Chapter 8

359 7 0
                                    

CHAPTER EIGHT

ANG KATOTOHANANG buntis ang kanyang hipag nang maganap ang insidente ang lalong nagpapahirap sa kalooban ni Miguel nang mga sandaling iyon. Hindi na niya napigilan ang mga luhang kusang lumandas sa kanyang mga pisngi.
Marahas niya iyong pinahid. Punong-puno ng guilt ang kanyang puso. May isang musmos na nadamay sa carelessness niya. Ang pamangkin niya na hindi na nagkaroon ng pagkakataong maisilang. Dahil hindi na niya binigyan ng pagkakataon.
Marahas ang ginawa niyang pagtigil sa sasakyan. Alam niyang wala na siya sa kondisyon para magmaneho. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa manibela. Galit na galit, partikular sa kanyang sarili.
He wept for the wasted lives. Nasayang ang mga iyon dahil sa kanyang kagagawan. Akala niya, kaya na niyang kalimutan ang mga nangyari at magsimula uli. Naisip niya si Gabrielle. How could a very special day end like this, himutok ni Miguel.
Handa na siyang harapin ang lahat kani-kanina lang. He was ready to tell Gabrielle he had feelings for her. God... he was ready to start again...
Gabrielle didn't deserve someone like him. Kamumuhian siya ng dalaga kapag nalaman ang tunay na nangyari ukol sa pagkamatay ng mga magulang ni Aliyah. Halos maliitin niya ito sa pagiging spoiled brat samantalang wala pa iyon kompara sa nagawa.
Muli niyang nilunod ang sarili sa pag-iyak. Habang wala pang mga matang nakakakita sa kanya. Habang ang kalikasan lamang ang tanging saksi sa kanyang kahinaan.
NAABUTAN ni Miguel na eksaktong papasok ang kanyang mama sa kuwarto nito hawak-hawak ang isang tasa ng kape.
"O, hijo, kumusta naman ang baka?" pagbating-tanong nito.
"Okay lang, 'Ma," mahinang sagot niya.
"That's good to hear. Hindi kasi ako makatulog kaya nagtimpla ako ng kape. Would you like one, hijo?" alok ng kanyang ina.
Umiling siya. "'Ma, can we talk?"
"Of course, we can. Why don't you come in my room."
Sumunod naman siya.
"What is it you want to talk about, hijo?"
"Did you know na buntis si Agnes nang maaksidente kami?" walang babalang tanong niya.
Nagulat ito sa kanyang tanong. "How did—"
"Was she?"
Huminga muna ito bago tumango.
"Alam ba ng Kuya Diego?"
Umiling ito.
"Hindi iyon alam ng kapatid mo. Gagawin sana iyong sorpresa ni Agnes sa kanya," paliwanag ng kanyang ina.
"You knew all along and you didn't even bother to tell me," pag-aakusa ni Miguel.
"Para ano? Para lalo mo lang sisihin ang iyong sarili? Para lalong pahirapan ang damdamin mo?" Pinangiliran na ito ng luha. "Hindi ko na sinabi sa iyo dahil alam kong gano'n nga ang gagawin mo. Hijo, dapat mong paniwalaan na wala kang kasalanan sa mga nangyari. Hanggang doon na lang talaga ang buhay ng kapatid mo at ni Agnes."
"'Ma, niloloko ko lang ang sarili ko kapag iyon ang ginawa ko."
"Pero, hijo—"
"'Ma, nalaman ko na ang gusto kong malaman. I think we both need to rest," pagdi-dismiss na niya sa usapan. "Goodnight, 'Ma." Pagkatapos itong halikan sa noo ay lumabas na siya ng silid.
MAAGANG nagising si Gabrielle kahit na mag-aalas-dose na siya nang makatulog. Pinuno kasi ni Miguel ang kanyang isip at matagal bago siya dinalaw ng antok.
Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. This day was something to look forward to. Today, she and Miguel would talk. Siguro, kung hindi lamang nagkaproblema sa alagang baka, malamang na nagkaunawaan na sila kagabi pa lamang.
"He wasn't sorry and he liked kissing me," tila nangangarap pang bulong ni Gabrielle habang yakap-yakap ang unan.
Bumaba siya ng kama at tumungo sa bathroom upang mag-shower. Nang matapos ay pinili niyang isuot ang isang simpleng sleeveless na bestida. Pulbo lamang ang inilagay niya sa mukha at lip balm sa kanyang mga labi.
She wanted to look beautiful and fresh para kay Miguel. Dahil sleeveless ang bestida, bahagyang na- expose ang mga pekas sa punong braso na hindi nalalayo sa kanyang balikat na mayroon ding mga pekas.
Namana niya ang kutis sa kanyang ina na isa ring mestiza. Kung buhay lang sana ito, mayroon siyang mapagkukuwentuhan ng kanyang nararamdaman ngayon. Kinakabahan subalit hindi naman maitago ang excitement sa kanyang mukha. Hindi rin niya mapigilan ang pagrigodon ng kanyang puso.
Palabas na siya ng silid nang dumaan si Miguel sa tapat ng kanyang silid. Nagtama ang kanilang mga tingin.
"H-hi, g-good morning," bati niya kay Miguel. She cursed herself for stammering.
Tumango ito at halatang pilit lang ang ipinagkaloob na ngiti sa kanya. "Good morning," tangi lang nitong sabi, mayamaya ay nauna na sa kanya.
Naiwan siyang nagtataka sa inasal nito. Parang napakalamig nito sa kanya ngayon. Ibang-iba sa init ng pakikitungo nito kagabi.
Where was that guy now? What happened? Nagbago ba ang isip ni Miguel? Na-realize na ba nito kagabi that she wasn't good enough?
Bakit kung makaiwas ito ngayon ay parang hindi sila magkakilala? Bakit parang may kanyang nakakahawa siyang sakit kung tratuhin nito?
Napakaraming bakit at hindi niya alam kung ano ang sagot sa lahat ng bakit na iyon. Isa lamang ang nagtutumining sa kanyang isip at iyon ay ang katotohanang siya lamang ang umasang may magandang kahihinatnan ang lahat.
And the worst part, it hurt like hell dahil itanggi man niya, mahal na niya si Miguel.
Babalik na sana siya sa kanyang silid sa sobrang sama ng loob nang marinig niyang tawagin siya ni Aliyah. Nagising na ito at nagyayaya nang mag-almusal.
Inayos niya ang sarili bago hinarap ang bata. Hindi niya hahayaang maapektuhan ang pakikitungo rito dahil sa kanyang nararamdaman. Hindi rin niya hahayaang makita ni Miguel na labis siyang nasaktan sa hayagang pambabale-wala nito.
She could not give him the satisfaction.
MIGUEL avoided Gabrielle like the plague nang sumunod na mga araw. Halos hindi na ito naglalagi sa villa. Maaga pa kung umaalis ito at gabing-gabi na kung bumabalik.
Alam iyon ni Gabrielle, dahil kahit anong pigil niya sa sarili, hindi pa rin niya magawang hindi hintayin ang pagdating nito. Kapag narinig na niya ang ugong ng sasakyan, kaagad niya itong sinisilip sa bintana, pagkatapos ay saka pa lamang siya makakatulog.
Nang araw na iyon ay nasa hardin siya. Tulog pa si Aliyah kaya mag-isa lamang siya. Nakaharap sa malawak na lupain na natatanaw sa bahaging iyon ng villa. Hindi niya maiwasang malungkot dahil hanggang ngayon, wala siyang ideya kung ano ang nangyari at lumayong muli si Miguel sa kanya.
Nobody really wanted her. Kung ang sarili nga niyang tiya ay hindi siya gusto, ano pa kaya ang ibang tao. Again, she could stop the tears.
"Napakaganda pa ng buhay para maging malungkot lang," narinig niyang sabi ng isang tinig.
Kaagad niyang pinahid ang mga luha bago hinarap ang nagmamay-ari ng tinig. Napakunot ang noo niya nang mukha ng isang estranghero ang kanyang nakita. Sa dalawang linggong inilagi sa villa ay ngayon lamang niya nakita ang lalaking kaharap ngayon.
"You must be Gabrielle," nakangiting sabi nito. "I'm Derek, kaibigan ko si Miguel," pagpapakilala nito sa sarili, sabay abot sa kamay.
Nakipagkamay naman siya rito. Maaliwalas ang mukha nito. Halatang mabait at masayahin, hindi tulad ni Miguel.
"Don't I deserve a smile?" He was trying to lighten her up.
Ngumiti naman siya si Gabrielle.
"Naho-homesick ka na ba kaya ka umiiyak?" Wala naman sa hitsura ni Derek na nakikialam. Alam niya, he was just trying to be nice. "That is if you don't mind me asking." Nakangiti pa rin ito.
"M-medyo..." tangi niyang naisagot.
"Sabi ng lola ko, nakakapangit daw ang pagiging malungkot kaya she makes it a point na palagi siyang masaya. It pays to listen to her. Lumaki akong guwapo," nagpapatawang sabi pa nito. Hindi naman ito kababakasan ng yabang. Nakakahawa pa nga ang kasiglahan nito kaya natawa na rin siya sa sinabi ni Derek.
"Okay ka ring magyabang, 'di masyadong halata." Alam niyang maaliwalas na ang kanyang mukha nang sabihin iyon.
"See? You look much prettier kapag nakatawa ka."
"Siguro, wala kang problema."
"Sino ba namang tao ang walang problema, eh, kakambal na yata natin iyon? Pero we shouldn't allow our problems to rule over us. Dahil kapag hinayaan natin iyon, tayo rin ang talo," payo nito, sabay kindat sa kanya.
Naisip tuloy niya na kung ganito kamasayahin ang kaibigan ni Miguel, marahil ganito rin ang binata bago mamatay ang kapatid nito. Iyon nga lang, hindi na niya naabutan ang Miguel na iyon.
"Are you a psychologist?"
"Why?"
"You're good."
Nagtatanong ang tingin nito.
"In...?"
"In giving pieces of advice," nakangiting sagot niya. It was good to talk to someone as cheerful as Derek. Nakakagaan ng pakiramdam. Kung sasabihin nitong "oo" hindi na siya magtataka.
"No, I'm not a psychologist. I'm a vet."
"Vet? As in veterinarian?"
"Yup, as in veterinarian."
"Oh..." Sunod-sunod na tango ang pinakawalan niya.
"Is that good or bad?"
"What?"
"That 'oh' thing," nakangiting panggagaya nito sa kanyang reaksiyon.
Hindi na niya napigilan ang mapahagalpak ng tawa. "You know what?Marami kang puwedeng gawing sideline bukod sa pagiging doktor ng mga hayop. Puwede kang psychologist at lalong puwede kang mag-apply sa karnabal bilang payaso."
"Now, that is really flattering, Miss Gabrielle," mayamaya ay nakasimangot pang turan nito.
"But it's good."
Nagtatanong na naman ang tingin nito sa kanya.
"I mean, what you're doing. It's good. No'ng bata ako, pinangarap ko ring maging doktor."
"Bakit 'di natuloy?"
"Wala naman kasing per—" Napahinto siya. Kamuntik na siyang madulas. Gusto niya noong maging doktor pero napakaimposible nang mangyari dahil wala na ang kanyang mga magulang. Nagpapasalamat na nga lang siya at nakatapos pa siya ng Education. "Ang ibig kong sabihin, 'di na natuloy kasi takot ako sa dugo," pag-iiba niya. "Eh, ikaw, bakit doktor ng hayop ang napili mo at hindi doktor ng tao?"
"Mas madali kasing pagsabihan ang mga hayop kaysa sa tao," pagbibiro na naman ni Derek na muli niyang ikinatawa.
"You're really—"
"Derek!" Ang pagtawag na iyon ng kararating lang na si Miguel ang pumutol sa pagbibiruan nila ng kaibigan nito.
"Pare, galing ako ng farm kanina, wala ka naman do'n kaya dumeretso na 'ko rito sa villa. And it's a blessing in disguise dahil nakilala ko si Gabby."
Tumingin muna si Miguel sa gawi niya bago nagsalita. "Do you have an important thing to say?" hindi pa rin ngumingiting tanong nito.
Halatang nagtaka si Derek sa tinuran ni Miguel. "Hindi na ba ako welcome dito, pare, nang walang pasabi?"
Wari'y natauhan naman si Miguel. "Pasensiya ka na, pare. I didn't mean to be rude," hinging-paumanhin nito.
"No harm's done, pare," nakangiti nang sabi ni Derek.
"Sa loob tayo," anyaya na ni Miguel.
"How about you, Gabby?" baling ni Derek sa kanya.
Tumingin muna siya kay Miguel bago nagawang sumagot. "You go ahead. I'll stay here for a while."
PAPASOK na sana sa dirty kitchen si Miguel upang magtimpla ng juice nang maulinigan niya sina Gabrielle Aliyah at Nana Rosa. Naakit siyang pakinggan ang mga ito. Kumubli siya sa isang bahagi na nakikita ang mga ito.
"Ano naman ang naisipan mo at gusto mong magluto?" narinig niyang puna ni Nana Rosa.
"Opo nga, Mommy, bakit ikaw ang magluluto?" tanong din ni Aliyah.
"Siyempre, gusto ko kayong patikimin ng specialty kong kare-kare," narinig naman niyang sagot ni Gabrielle.
"Ah, alam ko na kung bakit magluluto si Mommy. Kasi, dito magdi-dinner si Tito Miguel," masayang turan ng kanyang pamangkin. Hindi niya inaasahan na maririnig ang mga katagang iyon.
Nanunukso naman ang tinging ipinukol ni Nana Rosa sa dalaga.
"Hay, naku, kung ano-ano talaga ang iniisip ng baby ko. Huwag ho kayong maniniwala sa batang paslit na iyan, Nana Rosa," depensa naman ni Gabrielle sa sarili.
"Eh, bakit nga naman kasi biglang-bigla, eh, ikaw ang magluluto ng hapunan kung hindi?"
Tuwang-tuwa naman si Miguel sa nakikitang pamumula ng dalaga. Napaka-cute nito habang hindi alam kung paano dedepensa sa dalawang nanunukso.
Iyon nga kaya ang dahilan ni Gabrielle kaya ito ang magluluto? Nais nga kaya talaga nitong ipagluto siya? Hindi niya matatawaran ang kasiyahang nadarama sa isiping iyon.
Hindi niya mapigilan ang kiligin.
"Umamin na kasi," muli pang tudyo ni Nana Rosa kay Gabrielle.
"Kaya ako magluluto ng hapunan, dahil nagsabi si Derek na dito raw maghahapunan. Eh, nasabi ko sa kanya na kapag nangyari iyon, patitikimin ko siya ng kare-kare."
Parang binagsakan ng langit at lupa si Miguel nang marinig ang sinabi ni Gabrielle. Salubong ang mga kilay na nagtungo na lamang siya sa sariling silid.
Hindi naman pala siya ang dahilan kaya magluluto ng espesyal si Gabrielle kundi ang kanyang kaibigan.
Para pang tinarakan ng kutsilyo ang kanyang dibdib nang banggitin ng dalaga ang pangalan ng kaibigan niya na puno ng kislap ang mga mata.
Hindi niya mapigilan ang magselos. Nitong nagdaang mga araw, alam niyang madalas na pumupunta ang kanyang kaibigan niya sa villa upang dalawin si Gabrielle.
Hindi naman siya hinahanap-hanap ng dalaga dahil mayroon na palang Derek na pumupuno sa oras nito. Kahit nga si Aliyah, wala nang ibang bukambibig kundi si Derek pa rin.
Ipinasyal daw ang mga ito ni Derek. Nagpasalubong daw si Derek ng ice cream. At kung ano-ano pa. Hindi niya mapigilan ang sarili na manibugho sa kaibigan.
Mula nang malaman niyang buntis pala si Agnes nang araw na mamatay ito kasama ng kanyang kapatid, lalong lumalim ang sugat na inaalagaan sa kanyang dibdib.
Pinili niyang iwasan na lamang si Gabrielle. Alam niyang he had been unfair to her. Alam din niyang somehow ay nasaktan niya ito.
O nasaktan nga ba? Ngayon, hindi na siya sigurado kung ganoon ang naramdaman ni Gabrielle. Lalo pa ngayong naagaw na ang atensiyon nito ni Derek.
But he was bleeding right now. Masakit isiping hindi siya naging importante sa dalaga.
Noon pa, madalas nang sabihin ng kanyang mama na nais nitong mapangasawa niya si Gabrielle. Napagkasunduan na umano nito at ng mama ng dalaga na sila ang bagay para sa isa't isa.
He despised the idea. Paano nga ay napakaarte ng dalaga. Madalas nitong pintasan ang lugar na iyon. Napaka-spoiled brat pa nito.
At sino ang makapagsasabing darating ang araw na ito? Ang araw na kakainin niya ang sinabing hindi niya kayang mahalin si Gabrielle. Dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanang mahal niya ang dalaga.
Mahal na mahal. She found a way to get through to him.
If only he had no dark past...
Muling lumabas ng silid si Miguel at nagpasyang umalis ng villa. He couldn't stay for dinner. Hindi niya kayang makitang kinakain ni Derek ang putaheng pinaghirapang ihanda at lutuin ni Gabrielle para dito.
He just couldn't.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now