4: Muni-Muni

116 1 0
                                    


Pakiwari ko'y hindi na mabilang ,
Mga pagkakataon na para bang
Mahirap man na maunawaan ,
Ang buhay yata'y isang malaking palaisipan
Hindi ko man ito sambitin ,
Alam kong mayroong mali
Ang saklap lang na kung minsan ,
Sabihin man ay walang nakikinig
Hindi ito sa kung ano pa man ,
Lalong hindi din para magpapansin
Nais lang ay maipabatid ang saloobin ,
Sa buhay kong puno ng hinanakit!
Dahil ako'y hamak na tao lamang ,
Napapagod rin at nasasaktan
Kahit pilit na itago ,
Sa mata ay mamamasdan
Laging tanong sa sarili ,
" Ako pa ba'y may silbi? "
O ang daan sa sagot ay sadyang matirik ,
Mahaba at walang kasiguraduhan
Sa lahat ng pagkukunwari ,
Tanging nais ay tunay na kalayaan
Sana'y ako'y hayaang mabuhay ,
Na hindi nakagapos ang mga paa't kamay
Hindi maglalaon ,
Ako din ay may mapapatunayan!


~ nniiwwpoetry ~ 07/09/23

thousand words (random poetries!)Where stories live. Discover now