Chapter 2

461 8 0
                                    

CHAPTER TWO

MATAPOS masiguro ang lahat ng pangangailangan ni Gabrielle ay nagpaalam na rin si Nana Rosa para hayaan siyang makapagpahinga. Nagbilin na lamang ito na kung may kailangan pa siya ay huwag siyang mag-aatubiling magsabi.
Inayos muna niya ang kanyang mga gamit at naglinis ng katawan. Nang matapos ay hinayaan muna niya ang sarili na mahiga sa malaking kama. Nanatili siyang nakatitig sa kisame.
Ano ba'ng dapat kong gawin? Hindi pa rin siya makapagdesisyon. This is wrong! Just because I need a place to live in doesn't mean that I have to pretend I am somebody else.
She had to tell them... soon.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Nang buksan iyon, nakangiting mukha ni Aliyah ang kanyang nabungaran.
"Can I come in?"
"Sure," sabi niya.
Tuloy-tuloy ito hanggang sa kama. Umupo ito sa gitna ng higaan.
Amused namang napasunod siya rito.
"Sabi ni Nana Rosa, huwag daw kitang iistorbohin dahil nagpapahinga ka. Pero nakapagpahinga ka na naman, 'di ba?" anitong titig na titig sa kanya.
Muli niya itong nginitian. Bukod sa napakaganda ay napakabibo pa ng batang ito. "Oo, nakapagpahinga na ako. Okay lang na dalawin mo ako rito sa room ko kung may kailangan ka." My, she sounded like she was going to stay there for long.
"You're so beautiful," humahangang sabi ni Aliyah at hinaplos pa ang kanyang pisngi.
"Why, thank you. But you know what? You're prettier."
Humagikgik muna ito bago muling nagsalita. "Really?" tuwang-tuwang sambit nito.
"And I'm sure you look exactly the same as your mother," komento niya.
Napalitan ng lungkot ang kislap na nasa mga mata nito sa buong pagtataka niya. Did I say something wrong? nag-aalalang naisip niya.
"Aliyah, is there something wrong? Why you look so sad?"
"I don't know if I look like my mother. I haven't seen her." Malungkot itong napayuko.
Look what you've done! kastigo niya sa sarili. Kaya pala ganoon na lamang ang tuwang nakikita niya sa mga mata nito nang una siya nitong makita. Marahil, sabik ito sa pagkakaroon ng ina. Ano kaya ang nangyari sa mommy nito? At nasaan ang daddy nito? Natatandaan niyang "Diego" raw ang pangalan ng ama nito.
"Well, I think you look like her. Kasi, karamihan naman ng anak na babae ay kamukha ng kanilang mga mommy. Like me, nanay ko ang kamukha ko," pangongonsola niya.
"Talaga?" Bumalik na uli ang sigla ni Aliyah. "Nasaan na'ng mommy mo?"
"She's gone." Tuwing maaalala ni Gabrielle ang kanyang mga magulang, hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. Her life would have been totally different if they had been here.
"Huwag ka nang malungkot, Tita Gabby. I heard, nagbakasyon lang naman ang mommy mo. Babalik pa naman siya, eh." It was Aliyah's turn to console her.
Nagbabakasyon? Nanay ko? Kailan pa? Gosh, how can I forget? She's not talking about my mother but the other Gabrielle's mother. Muntik na ako ro'n, ah.
"Yeah. But for now, pareho na tayong walang nanay," sabi na lamang niya at niyakap ito. "Kaya tayo muna ang parang magiging magnanay. Okay ba 'yon?"
Sunod-sunod itong tumango. "Gustong-gusto ko iyon, Tita Gabby. Meron na ako ngayong magandang mommy," excited pang wika nito.
PAGKATAPOS kumain ng hapunan ay niyaya si Gabrielle ni Doña Belen na magpahangin sa veranda. Dinala nito ang isang may kalakihang album upang ipakita sa kanya ang mga latest picture daw niya na ipinadala ng kanyang mama. Kasama pa rin nila si Aliyah na parang ayaw nang lumayo sa kanya.
Medyo kinakabahan pa siya nang simulan niyang buklatin ang album. Maraming hindi niya kilalang tao ang nakita niya sa mga larawan, ngunit ang nakapukaw sa kanyang atensiyon ay ang isang dalagitang nakatayo katabi ang isang itim na kabayo.
Hindi niya alam kung napansin ng doña ang pagkagulat na lumarawan sa kanyang mukha. Paano ba naman ay kahawig na kahawig niya ang babae noong siya ay nasa ganoon ding edad. Kung hindi nga lamang niya alam ang totoo, sasabihin niyang siya ang nasa larawan.
"Look at you there!" bulalas ni Doña Belen. "You always love to ride a horse when you're here."
Alanganing ngiti ang isinagot niya rito, pagkatapos ay binilisan niya ang paglilipat sa mga pahina ng photo album. Gusto na niyang makita ang latest picture ni "Gabrielle." Magkahawig pa rin kaya sila?
At tumambad sa kanya ang larawan ni "Gabrielle."
God! Kaya pala ni hindi man lamang nagulat ang mga tao sa villa nang makita siya. Hindi man close-up ang kuha ay makikita pa rin ang pagkakahawig nila. Sosyal nga lang ang hitsura ng babae sa larawan, halatang mayaman at sopistikada. Na siya niyang kabaligtaran.
Wala sa sariling naisara niya ang album. Para kasing nanunumbat ang tingin ng babae sa larawan nang tingnan niya ito sa mga mata.
"Pasensiya ka na nga pala, hija, at hindi nakasabay sa atin sa hapunan si Miguel. Dalawang baka kasi ang nanganak at kailangang naroon siya. Kaninang madaling-araw pa nga iyon umalis, eh. Siguradong pagod na pagod na iyon."
Nahimasmasan naman siya nang muling magsalita ang matanda. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-aalala sa tinig nito.
"Wala na nga 'yong ginawa kundi ang pagurin nang husto ang sarili sa pagtatrabaho. Nag-aalala na ako sa batang iyon. Pero ngayong nandito ka na, hindi puwedeng hindi ikaw ang kanyang asikasuhin."
Kinabahan na naman siya. Magkasintahan ba ang Miguel na anak nito at si Gabrielle? Ano kaya'ng hitsura ng Miguel na iyon? Siguradong guwapo kasi napakaganda ng mama nito. Napa-puzzle tuloy siya sa binata. Parang gusto na niya itong makita.
Kung malapit si Miguel sa Gabrielle na tinutukoy ng mga ito, siguradong mahahalata siya nito. Huminga siya nang malalim. Dapat na niyang simulan ang pangungumpisal.
"Siyanga pala, hija, kumusta naman ang paglilibot ng mama mo sa Caribbean? Okay ba naman ang bago mong stepfather?"
So, iyon pala ang tinutukoy ni Aliyah nang sabihin nitong nagbabakasyon lang naman ang kanyang mama. Napatingin siya sa batang nakatulog na. Ang ulo nito ay nakapatong sa kanyang kandungan.
"Don... I mean, Mama Belen, I have to tell you s-something, I w-wasn't—" Hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin dahil napukaw ang atensiyon nila ng humintong sasakyan.
"That must be Miguel, hija," sabi nito at tumayo na upang salubungin ang anak.
Lalo namang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Patay! Dapat na niyang ihanda ang sarili sa anumang mangyayari.
Nanatili siyang nakaupo dahil nag-aalala siyang maistorbo ang pagtulog ni Aliyah.
"Bakit ngayon ka lang, hijo? Nandito na si Gabrielle. You'll be surprised how she has grown into a very fine lady," naulinigan niyang sabi ng doña sa anak. Alam niyang papalapit na ang mga ito sa kanya. Kulang na lamang ay lumabas ang kanyang puso sa sobrang kaba. "Hija, narito na si Miguel."
Tumambad sa kanya ang isang lalaking papangarapin ng kahit na sinong babae para maging asawa. The man was gorgeous. Extremely gorgeous. He was ruggedly handsome.
Nakasimpleng gray T-shirt at hapit na jeans lamang ang binata, but she swore he was the most handsome man she had ever seen. Wala itong kahit na anong burloloy sa katawan maliban sa isang itim na relo. He looked perfect in her eyes. Bagay na bagay ito sa lugar na iyon, with nature surrounding him. She couldn't imagine him anywhere else but in that rugged place.
Halatang maputi ito subalit nag-anyong kayumanggi, marahil bunga ng pagtatrabaho sa rancho. Aminado siyang mas bumagay rito ang kasalukuyang kulay.
And his lips were very sexy. But what struck her most was his nose. It was a wonder to behold—a twisting swollen ski slope. Matangos iyon na bahagyang tumabingi. He must have broken it when he was still young. Sa halip na makabawas sa kaguwapuhan nito ay himalang lalo pa iyong nakadagdag sa karisma nito.
Her gaze shifted to his eyes. Nabigla siya nang makita iyon. Ang blangkong ekspresyon niyon ay waring hindi nababagay sa kabuuan ng mukha nito. Para pa ngang galit ang mga iyon na halatang pilit nitong itinatago sa pamamagitan ng blangkong ekspresyon. Bigla siyang natakot nang makitang titig na titig ang mga matang iyon sa kanya, wari ay inuuri ang buo niyang pagkatao. Parang alam ng mga iyon ang sekretong nais na sana niyang sabihin kanina sa doña.
"Miguel, aren't you going to greet Gabby?" anang mama nito nang muling magsalita.
"It's good to see you, Gabby. I hope, 'di ka nahirapan sa biyahe." Parang napipilitan lamang ito nang sabihin iyon.
"I-it's g-good to s-see you, too, Miguel. 'Di naman ako nahirapan s-sa biyahe," nauutal na sagot ni Gabrielle. Dasal na lamang niya na sana ay hindi masyadong halata ang kanyang panginginig.
Mabuti na lamang at natutulog si Aliyah sa kanyang kandungan, at least, nagkaroon siya ng excuse para huwag nang tumayo. She could not trust her knees to support her. Ngayon pa nga lamang na nakaupo siya ay grabe na ang panginginig ng mga iyon, ano pa kaya kung tatayo siya.
"As you already know, Miguel, Gabby will stay here till your Tita Amanda comes back from her cruise. Saka na lang natin pag-uusapan ang lahat. For the meantime, I expect you to spend more time with her," sabi ni Doña Belen na mas higit ang pag-uutos kaysa sa pakikiusap sa tono nito.
"We'll see, 'Ma. Masyado kasing maraming trabaho sa rancho."
Para naman siyang napahiya sa naging sagot ni Miguel. Naramdaman niyang hindi kaaya-aya ang presensiya niya rito. Kahit na sabihin pang hindi naman siya talaga ang pinatutungkulan nito, may kirot pa rin siyang naramdaman.
"I see, nakatulog na pala si Aliyah. Ako na lang ang mag-aakyat sa kanya sa kuwarto niya," sabi ni Miguel, mayamaya ay lumapit sa kinauupuan niya upang buhatin ang pamangkin.
Napasinghap siya nang yumuko ito para pangkuin ang bata. Napakanatural ng amoy nito. Very masculine.
"Mommy Gabby," tawag ni Aliyah sa kanya nang maalimpungatan. Pupungas-pungas pa ito nang magmulat ng mga mata. "Tito Miguel?" sabi nito nang mapagsino ang kumarga rito.
"Yes, it's Tito Miguel, sweetheart," tugon naman ng binata na napansin niyang lumambot ang ekspresyon ng mukha.
"Where's my Mommy Gabby?" hanap ni Aliyah sa kanya na halatang inaantok pa.
Kumunot ang noo ni Miguel bago sumagot. "She's here, sweetheart."
"Puwede bang sumama si Mommy Gabby sa paghatid sa akin sa kuwarto ko, Tito Miguel?" tanong nitong may halong pakiusap.
"Oo, hija. Sasama si Gabby sa inyo," sagot naman agad ni Doña Belen. "Gabby, hija, sumama ka na sa kanila. Alam mo naman ang batang 'yan, 'pag naglambing, mahirap pahindian," dugtong pa nito nang bumaling sa kanya.
Tumayo na siya nang marinig ang sinabi ni Doña Belen. Pagkatapos niyang mag-goodnight dito ay sumama na siya sa magtiyo.
Habang umaakyat sila sa hagdan ay panay naman ang kuwento ni Aliyah kay Miguel. Tuluyan na itong nagising. "You know what, Tito Miguel? B-in-raid ni Mommy Gabby ang hair ko kanina," excited na balita nito.
"Really?"
"Yes. At sabi pa niya, maganda raw ako tulad ng mommy ko. Kasi, kamukha rin daw ni Mommy Gabby 'yong mommy niya, eh. Kamukha ko ba ang mommy ko, Tito Miguel?" tuloy-tuloy na pagbibida ng bata.
Tahimik lang naman siyang nakasunod sa dalawa.
"Yes, sweetheart, kamukha mo ang mommy mo. You're both pretty," sabi ng binata.
Nang makapasok sila sa silid ni Aliyah, inilapag ito ni Miguel sa kama, pagkatapos ay kinumutan.
"Alam mo, Tito Miguel, pumayag ang Mommy Gabby na tawagin ko siyang 'mommy,'" patuloy pa rin ng bata.
Nagtagpo naman ang kanilang mga tingin ni Miguel. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.
"Kasi wala rin ang mommy niya kaya kami munang dalawa ang magiging mag-mommy. Isn't it nice, Tito?"
Hinalikan muna ng binata sa noo ang pamangkin bago nagsalita. "Yes, pet. Pero kailangan mo nang matulog, okay?"
"Okay. But let me kiss my mommy 'goodnight' first," hiling ni Aliyah.
Lumapit naman siya rito para humalik.
"Goodnight, Mommy Gabby," sabi nito pagkatapos siyang halikan.
"Goodnight. Sleep tight," tugon naman niya.
"Mommy, ikaw na lang ang magkuwento ng iba pa nating ginawa kanina kay Tito Miguel, ha?"
"Okay, sige, ako na lang ang magkukuwento sa kanya. Tulog na."
Humikab muna si Aliyah bago nag-goodnight kay Miguel. Ilang sandali pa at inagaw na ito ng antok.
"Iwan na natin siya," narinig niyang sabi ng binata pagkaraan ng ilang sandali. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pinaunang lumabas. Nang nasa labas na sila, hindi na niya alam ang ikikilos o sasabihin. Nakakailang ang presensiya ni Miguel.
"I'm sorry but I have to tell you this. I don't want you giving Aliyah false hopes," seryosong sabi nito sa kanya.
Nagtatanong ang kanyang mga mata dahil talaga namang hindi niya maintindihan ang nais nitong tukuyin.
"Don't play innocent, Gabby. Alam ko namang 'di magtatagal, magsasawa ka rin sa lugar na ito. Hindi mo na kailangan pang kunin ang loob ni Aliyah dahil masasaktan lang siya 'pag umalis ka," salubong ang mga kilay na pahayag pa nito.
"What are you insinuating?" Naguguluhan pa rin siya.
"I haven't seen you for twelve years but your mother never fail to tell us what you've been doing all these years. You're always out of the country shopping and having fun spending money you never earned. All of a sudden, you're here in this 'God-forsaken place,' as you call it. You amuse me, Gabby," pang-uuyam nito.
Napatiim-bagang siya. So, sosyalera nga pala ang Gabrielle na 'yon. Not to mention na mayaman pa ito. Nasa tono kasi ng binata ang pagkadisgusto sa kanyang pinagpapanggapan. Pero hindi pa rin siya nagpatalo.
"Aren't people allowed to change?"
"Other people maybe, but you, I don't think so. Baka nakakalimutan mo, ikaw na rin mismo ang nagsabi na hinding-hindi ka titira sa ganitong klaseng lugar," panunumbat ni Miguel.
"At kung maaalala mo, I said twelve years ago and I was just thirteen then. Most likely, magbabago pa ang pananaw ko sa pagdaan ng panahon," hindi tumitinag na sagot niya.
"Hah! Let's just see. Hihintayin ko ang araw na magsasawa ka at kusang aalis sa lugar na ito. I'll enjoy seeing your butt outta here," pang-iinis pa nito. "But just one thing. Ayokong mangangako ka ng kung ano-ano kay Aliyah na hindi mo naman kayang tuparin, nagkakaintindihan ba tayo?" pagbabanta nito.
Bingo! Alam na niya ngayon kung sino ang naaalala niya kapag tinititigan ang mukha ni Miguel. Isang Hollywood actor na bida sa pelikulang Behind Enemy Lines. Ganoong-ganoon ang ilong nito. Bahagyang tabingi na nabasa niyang nakuha ng aktor in his ninth grade playing intramural football.
Ano na nga ba'ng pangalan ng actor na iyon?
"Owen Wilson!" napalakas na sabi niya nang maalala ang pangalan ng aktor na kamukha ni Miguel. Pati ito ay nagulat sa bigla niyang pagsalita. "I knew it! It's Owen Wilson!" tuwang-tuwang sambit niya. "You look exactly like him! Your nose, the way you move your lips, and your eyes... well, his is more cheerful," hindi pa rin niya napigilang sabi.
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito. "Who the hell is Owen Wilson?" malakas na sambit nito.
Natigilan naman siya. Shit! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Why did she react that way? She obviously got carried away. "Owen Wilson?" ulit niya. "Nothing." Alanganing ngumiti siya rito. "I promise—"
"Promise what?"
"You know, the one we're talkin' about. Aliyah?" pagpapaalala niya rito. "I promise not to say anything I don't intend to fulfill," paliwanag niya. Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan na niya. "That's a promise." mayamaya ay kaagad na niyang tinungo ang kanyang silid. Mahirap na, baka tanungin pa siya nito uli kung sino ba talaga si Owen Wilson.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now