. Umiinit na kasi ang paligid dahil nagsisimula nang sumilip ang araw. Nagsuot lang naman ako nito kanina dahil ayaw kong mahamugan at sipunin sa lamig ng paligid.


"Pupunta kayong I-Mart?" tanong ko sa mga kaibigan ko.


Tumango si Kobi at tumayo na mula sa kinauupuan niya. "Sama ako sa 'yo, Sol. Titingnan ko lang kung may Nova silang tinda ro'n. Wala kasi sa 7-Eleven kanina, e."


"Pass ako, beh. Masakit puson ko," nanghihinang sagot ni Eloise, kaya tinanguan ko na lang siya.


"Kayo? Sama kayo?" tanong ko sa iba.


"Dito lang din siguro ako. Wala naman na 'kong bibilhin, e," sagot ni Cassidy, saka niya tinuro si Eloise. "Samahan ko lang 'tong beshy natin."


"Dito lang din ako," sagot ni Ethan saka niya tinuro ang mga gamit namin. "Ako na lang muna magbabantay. Tinatamad din kasi akong gumalaw, e."


"Me rin, sasama!" Nagtaas ng kamay si Wesley at tumabi sa akin, nang marinig niya ang sagot ni Ethan.


Halata talaga 'tong girlalu na 'to, e.


"Kayo na lang, dito lang ako. Masakit pa rin kasi puso ko," pabirong sagot ni Chuck kaya tinawanan ko na lang siya.


"Sama rin ako. Bibili ng—"


"Sigarilyo," pagtutuloy ko sa sasabihin ni Russell, saka ko siya sinamaan ng tingin. "'Wag ka nang sumama. Diyan ka na lang, kupal ka."


Napahawak siya sa dibdib niya. "Ang judgemental mo naman masyado, miss? Bibili lang ako ng mint candy kasi nagbabagong buhay na 'ko, okay? Sama talaga ng ugali mo."


Ako naman ngayon ang napahawak sa dibdib ko. "Ay, talaga? Nagbabagong buhay? Uso pa pala 'yon sa 'yo, Russell? Aba, edi magbayad ka na rin ng class funds 'pag may time, uy!"


Napanguso na lang siya at napatingin kay Ledger. Kasalukuyan itong nakaupo sa bench at nakatingin sa aming magkakaibigan. Magsasalita pa sana ako para ayain siya, nang bigla na lang akong kinaladkad ni Russell paalis. Hawak-hawak niya ang hood ng jacket ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya.


"Ano ba, Ruz?!" inis na singhal ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.


HauntWhere stories live. Discover now