CHAPTER 11

1.4K 52 2
                                    

Chapter 11

Seven-thirty in the morning and I'm already in front of my University. Kipkip ko ang libro at sukbit ang maliit na bag na dala ko. I did secure my personal things especially the phone that Casper gave to me. Dahil transferee ako, ayos lang kahit wala pang uniform basta't may ID na isa sa requirements, patunay na dito ako sa unibersidad nag-aaral.

And speaking of that idiot Casper. Siya ang naghatid sa akin at mamaya ay kailangan ko raw siyang i-text para masundo niya ako. Nasa kompanya lang naman daw siya at nagtatrabaho, o baka mas tamang sabihin na nakatambay.

Napailing nalang ako sa'tuwing naaalala ang nangyari kahapon. Gusto ko na siyang sakalin sa inis pero ang kumag ay tinatawanan lang ako at panay salag sa sapak ko. Buong maghapon ay wala siyang ginawa kundi asarin ako at imbes na patulan ang kakulitan ay napili ko nalang matulog.

Though, I'm thankful that it's not kinda awkward to the both of us. Kahit ilang halik na ang nanakaw niya sa akin, loko-loko parin kung umakto at isa 'yon sa nagustuhan ko sa ugali niya. He had this aura that screams authority but when you get to know him, he's actually friendly.

Teka, may magkaibigan bang naghahalikan?

Kinaltukan ko ang sarili sa naisip at mabilis na pumasok sa paaralan. Bukod sa akin, may mga transferees din na pumapasok kaya hindi ako naiilang. Sa halip na mag-ikot, hinanap ko ang magiging classroom at nang makita ito ay mabilis akong pumasok at naghanap ng mauupuan kahit ramdam ko ang tinginan ng mga kaklase ko.

I gulped. Pinagdiskitahan ko nalang na buksan ang mga libro kahit wala naman doon ang buo kong atensyon. Why am I in tense? Hindi naman 'to bago sa akin kaya bakit ako kinakabahan at hindi mapakali?

I only stopped overthinking when I saw a pair of shoes in front of me. Nag-angat ako ng tingin at alanganing ngumiti nang makita ang lalaking kaklase ko.

"H-Hi?" My voice broke. Nag-init ang pisngi ko nang mapansin na bahagya siyang natawa.

"Relax, I won't hurt you." Anito at naupo sa katabing upuan ko.

Bahagya naman akong umusog palayo para bigyan siya ng espasyo.

"Upuan mo pala 'yan."

Nilingon niya ako saka umiling.

"Actually, no. This isn't my seat. 'Yang inuupuan mo ang upuan ko."

My eyes widened at that. Napasinghap pa ako at biglang napatayo dahilan para mapatingin ang mga kaklase ko sa 'kin.

"P-Pasensya na! Hindi ko alam na may nakaupo na pala dito."

Damn it, Coleen! Bakit ba kasi hindi ka nagtanong?!

Gusto ko nalang bumuka ang lupa at kainin ako sa sobrang kahihiyan. Halos sumabog naman ang pisngi ko sa pag-iinit nang matawa siya sa reaksyon ko.

"It's okay, relax. Wala namang nakaupo dito sa inuupuan ko and you can have that seat. Paborito mo ba ang malapit sa bintana?" Kalmado ang boses nito at may ngiti pa sa labi kaya kahit papaano ay kumalma ako.

"O-Oo." I smiled sheepishly. "pero pasensya na talaga, hindi ko alam na may nakaupo na pala dito."

"Ayos nga lang." He widened his smile and tapped the desk of my chair. "here, upo ka na. Mag-uumpisa na ang klase mayamaya."

"S-Salamat."

Tumango siya at binuklat ang kanyang libro para magbasa. Nakahinga naman ako ng maluwag saka naupo habang mahinang kinukurot ang palad. Tanga-tanga ka na naman, Coleen. Muntik ka pang mapahiya, jusko.

Wala akong nagawa doon kundi maghintay na dumating ang guro namin. Ayoko namang istorbohin ang katabi ko dahil abala ito sa pagbabasa at isa pa, hindi kami close. Ipapahiya ko lang ang sarili ko.

SOLD TO THE BILLIONAIREUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum