CHAPTER 12

1.2K 45 0
                                    

Chapter 12

"Salamat sa notes mo, Onyx. Mas mabilis kong naintindihan ang mga previous lessons natin." I smiled and handed him the notes he let me borrowed. Agad naman niya itong tinaggap at binalik sa kanyang bag.

"Masaya ako na malamang nakatulong sayo ang notes ko. Pero pasensya na at hindi gaanong kaganda ang penmanship ko."

"Hindi naman 'yon ang importante. Ang mahalaga mabilis kong naintindihan."

"You're welcome, then." He smiled. Napangiti rin ako at bumalik sa pagbabasa ng libro dahil may quiz kami sa first period ng klase.

I've been used to my routine in the school and I always fucos in my studies. Bukod kay Onyx, wala na akong naging kaibigan na masasabi kong malapit sa akin. Kadalasan kasi ay sa library lang ako nakatambay o 'di kaya'y sa likod ng building para mag-aral. I don't want to waste my time when it comes to my study. Ayokong sayangin ang opurtonidad na ito na alam kong hindi na mauulit. Once I graduate, I will make sure to do my very best to be successful.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang magsimula ang galaan namin ni Casper sa turo-turo at naging suki na kami doon ni mang Berting na siyang may-ari ng tindahan. Kaunting kainan at karamihan ay asaran na nakasanayan ko na rin. Kung anong lumabas sa bibig ni Casper, hindi na ako nagugulat. But my heart always reacted at his simple gestures just like that. Sa'tuwing nangyayari 'yon, wala naman akong nagagawa para pigilan ito.

I can finally multitask right now. Hectic ang schedule sa college tapos may trabaho pa ako tuwing alas singko kaya hindi kataka-takang masakit ang buong katawan ko. Kahit naman sanay na ako, bugbog parin sa trabaho ang katawan ko at hindi katulad noon na may mahaba pa akong pahinga.

Sa ngayon, kailangan ko lang iwasan na magkasakit.

Naging abala ako nang umagang 'yon dahil matapos ang quiz namin ay nagbigay naman ng homework si Prof at hindi pa doon natatapos, ang dalawa naming guro ay nagbigay  ng kauna-unahan naming project sa unang semester ng taon.

"You okay?"

I lifted my gaze to Onyx when he gently patted my back. Mukhang napansin yata niya na nahihirapan ako.

"Oo naman. Ayos lang ako."

"Sigurado ka? Mukhang problemado ka yata."

Ngumiti ako dito kahit hindi abot sa mata ko para paniwalain lang siyang ayos ako.

"Oo nga, ayos lang ako. Marami lang akong iniisip."

He sighed and patted my back once again.

"I may not be your closest friend but remember that I'm willing to listen. Alam kong last year na natin sa college at maraming upcoming projects but don't stress yourself that much. One at a time, okay?"

My heart suddenly felt relieved at his advice. Masyado ba akong nag o-overthink kaya pakiramdam ko wala akong matatapos na trabaho dahil sa dami ng gagawin ko? That must be it.

"Thank you." I sincerely said.

"Walang anuman." Tinapik niya ang balikat ko bago ako iwan doon dahil may practice pa ito sa soccer.

Nang mag-isa nalang ako, inayos ko lang ang mga kalat ko saka ako lumabas at nagtungo sa canteen para bumili ng pagkain. It's our lunch and nothing change. Parehong routine lang ang araw-araw kong ginagawa.

Dumiretso ako sa library pagkatapos kumain para mag study sa quiz namin mamayang hapon. Sa nakalipas na oras, ginugol ko lang ito sa pag-aaral at pagpaplano sa gagawin kong project mamaya. Sa tingin ko hindi ako makakasama mamaya kay Casper.

And speaking of him. Palagi na itong pumupunta sa kompanya niya para mag trabaho dahil sunod-sunod ang malalaki nitong shipments at hindi naman pwedeng umasa nalang siya palagi sa sekretarya niya. That's why he's been busy and we seldom be together because we're both busy. Ewan ko lang kung makakagala pa nga kami mamaya.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now