Chapter 11

11 3 0
                                    

Solene


Wala na kaming pakialam kung hindi man namin nakikita ang paligid. Hindi na namin pinansin ang matatalim na mga sanga sa dinadaanan namin. Takbo lang kami nang takbo papalayo sa lugar kung saan kami huling tumigil kanina.


"What the fuck are they?" hinihingal na tanong ni Ledger at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin—maging kami nga rin naman.


"Ever heard of hillbillies?" Napatingin kami kay Adonis.


Agad akong natigilan. "Wrong turn. . . Iyong mga hillbillies sa Wrong Turn! 'Yong mga pumapatay, tapos. . . tapos kinakain nila 'yong mga pinapatay nila."


"So, you think na gano'n ang mga huma-hunting sa 'tin ngayon?" tanong ni Russell sa akin kaya hindi ako nakasagot.


"Posible rin," sagot ni Adonis.


"Pero, hindi naman nila kinakai—"


"Hindi nga ba talaga?" pagpuputol naman ni Eloise sa sasabihin ni Ledger, na siyang nakapagpatahimik sa aming apat. "Hindi natin alam kung hindi nga ba."


"Hindi niyo ba napansin?" tanong ko rin. "Like, they were expecting us here?"


"What are you trying to say, Solene?" naguguluhang tanong naman ni Russell.


Nag-iwas ako ng tingin. "Si. . . Si Nanang, sinabihan kaming mga babae na magugustuhan kami ng mga—hindi ko alam kung sino 'yong tinutukoy niya, dahil pinutol ni Kia ang sasabihin niya."


"Noong plinano rin nina Ethan at Kobi na hanapin 'yong sinasabi nilang Casa de Matanzas, sumulpot na lang bigla si Nanang at sinabi niya na. . . na 'wag daw lalabas ngayong gabi dahil hindi raw nila magugustuhan 'yon. So, sino 'yong tinutukoy niya?" dagdag ko pa.


"It's not making sense at all," Ledger whispered. "Bakit naman nila gagawin sa 'tin 'to? Ano ba'ng atraso natin sa kanila? E, bago lang naman tayo rito at hindi naman natin sila kilala."


"Tayo, hindi. Si Kianna?" tanong ni Eloise. "Oo."


Tuluyan kaming natahimik. Wala kaming marinig kundi ang pagbuhos lang ng malakas na ulan, ang tunog ng putik habang tumatakbo kami, at ang mabibigat naming paghinga. Binalot ng takot ang buong sistema ko hanggang sa bigla na lang akong bumagsak sa sahig.


"Solene!"


Napakagat ako sa labi ko habang iniinda ang sakit ng paa ko. Kinapa ko ito at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang barbed wire na nakapulupot dito. Muntik nang kumawala ang isang malakas na sigaw sa lalamunan ko, kung hindi lang tinakpan ni Adonis ang bibig ko.


"Is this a trap?" hindi makapaniwalang bulong ni Eloise habang nag-iisip kung papaano niya tatanggalin ang nakapulupot na barbed wire sa paa ko. "Solene, I'm so sorry. Wala na tayong choice kundi ang sapilitan na tanggalin 'to sa paa mo. Baka magka-tetanus ka pa kung patatagalin pa natin 'to."

HauntWhere stories live. Discover now