Chapter 04

16 4 0
                                    

Binalot ng matinding takot ang sistema ko nang may marinig akong tumatawa sa paligid. Napayakap ako sa sarili ko nang mapagtanto ko na nasa gitna pala ako ng mga kakahuyan. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito dahil ang huling naalala ko ay nasa kwarto ako naming mga babae.


"Solene," bulong ng kung sino sa tenga ko kaya napalundag ako sa takot.


"Solene, uy! Gising!"


Humahangos akong napabangon nang yugyugin ni Wesley ang balikat ko. Nag-aalala siyang napatitig sa mukha ko kaya napalunok ako. Napahilamos ako gamit ang mga palad ko at ngayon ko lang napansin na naliligo na pala ako sa sarili kong pawis.


"Nasa labas sila. Susunod sana ako, pero ayaw naman kitang iwan dito," wika niya at umupo sa sarili niyang kama, nasa tabi ng akin. "Hindi rin naman ako mag-e-enjoy do'n kasi wala ka, kaya dito na lang muna ako."


"Wesley," bulong ko kaya napangiti siya at nag-iwas na lang ng tingin, sa takot na mahalata ko ang kalungkutan sa mga mata niya, pero huli na. "Teka, wait lang. Mag-aayos lang ako, tapos sasamahan na kita sa baba."


Tumango siya kaya kumuha ako ng isang pares ng damit mula sa bag ko at nagtungo sa banyo, na nasa loob lang ng kwarto namin. Mabilis akong naligo, dahil sobrang lagkit na ng nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang pawis ko kanina na ayaw ko naman na matuyo pa sa katawan ko, dahil wala na itong mas ilalagkit pa.


Simpleng puting t-shirt at dark gray parachute pants lang naman ang isinuot ko. Mainit dito sa loob ng summer house dahil walang aircon, o kahit electric fan man lang. Nakakahiya namang magreklamo dahil nakituloy lang naman kami rito.


Lumabas ako at naabutan si Wesley na nakadungaw sa bintana. Malungkot ang mga mata niya kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at natanaw ko rin sina Cassidy at Ethan sa labas na nag-uusap at nagtatawanan.


"Wes, tara na," aya ko sa kaniya.


"Solene, sabihin mo nga. Mas better ba talaga si Cassidy sa 'kin?" mapait na tanong niya kaya natigilan ako. "Mas maganda ba siya? Mas mabait? Mas sexy? Ma-Mas magaling?"


Napalunok ako, dahil pareho lang kami ng nararamdaman ngayon. Aaminin ko, sobra-sobra din ang inggit na nararamdaman kay Cassidy, dahil nagawa niyang naipagpatuloy ang archery, na sabay naming sinimulan. Nag-iwas na lang ako ng tingin at iwinaksi ang lahat ng mga bagay na iniisip ko.


"So-Sorry. . ." bulong niya at palihim na pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya. "Hindi na dapat kita dinadamay sa mga kaartehan ko na 'to, e. I'm sorry, Solene. I'm so sorry."


Niyakap ko siya nang mahigpit. Wala na siyang nagawa kundi ang iiyak na lang lahat ng mga sama ng loob niya sa balikat ko. Ramdam ko ang pait sa bawat hikbi niya, kaya marahan ko na hinaplos ang likod niya.


"Sige, susunod a─" Natigilan si Tamara nang madatnan niya kami ni Wesley sa ganitong sitwasyon, kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "May tissue ako riyan sa bulsa ng blue ko na bag, and. . . wala akong nakita."


Kaagad siyang lumabas kaya natawa si Wesley. "Hindi naman pala gano'n ka-bitchy si Tami, e."


HauntWhere stories live. Discover now