20: Patuloy Lang!

43 1 0
                                    


Mapaglaro ang kapalaran

Mapaglaro sa akin

Sa iyo , sa kanila

At kahit sa lahat

Na sa bawat paglipad

May mga pagkakataon

Kung minsan nga

Ay sa karamihan.

Mahirap maabot ang tugatog

Kung kailan halos abot mo na

Bigla kana lang babagsak

Babagsak pailalim , pababa

Paibaba sa kung saan

Ang iyong matatanaw

Ang malamig na katotohanan

--- Katotohanang ika'y nabigo

Ika'y nagkulang ,

Ika'y minalas ,

O kahit ano pang rason

Ay hindi na mahalaga

Hindi na mahalaga sapagkat hindi sapat

Hindi na sapat ang tama lang

Ika'y nagkamali

Mga pagkakamaling

Pwedeng maiwasan

Ngunit ika'y hamak na tao lang

Marupok , mahina at nasasaktan

Sadyang kay hirap

Yaring buhay nga naman!

Mahirap maunawaan na kung minsan

Mahirap tanggapin ang kabiguan

Kabiguang napakalupit

Ngunit kailangang harapin

Humarap sa salamin

At itanong sa iyong sarili ,

" Bakit ako? Bakit hindi sila?

O kay daming bakit na naman! "

Ngunit wala nang kwenta

Wala nang kwenta ang manisi pa

Dahil alam ng Diyos

Na ika'y nag-sumikap ,

Nag-puyat , nag-aral , nag-pawis

At ginugol ang buong buhay mo

Sa paglinang ng sarili

Walang magbabago

Ipikit man iyong mga mata

At subukang baguhin

Ang nasa iyong harapan

Ay sa pagdilat mo

Tatambad sa'yo ang malungkot na kasalukuyan

— Ika'y nabigo!

Ngunit ika'y buhay pa

Kaya't wag mag-damdam

Ngumiti ka naman

Kahit paminsan-minsan.

Ano man ang sabihin

Ito'y puro palusot na lang

Mga walang lamang salita na lang

Kaya ika'y tumahan

Tumahan ka na't

Itigil ang iyong pag-iyak

Hindi ka talunan

Hindi ka walang silbi

At lalong hindi ka nagkulang

Sumubra pa nga ang iyong determinasyon

Isa lang itong pagsubok

Na kailangang lampasan

Madama man

Ay matututo ka rin

Matututo kang ang mundo

Ay likas na hindi patas

Hindi isang perpektong mundo ,

Hindi isang perpektong lugar ,

At lalong hindi ka perpektong nilalang

Subalit masasanay ka rin

Masasanay kang masugatan

Masasanay kang idilat ang mga mata

Sa totoong katotohanan.

Ngunit hindi ka nag-iisa

Alam ko , alam mo

Kailan may hindi ka mag-isa

May karamay ka

Marami pa rin sa iyo'y nagmamahal

Tumingin ka sa paligid mo

Aking kaibigan

Hindi ka nag-iisa , may pamilya ka

At mga kaibigan

Yan ang ilagay sa iyong isipan

Sapagkat ganun din ang aking gagawin

Na sa pagharap ko sa salamin

Hindi man ito ang nais na makita

Ay may panahon pa rin

Na sa paglipas ng panahon

May baong mapupulot na aral

Ang mga hindi kaaya-ayang resulta

Mga resultang mas magpapalakas sa'yo , sa akin at sa lahat

Hindi man maganda

O magandang kahihinatnan

Ay laging may matutunan

Magbabago rin ako , at tayo

Basta't may halong gawa at dasal.

Kaya patuloy lang kaibigan

Pwede kang magpahinga

Ngunit wag kang susuko sa laban

Harapin ang sarili sa salamin

Sabihing " kaya ko hanggat kaya ko! "

Sumigaw kung kinakailangan

Ilabas ang galit

Pagkatapos ay magsimula ulit

At manalig sa Maykapal

Ika'y hindi niya pababayaan

Patuloy Lang , Kaibigan!..




~ nniiwwpoetry ~ 08/19/23

thousand words (random poetries!)Where stories live. Discover now