CHAPTER 58

1.2K 39 0
                                    

Chapter 58

“Caleb!”

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap ang aking anak nang makita ako nito at tumakbo palapit sa akin.

“Mommy ko!”

Kinarga ko ang bata habang mahigpit itong yakap. Halos hindi kami mapaghiwalay dahil ilang linggo rin kaming hindi nagkita sa personal. We’re always talking through phone but it’s still different if I got to hug him like this.

“I missed you, baby.” Hinalikan ko ang sentido nito. My heart is now totally at peace because we’re now complete. Mapapanatag ang puso ko dahil matututukan at makakasama ko na sila.

“Missed you, mommy ko.” Lumayo ito at hinalikan ang pisngi ko. “thank you for coming here.”

“Aw, you don’t have to thank me, kiddo.” I smiled. “I’m willing to do this everytime.”

“How about me, huh? I’m here too, Caleb.”

Lumipat ang tingin ko kay Casper at hindi maiwasang matawa nang mapansin na bahagya itong nakasimangot.

“Oh, hi daddy! I missed you too!”

From frowning, his face became soft as he stated at his son.

“I missed you too, kid.” Ginulo nito ang buhok ng bata na ikinasimangot naman ng huli.

Ngiting-ngiti ako na pinagmasdan sila dahil na kyu-kyutan ako sa kanilang dalawa. Like father, like son. Kung ano ang ginagawa ng ama, iyon naman ang ginagaya ng anak na idolo ang ama.

“Come here, kiddo. H’wag kang magpaparkaga ng matagal sa mommy mo. You’re heavy.” Ani Casper na kinuha mula sa akin ang bata.

Hindi na kami nagtagal sa airport dahil kailangan na naming umalis lalo pa’t may isang paslit na naghihintay sa pagdating namin. Hindi alam ni Aquila na darating ngayon ang kuya niya kaya gusto namin itong sorpresahin.

Kahit hindi nito sabihin, nakikita ko sa mukha ng anak ko kung gaano na niya ka-miss ang kuya nito.

And now that we’re finally complete, I can’t wish for anything but happiness for my children.

Mabuti na lang at kasama si yaya Lotie kaya may kasama si nanay Rona sa pagbabantay sa dalawa. Ngayong busy pa naman ako sa trabaho, kailangan ko talaga ng mapagkakatiwalaan sa mga bata.

Kahit nandito si Casper ay abala parin ito sa trabaho. His doing his meeting from online and sometimes informed his secretary for anything else. At sa mga nakalipas na linggo, nakikita ko ang kabuuan ng kanyang pagbabago.

The Casper I loved before is still here. Siguro ang mas tamang salita para sa kanya ay improvement. His always prioritize his child before me and himself. Sa isang araw ay hindi nito nakakalimutang magsabi kung gaano niya kami kamahal. His efforts and love for us, it’s beyond measurements.

Wala akong pagsisisi na naramdaman kahit alam ko na ang katotohanan. Katotohanan kung saan hindi niya ako sinukuan. Knowing that he still loves me is enough. But knowing how he loves us is much more than enough.

Kaya naisip ko rin na sabihin sa kanya ang tungkol sa kakambal ni Aquila. Aside from we’re both busy, pareho rin kaming nakatutok talaga kay Aquila kaya nawala na rin sa isip ko. But now that we have enough time to talk about the past, I will tell him everything.

“Mommy? Why are we in the hospital?” inosenteng tanong ni Caleb habang papasok kami sa loob ng ospital.

I earnestly smiled at him. “Because your little sister wanted to meet you.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now