CHAPTER 53

1K 40 1
                                    

Chapter 53

I’ve decided, I will let Aquila meet his father after we come back to davao.

Alam kong mabilisan pero ang importante ay makilala niya ang kanyang ama. Kahit ito ay maibigay ko rin sa anak ko, ayos na ‘yon sa akin. Alam kong kasiyahan rin ‘to ni Aquila.

Mahirap pag-isipan pero anong magagawa ko kung nakasalalay dito ang kasiyahan ng anak ko? Alam kong hiniling ko noon na ayokong magkita ang landas nila pero may ibang plano ang diyos para sa amin.

Walang kasalanan ang anak ko sa nangyari kaya hindi siya dapat kailangang madamay. I’m just too selfish. Too scared to hurt my feelings again. To hurt my self to be exact. Puno ako ng takot at pangamba pero titiisin ko para sa anak ko.

Kasi alam kong dito siya makokompleto.

“Where are we going, mom? May lakad po tayo?” Si Aquila habang abala ako sa pag-aayos ng kanyang buhok. Nakapag-bihis na siya habang si Caleb ay nasa sala at hinihintay kami.

“Yes, baby. Punta tayo ng mall kasama ang kuya Caleb mo. I want you two to enjoy, hmm? Punta tayo sa time zone.”

“Really mom?!” she cheered. “I can’t wait.”

Napangiti ako. Tinapos ko ang pagtatali sa kanyang buhok at nang matapos ay pinauna ko na siya sa labas. Inasikaso ko naman ang mukha ko at naglagay ng manipis na kolorete  na hindi masyadong halata.

After I’m done, I grab my bag before I went out from the room. Inaya ko na ang dalawa na lumabas at habang papunta ng elevator ay mahigpit ang hawak ko sa dalawa. Ayokong malingat ako at pareho pa naman silang makukulit. Hindi kakayanin ng puso ko kapag isa sa kanila ang biglang mawala.

Tutal gamit ni Dio ang nirentahan nitong kotse ay nag renta rin ako para sa amin. Para hindi na kami mahirapan lalo pa’t masyadong traffic. Sigurado akong mamaya ay mapapagod ang mga bata.

Pagkarating namin sa parking lot ay inasikaso ko ang dalawa sa likod na panay ang daldal. Pinag-uusapan ang mga lalaruin pag nakarating sila sa time zone.

But that’s what I want, for them to enjoy.

Mabilis na sumakay ako sa driver seat at pinaharurot ito paalis. Mabagal ang usad ng biyahe pero ayos lang dahil malapit lang naman ang mall na pupuntahan namin. Ayoko kasing lumayo lalo pa’t alam kong susunduin si Caleb mamaya.

“Kids, what do you want to do first?” Pukaw ko sa atensyon ng dalawa at tiningnan sila sa rear view mirror. “shopping or play?”

“Play!” they both exclaimed and unison. And I guess I don’t need to say something because that’s what they want.

“Okay.” I smiled. “how about you, Caleb? Are you doing fine there? Do you want to eat something?”

He shook his head. “I want to be with Aquila, mom.”

Hindi ako nakasagot pero isang ngiti ang namutawi sa aking labi.

“You just want to be with your sister?” he nodded. “okay, I won’t say anything na.”

Tumahimik na ako at hinayaan ang dalawa sa likod na mag usap-usap. Inabala ko na lang ang sarili sa pagmamaneho kahit alam kong medyo matatagalan pa kami sa daan.

From time to time, I watch them at the back. Ito pa lang ang unang beses na nakita at nakasama ni Caleb si Aquila pero nakikita ko na kung gaano niya ito kagustong makasama. I can see how he supported and protected his little sister. Gano’n ba talaga ang dugo ng magkakapatid?

Siguro, dahil ganoon rin ako sa mga kapatid ko.

Almost an hour and we finally arrived. Nagiging makulit na naman ang dalawa pero nagpapasalamat nalang talaga ako at nakikinig naman sila. Maraming tao sa loob at ako lang isa ang magbabantay sa kanila, kapag nalingat ako at nawala sila sa paningin ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now