CHAPTER 10

1.4K 50 0
                                    

Chapter 10

"Miss Andromeda? Ito na ang exam mo."

Napa-ayos ako ng upo ng wala sa oras nang marinig ang boses ng isang professor. Hilaw na ngumiti ako dito at tumango lang nang ilapag niya sa desk ang exam na kailangan kong i-take.

Hindi lang ako nag-iisa sa hall kung saan ginaganap ang entrance exam. Higit na bente kami na nag te-take at iisa lang ang layunin namin dito, ang makapasa at makapasok sa eskwelahang ito.

"Now that I distributed the test papers, you can start answering now."

Sa sinabi ng propesor ay mabilis kong kinuha ang ballpen at nagsimulang magsagot. Mabuti na nga lang at may iilang tanong na naalala ko pa noong nag-aaral pa ako. But not all the questions is familiar with me. Kaya hindi rin ako sigurado kung tama ba ang sagot ko doon.

Kampante naman ako na maipapasa ko ang exam na ito. It has seventy questions and the passing score is forty and above. Matagal bago ako natapos pero saka naman ako nakahinga ng maluwag na ngayon ay tapos na.

After I pass my paper, I went out in the room. Maraming estudyante ang nakakalat sa quadrangle o 'di kaya'y tumatambay sa bench na nakakalat sa paligid. Karamihan din ay patungo sa canteen para kumain. I took a deep breath and sighed. Sa wakas, maipagpapatuloy ko na rin ang pag-aaral ko. Ang matagal ko ng inaasam ay nandito na!

"Miss?"

Natigilan ako at mabilis na lumingon sa nagsalita at ngumiti.

"Yes, Miss?"

"P'wede ka bang makahintay hanggang mamaya? They will announce later kung sino ang nakapasa sa exam. Tutal konti lang naman kayo, hindi na nila gustong ipagpabukas."

"Yes, of course. I can wait po."

"Really? Thank you so much Miss Andromeda." Ngumiti ito at nagpaalam sa akin kaya tumango ako at pinanood ang likod nitong papalayo.

Habang ako naman ay naglakad patungo sa canteen para bumili ng pagkain dahil mamaya pa pala ako makakauwi. At least makukuha ko agad ang resulta ng exam at kung makakapasa ako, pwede ko na ring kunin pati schedule ko.

I just need to text Casper about this or else, he will sulk again. At 'yong ginawa niya kanina..

Napapikit ako at huminga ng malalim. Nagtataasan ang balahibo ko habang binabalikan sa isip ang ginawa niya kanina. He kissed me. He even lick my lips! But damn it! Bakit apektadong-apektado ako sa ginawa niya? Tuwing naiisip ko 'yon ay hindi ko maiwasang mapakagat labi.

One thank you, one kiss.

I shook my head and breath out. Kung ano-anong kalokohan nalang talaga ang sinasabi sa akin ni Casper na gusto kong paniwalaan. Though, he'd always kiss me everytime I say thank you.

I lick my lower lip and picked out my phone to text him. Kailangan ko nga rin pa lang mag-ipon para bumili ng bagong cellphone na gagamitin. Lalo na at last year of college na ako at isa ang communication sa pinaka-importante.

To: Green eyes Billionare
Hindi ako makakauwi ngayon sa bahay. Like around 2 pm ako makakabalik. Baka kasi sunduin mo ako ng maaga.

When I hit the send button, I waited for his reply at hindi naman niya ako binigo.

To: Green eyes Billionare.
Okay. But still, I'll fetch you later. H'wag kang magkakamaling umuwi ng mag-isa.

Natawa at napailing ako bago nag reply ng 'okay, noted.' saka ibinalik sa bag ang selpon.

Nang umagang 'yon, maaga akong kumain at dahil wala naman akong magawa ay nilibot ko ang campus. Mas malaki pala 'to sa inaakala ko, ang pinakamalaking building ay hanggang fifth floor at karamihan ay third floor at second floor. Though, I didn't attempt going inside those room.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now