21: Siya Ngang Tunay

41 1 0
                                    


Nakakapang-hihinayang

Nakaka-hinayang na nawala ka

Nang di man lang sinubukan

Sinubukang sabihin ,

Ngunit hindi ko nagawa

Ika'y lumisan at

Ako'y naiwan

Naiwang balisa

At gulong-gulo.

Ako'y isang talunan

Ako'y naduwag

At hindi ipinaglaban

Hindi inilaban ang aking nararamdaman

Ika'y nawala ,

Nang hindi man lang nabigkas

Mga salitang hanggang sa isip ko na lang masisigaw

Ako'y nanghihinayang

Sapagkat pakiwari ko'y ,

Mayroon ka ring nararamdaman

Ngunit ako'y nagduda

Nagduda sa aking sarili ,

Sa aking nararamdaman ,

Sa iyong nararamdaman ,

--- ika'y lumisan.

Ika'y nainip at nawalan ng panahon

Aking naiintindihan ,

Ako'y walang maipagmamalaki

Kaya ako'y nag-alinlangan

At mas inisip ang aking kalagayan

Ika'y naghintay lamang

Hinintay na ako'y maging handa ,

At unang magsabi ,

Magpakita ng aking tunay na saloobin

Ngunit ika'y nabigo ,

Hindi sa akin nakuha

Ang gustong makuha

Nawalan ng panahon sa isa't-isa

At tayong naging abala

Ako'y naging abala

At sa huli ,

Ika'y nagdesisyong lumayo muna

Ako'y nagdesisyong sarili muna

Na kahit ika'y may pagtingin

Hindi ka sigurado ,

Hindi ko siniguro ang ating estado

Kaya ika'y lumisan

At inuna muna ang iyong sariling pangangailangan

At ako'y lumayo at hinanap muna ang sarili

Ngayong mag-isa ,

Aking napagtanto ang maling nagawa

Ako'y hindi makapaniwala sa aking sarili ,

--- ika'y pinakawalan.

Nais kong may mapatunayan

Kaya nais kong mag-bago

Inayos ang sarili ,

Inabot ang mga pangarap ko

At sa paglipas ng mga araw

Na naging buwan at mga taon

Nilinang ang sarili

Upang sa susunod na pagkikita natin

Ako'y meron nang maihaharap sayo

Ngayon ay pwede na ,

Kaya ko nang dalhin ang ang sarili ko

Panagutan ka ,

At Pakasalan.

Ngunit kay saklap kung minsan

Kung kailan kaya mo na ,

Siya naman ay nagbago

Nilimot ang sumpaan

Ang pagmamahal na inilaan

Sa iba idinako

Siya'y tumatawa at nakangiti ,

Ngunit sa iba na ang piling

--- siya'y may mahal ng iba.

Kay sakit pagmasdan

Kay hirap tanggapin

Na siyang naging dahilan ng iyong pagsisikap ,

Ay siya ring mitya ng iyong pighati

Na sa ilang taong tinikis

At may bagong taong nandiyan para ako'y mahalin

Ay naging tapat at naghintay

Pero kabiguan ang hatid.

Ngunit kung siya'y tunay na maligaya

Mahirapan man ay magpapaubaya

Mahal pa rin siya

Pero panahon na para sa bagong simula

Kung masaya ka na

--- ako'y magpaparaya.

Salamat sa alaala at inspirasyon

Dahil sayo ako'y nagbago

Nagsikap at nagtagumpay

Umiiyak pero natuto

Na sa bawat sandali

Hindi sapat ang pangako

Tayo'y pinagtagpo ,

Hindi nga lang naging tayo.

At sa bagong kabanata ,

At sa bagong taong nandiyan para sa akin

Hindi man ngayon ang tamang panahon

Ngunit salamat sa iyong pagtingin ,

Salamat sa suporta ,

Sa pagmamahal ,

At pang-unawa

Hindi madali sayo

Pero kailan may di ka nawala

Nasanay na rin akong ,

Lagi kang nakikita

At mahirap ipaliwanag ,

Ngunit ika'y laging hinahanap.

Salamat dahil lagi kang nandiyan

Hindi ka mahirap mahalin ,

Hindi ka panakip butas lang

Balang araw ,

At kung tayo talaga

Siya ngang tunay ,

Sabay tayong tatayo sa harap ng altar!





~nniiwwpoetry~ 08/23/23

thousand words (random poetries!)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ