Chapter 06

11 3 0
                                    

Solene


"Aray ko! Pucha naman, oh! Kaya ayaw na ayaw ko talagang nagp-prito, e!" inis na sigaw ko at napahaplos na lang sa braso ko.


Tawang-tawa naman si Sally sa reaksyon ko. "Ako na nga lang kasi, Solene, e. Ayaw mo namang makinig sa 'kin. Dali na, ako na riyan."


Gusto ko pang tumulong pero masakit din talaga ang talsik ng mantika. Hindi ko na mabilang kanina kung ilang beses akong natalsikan sa braso. Napanguso na lang ako at inilahad sa kaniya ang tong na ginagamit ko pambaliktad ng mga lumpia.


"Russell! Pakigamot nga muna 'yong mga paso ni Sol—"


"'Wag na!" kaagad na hiyaw ko. "Hindi naman masakit, Sally! Keribells ko 'to!"


"Akin na," seryosong sambit ni Russell saka niya ako hinila at ipinuwesto sa isang tabi. "'Wag nang matigas ang ulo, Solene."


Kaming tatlo lang ang nandito sa kusina dahil nasa sala 'yong iba. Nag-aayos na sila roon ng mga gamit namin dahil pagpatak ng 6 PM ay aalis na kami rito sa bahay. Pupunta kami sa pwesto na nahanap nina Ledger at Eloise kanina.


Tahimik ko na lang na pinanood si Russell habang nilalagyan niya ng ointment ang mga pulang marka sa braso ko. Napansin ko na siya pa 'tong napapangiwi at napapadaing sa tuwing idinadampi niya ang daliri niya sa balat ko. Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya kunot-noo siyang napatingin sa akin.


"Gago ka ba?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Akin na nga 'yan! Ako na lang maglalagay! Para ka kasing bakla kangingiwi mo riyan, e!"


"Bakla? Baka halikan kita riyan."


"Alright! I'm outta here!" hiyaw ni Sally at umalis na dala-dala ang last batch ng mga lumpia na piniprito ko kanina.


Tumikhim ako at hinayaan na lang si Russell na gamutin ang mga paso ko. Hindi na ako nagsalita dahil baka ako na naman itong hindi makasagot sa huli. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa buong kusina at pinagmasdan ang kisame.


"Ayan, okay na," sabi niya.


"Salamat." Mabilis akong tumayo at aalis na sana nang bigla niya akong hinila pabalik, hawak-hawak ang kwelyo ng t-shirt ko sa likuran.


"Hoy, babae. Wala nang libre sa panahon ngayon," sambit niya at sapilitan akong iniharap sa kaniya.


Napatikhim naman ako at naiilang na tumango. "Don't worry. Ako na'ng bahala sa lunch mo sa Monday. Okay na ba 'yon na pambayad, ha?"


* * *


"'Yong cooler, James, ikaw na'ng madala," utos ni Ledger at itinuro ang kulay asul na cooler sa sahig. "Pagtulungan niyo na lang ni Chuck kung masyadong mabigat."


"Okay na ba lahat? Wala na tayong nakalimutan?" dagdag na tanong niya.


HauntWhere stories live. Discover now