Chapter 03

19 3 0
                                    

"Woah! Guys, ito na ba 'yong Agony Hill?" manghang wika ni James na nakaakbay sa girlfriend niyang si Cherry, habang nakatitig sa harapan namin. "Babe, mukhang maso-solo na talaga kita mamayang gabi─"


"Psst, huy! Bawal ang mga ganiyan dito! Please, respeto naman sa mga walang jowa!" suway sa kanila ng kaibigan kong ipinaglihi ni Tita Elaine sa ampalaya.


"Hay, nako, Eloise! Reto ko na nga lang sa 'yo si Adonis, oh!" Tinuro ni James ang may pinaka-macho na katawan sa mga kaklase naming lalake. "Hoy, Adi! Si Eloise nga pala!"


Natatawa itong napailing at hindi na lang sumali sa asaran ng mga kaklase namin. Sa katotohanan, alam ko rin na may gusto itong si Adonis sa kaibigan ko, pero mukhang wala siyang plano na umamin at hindi ko na alam ang dahilan kung bakit. Kung tutuusin, si Eloise naman talaga ang dahilan kung bakit siya sumama sa outing na 'to, aminin man niya o itanggi.


At mukhang sumama rin naman ang iilan sa amin dahil kasama ang mga taong nagugustuhan nila.


"Maraming salamat po." Napatingin ako kay Ledger dahil siya huling tao na bumaba sa bus.


Bumaba ang conductor at isa-isa kaming tiningnan nang makahulugan. "Alam niyo naman na Biyernes Santo ngayon pero panay ang gala ninyo. Saka, dito pa talaga kayo sa Agony Hill nagpunta."


Kumunot ang noo ko sa asal niya. "Bakit ho, kuya? May problema ho ba?"


Nag-iwas siya ng tingin at wala na namang balak sagutin ang tanong ko. Nagkibit-balikat naman ang mga kasama ko at nagsimula na lang na maglakad paalis. Pumasok na rin pabalik ang conductor sa bus kaya hinabol ko siya at tinawag.


Napalingon siya. "Bakit?"


"Ano ho ba ang ibig ninyong sabihin kanina?" giit ko. "Ano ho bang meron sa paggala at paglabas ng mga tao tuwing Holy Week, at dito rin sa Agony Hill?"


Napabuntong-hininga siya. "Patay ang Diyos ngayon, bata."


Tatalikuran na ulit sana niya ako pero tinawag ko na naman siya, dahil hindi niya sinagot nang kumpleto ang itinanong ko. "E, 'yong tungkol po rito sa Agony Hill? Ano po ang meron dito?"


Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko masasagot ang tanong mo, bata. Ang masasabi ko lang ay mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo sa lugar na 'to."


Tuluyan nang umalis ang bus at naiwan akong balisa. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa karatula na may nakalagay na 'Welcome to Agony Hill' na nasa harapan ko lang. Mabigat ang bawat paghinga ko habang inayos ko ang pagsukbit ko sa backpack ko.


"Uy, Solene! Bilisan mo na riyan!" kumakaway na tawag sa akin ni Cassidy kaya nagpilit ako ng ngiti at kaagad nang sumunod sa kanila. "Ba't ba nagpahuli ka pa, ha? Chinika mo pa ba 'yong conduc─wait! Don't tell me type mo 'yon at nag-damoves ka pa?!"


Napalingon sa akin sina Russell at Ledger nang marinig nila ang hiyaw ni Cassidy. Ilang beses naman akong umiling upang depensahan ang sarili ko, pero mas nangingibabaw na ang pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang at baka magtunog defensive pa ako kapag may sinabi ako.

HauntWhere stories live. Discover now