CHAPTER 57

1.1K 34 1
                                    

Chapter 57

Halos paliparin ni Casper ang sasakyan makapunta lang kami ng mabilis sa hospital kung nasaan ang anak namin. Mukha akong kalmado habang nakatingin sa labas ng bintana pero ang puso ko ay para ng lalabas sa kinalalagyan nito.

Ang buong kalamnan ko ay nanginginig sa takot. Ang mga luha ko ay pinipigilan kong kumawala. Ayokong umiyak, ayokong maging mahina ngayong nasa panganib ang anak ko.

Hindi ako nakapag-isip ng maayos kanina sa sinabi ni nanay Rona. Pinagpapasalamat ko na lang na narito si Casper at naka-alalay sa akin. Kahit alam kong kagaya ko ay nag-alala rin ito sa anak namin.

I don’t want to think the worst. May tiwala ako sa maykapal na hindi nito pababayaan ang prinsesa ko. Hindi ako iiwan ng anak ko dahil matapang at matatag na bata si Aquila. She will fight and I know it.

Dumating kami sa hospital na mas mabilis sa inaakala ko pero parang naghintay ako ng ilang oras makarating lang dito. Sa bilis ng pagpapatakbo ni Casper, himalang hindi kami nadisgrasya. Pero siguro, nag-iingat rin siya lalo pa’t kailangan kami ng anak namin.

“Excuse me, nasaang room si Aquila Andromeda?” tanong ko sa nurse sa nanginginig na boses.

Itinago ko ang kamay sa aking bulsa nang magsimula itong manginig. Siguro kung hindi sa presensya ni Casper ay kanina pa ako dito wala sa sarili.

“Room 103 po, ma’am.”

“Sige, salamat.”

Mabilis akong tumalikod. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa kuwarto ng anak ko. Habang papalapit ay halos tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

Naabutan ko si nanay Rona sa tapat ng kuwarto ni Aquila. Nakaupo ito sa bench na naroon at humahagulhol. Lumapit ako rito para tanungin kung ano na ang lagay ni Aquila.

“Nay..”

Nag-angat ng tingin ang matanda nang tawagin ko ito. Umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod para patahanin sa pag-iyak.

“Coleen..”

“Shh, ayos lang po. Magiging maayos si Aquila kaya h’wag na ho kayong umiyak. Tatagan niyo ang sarili niyo.” Pilit na ngumiti ako dito. “ano ho bang nangyari at bakit nabangga si Aquila? Please, nay, ikuwento niyo po sa akin.”

“Kasi..” himinga ito ng malalim. Pinapakalma ang sarili at nang magtagumpay ay saka nagsalita. “kasi ipinasyal ko siya sa parke. M-Maayos naman siya at masayang naglalaro kasama ang ibang mga bata doon pero nalingat lang ako.. bigla siyang tumawid ng kalsada tapos.. tapos nabangga siya. H-Hindi ko naman aakalain na gagawin niya ‘yon dahil hindi naman gano’n si Aquila. W-Wala akong kaalam-alam kung bakit siya tumawid..”

Nanghihinang tumango ako kapagkuwan ay tumayo para tingnan ang anak mula sa labas. Her private room has a big glass wall so I can see her from outside. Pero mukhang hindi ko yata ‘to dapat ginawa nang makita ko ang kondisyon niya.

Maraming aparato sa katawan nito, maraming nakakabit pati na rin sa bibig nito. Naka-benda ang kanyang ulo at may pasa sa mukha pati na rin sa mga braso.

Oh god.. my daughter didn’t deserve this.

“Coleen!”

Nanghina ang mga tuhod ko at muntik ng mabuwal sa pagkakatayo kung hindi lang ako nasalo ni Casper. Nagsumiksik ako sa dibdib niya at doon umiyak. Inilabas lahat ng pag-aalala at takot para sa aming anak.

I know my Aquila can fight all the way but I’m still worried. Bilang isang ina na nawalan ng anak, isa itong napakalaking trauma para sa akin.

“Shh, you need to calm down, sweetheart. I know what you’re feeling but.. please stop crying.” Napakasuyo ng boses ni Casper habang hinahagod ang likod ko. Panay ang halik nito sa aking ulo pero hindi ito nakatulong para pawiin ang takot sa puso ko.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now