Chapter 12

13 3 0
                                    

May narinig akong tumatawa kaya marahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa lalamunan ko nang bumungad sa akin ang tatlong tao na may sirang mukha. Nakaloloko silang tumatawa habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Gising ka na pala," walang pakialam na wika ni Kianna kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi ko naman na siguro kailangang ipaliwanag ang mga nangyayari, Tami?"

Napalunok ako. "Ki-Kia. . . May reason ka naman—"

"Oo," pagpuputol niya sa sasabihin ko saka siya naglakad papalapit sa babaeng buntis. "Iyon ay ang busugin ang tiyahin ko at maipanganak niya nang ligtas ang mapapangasawa ko."

Hindi ako makapaniwalang napasinghap. "You're insane!"

"If it means to take care of my family, then maybe I am." Nilapitan niya ako at marahan na hinaplos ang pisngi ko. "You've been a good friend to me, Tami. Pero alam ko naman na maiintindihan mo na family comes first, 'di ba?"

Napatingin ako sa paligid at nanlumo ako nang makita si Adey na walang malay na nakahilata sa sahig. Sinipa ko si Kianna dahilan para mapaatras siya, at mabilis akong gumapang papalapit kay Adey. Nanginginig ko siyang pinulsuhan at nakahinga ako nang maluwag dahil buhay pa siya.

"Adey," tawag ko sa kaniya habang niyugyog siya.

"Gano'n ba talaga ako kadaling palitan, Tamara?" galit na tanong ni Kianna sa akin kaya napalunok ako at dahan-dahan na napalingon sa kaniya.

Matalim ang mga tingin na ibinabato niya sa akin. Iyong dalawang lalake naman na may hindi maipaliwanag na mukha, parang handa na silang sugurin ako. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kalaban-laban sa kanila.

"You killed our friends," umiiyak na sambit ko. "Kianna, pinatay mo sila, tapos ine-expect mo na sa side mo pa rin ako?! Na kakampihan pa rin kita pagkatapos ng lahat?!"

"Hindi natin sila kaibigan, Tami," giit pa niya.

Umiling ako. "Hindi man natin sila kaibigan, kaklase naman natin sila! They're definitely human beings, just like us! Hindi nila deserve 'yon, Kianna!"

"I guess I don't have a choice but to also kill you." Tinalikuran na nila ako at dumiretso na silang lahat sa dining room.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya napapikit na lang ako. Kung tutuusin, pwede akong tumakbo na lang at isalba ang buhay ko—pero ayaw ko namang iwan si Adey. Nang iminulat ko ang mga mata ko, diretso akong nakatingin sa main door.

Napalunok na lang ako dahil mayroon nang plano na pumasok sa isipan ko. Tiningnan ko si Adey at napansin ko na nagkakaroon na siya ng malay. Umubo-ubo siya kaya lumapit ako sa kaniya habang hindi pa nakatingin sona Kianna sa amin. Masaya silang kumakain sa dining room at parang gusto kong masuka nang makita ko ang ulo nina Ethan at Kobi sa mesa.

"Adey," bulong ko. "Magkunwari ka munang walang malay."

Marahan siyang tumango. Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Muntik na akong mapatalon sa tuwa nang makita ko ang basag na vase sa sahig. Napapikit ako at nagpasalamat sa kaluluwa ni Kobi, dahil nabasah ito nang magwala siya kanina.

Dahan-dahan akong gumapang papalapit dito at dinampot ang isang piraso. Nataranta ako dahil sa sobrang kapal ng pagkatali sa mga kamay ko. Halos mawalan ako ng pag-asa dahil malapit na silang matapos sa pagkain.

"Tami, akin na. Bakit mo naman kinalimutan na kasama mo pa ako?" natatawa ngunit naiiyak na tanong ni Adey saka niya ako tinulungan sa pagputol ng tali. "Ayan na."

Pagkatapos kong alisin ang tali sa paa ko, puputulin ko na rin sana 'yong sa kaniya kaso umiling siya. Itinago niya sa bulsa niya ang sirang piraso ng vase saka niya ako marahan na tinulak. Umiling ako nang ilang beses kaya malungkot niyang tinuro ang paa niya.

HauntWhere stories live. Discover now