Chapter 9

371 7 0
                                    

CHAPTER NINE

HINDI naman malaman ni Gabrielle kung paano itatago ang labis na panlulumong nadarama nang malamang hindi makakasabay sa hapunan si Miguel.
Hirap na hirap siya habang pinipilit na ipakitang wala iyon sa kanya gayong parang lasog-lasog na ang kanyang puso sa sakit na nadarama.
Ang totoo, si Miguel naman talaga ang dahilan kung bakit nagluto siya ng espesyal na hapunan. Sinabi lamang niya kina Nana Rosa at Aliyah na para iyon kay Derek upang matigil na ang panunukso nito at ni Aliyah.
Tulad ng dati, naging napakakuwela pa rin ni Derek kaya naman lalong ginanahan sa pagkain sina Doña Belen at Aliyah. Hindi nahalata ng mga ito ang lihim niyang iniinda.
Pagkatapos ng hapunan, nauna nang nagpahinga ang Doña. Siya naman ay pinatulog na si Aliyah. Nang muli siyang bumaba ay laking gulat niya dahil naroon pa pala si Derek sa sala.
"Akala ko, nakauwi ka na," sabi niya.
"Well, sabihin na nating alam kong kailangan mong mag-unwind kaya yayayain kitang maglakad-lakad muna."
Gusto na sanang tumanggi ni Gabrielle pero naunahan na siya ni Derek.
"Don't even think about it. I won't take 'no' for an answer," putol nito sa anumang pagtutol na sasabihin kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama.
Napakasarap ng hangin habang sila ay naglalakad. Ngayon niya napagtantong kailangan niya iyon tulad ng sabi ni Derek.
"You're thinking about him?" Hindi tumitingin ang lalaki sa kanya nang tanungin nito iyon.
"What—"
"Miguel. I'm talking about Miguel."
Huminto ito at tinitigan siya sa mga mata. Hindi niya iyon nakayanan kaya nagbaba siya ng tingin. Para kasing nababasa nito ang laman ng kanyang puso at isip.
"You were disappointed dahil wala si Miguel gayong ikaw pa naman ang nagluto."
Huminga siya nang malalim. Siguro nga ay kailangan niya ng mapaghihingahan ng sama ng loob. Alam naman niyang talagang concerned sa kanya ito.
"I don't understand him," pag-amin niya kay Derek. "Siguro, kahit kailan, 'di ko siya maiintindihan. I t-thought... I-I thought I was able to get through him. A-akala ko..." Gumaralgal na ang kanyang boses.
Nanatili lamang itong nakikinig.
"I d-don't know why I'm hurting like this. Wala naman kaming usapan or something, p-pero he made me believe that he can love..." Hindi na niya iyon kayang ituloy.
"That he loves you. Is that what you're going to say?"
Tango lamang ang tangi niyang naisagot. Kinabig siya ni Derek at niyakap. Umiiyak siya sa dibdib nito at hinayaan lang naman siya.
"Sshh... come, look at me." Pinahid pa nito ang mga luha sa kanyang pisngi. "For whatever it's worth, I know he loves you, too."
Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya kay Derek.
"Listen, Gabby. Miguel is hurting, too. I'm not interfering but I think you have the right to know. Kailangan mong malaman why he finds it hard to open up and move on with his life. Miguel is in deep pain. He needs all the support we could give whether he admits it or not."
At sinimulan nitong ipaalam sa kanya ang ugat ng ipinagkakaganoon ng kaibigan. Wala itong inilihim pati na ang pagkakatuklas ni Miguel recently na buntis ang hipag nito nang bawian ng buhay.
Doon lamang lubos na naunawaan ni Gabrielle kung bakit ganoon na lamang ang inaasal ng binata. Sinasadya nitong huwag maging masaya para mapagbayaran ang pinaniniwalaang kasalanan.
Her heart cried out for Miguel. He must have been extremely devastated nang mamatay ang kapatid at ang asawa nito lalo pa't kasama ang binata sa aksidenteng iyon.
NASA tapat na sila ng front door ng villa nang muling magpasalamat si Gabrielle kay Derek.
"Wala 'yon. Alam mo namang malakas ka sa akin, eh," biro pa nito.
"It's embarrassing—"
"No..." putol nito. "It's okay. I'm glad to be of help," sinserong turan ni Derek at marahan pa nitong tinapik ang kanyang pisngi. "Iyakin."
Napangiti siya. At iyon ang tagpong nabungaran ni Miguel pagbukas ng pinto. Wala itong kangiti-ngiti at salubong na naman ang mga kilay.
"Ginagabi yata kayo," puna sa kanila ni Miguel.
"Kaya nga, pare, hinahatid ko na si Gabby. Napasarap kasi ang kuwentuhan namin. Anyway, I'll go ahead. Gabby..." baling nito sa kanya.
"Thank you ulit," sabi niya.
Kindat ang naging sagot ni Derek bago tumalikod.
Nang wala na si Derek ay nauna na siyang umakyat sa hagdan. Naramdaman naman niyang nakasunod sa kanya si Miguel ngunit hindi niya ito nilingon. Nasa tapat na siya ng kanyang silid nang marinig itong magsalita.
"Gabby, can we talk?"
"Miguel, puwede bang bukas na lang? Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga," pag-iwas niya. Binuksan na niya ang pinto at pumasok na sa loob ngunit sumunod pa rin ito at ito na ang nagsara ng pinto.
"Kapag ako ang gustong kumausap sa iyo, pagod ka. Pero kapag si Derek, kahit abutin kayo ng hatinggabi sa pagkukuwentuhan, okay lang sa iyo," sumbat ni Miguel.
"Naririnig mo ba'ng sinasabi mo?" Napalakas na ang kanyang tinig. "Wala naman kaming ginagawang masama, bakit parang galit na galit ka?"
"Is he courting you?"
"Wala kang pakialam!"
"Answer me, damn it!" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Is Derek courting you or not?"
"Yes!" Siya man ay nagulat sa sariling sagot.
Parang nanghihinang binitawan siya nito. She swore, she saw pain in his eyes. Agad itong tumalikod patungo sa pinto.
"Miguel..." tawag niya.
Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Nagpanting na siya.
"Diyan ka magaling! Ang tumakas. Lahat na lang ng dapat mong harapin, tinatakasan mo!"
Napahinto ito sa tapat ng pinto habang nakakuyom ang mga palad.
"Itinatago mo lahat ng nararamdaman mo diyan sa dibdib mo. Hinahayaan mo ang sarili mong lamunin ng pang-aakusa mo sa sarili!"
Humarap ito sa kanya. "You don't know anything," mariing sambit ni Miguel.
"Oh, yeah? Ano'ng 'di ko alam? Na pinarurusahan mo ang sarili mo sa pagkamatay ng mga magulang ni Aliyah? You're punishing yourself by becoming miserable para makabayad sa isinisiksik mo sa isip mong kasalanan mo!"
"Stop it, Gabby." Nagbabanta ang tono nito.
"Bakit ba hinahayaan mo ang sarili mong maging miserable? Sa palagay mo ba, by doing that, ikaw lang ang nahihirapan? Hindi lang ikaw, Miguel, kundi pati na ang mga taong nakapaligid sa iyo ay nadadamay. Lalo't higit sa lahat ang mama mo!"
"I said, stop it!"
"Takot ka bang marinig ang totoo, ha, Miguel? Mas mabigat iyang ginagawa mo dahil hindi lang ikaw ang nasasaktan. Duwag ka dahil ayaw mong ilabas kung ano ang nasa puso mo. Duwag ka dahil palagi ka na lang nagtatago!"
Galit na galit itong lumapit sa kanya at hinawakan siyang muli sa magkabilang balikat. Bumabaon sa kanyang braso ang kamay nito. But she didn't mind. Hindi siya nagpatinag dito.
"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan dahil wala kang kapatid na ikaw ang naging dahilan ng pagkamatay. Wala kang pamangkin na pinagkaitan mo ng magulang at kapatid."
Humihingal si Miguel sa galit. "Hindi ikaw ang nabuhay samantalang namatay naman ang kapatid at ang babaeng mahal nito. Hindi mo maiintindihan! I ruined a family, Gabby!" sigaw nito. "A happy family! Hindi mo nakita ang takot sa mukha ni Agnes." Lumuluha na ito.
"Walang pinangarap ang Kuya Diego kundi ang magkaroon ng masayang pamilya, Gabby. Pinaghirapan niyang buuin iyon. At sa isang iglap, sinira ko 'yon. You don't know my brother, h-he was so... he was so responsible. Napakabait at mapagmahal. A-ako, ako ang dapat nawala." Nanghihinang napaupo ito sa sahig habang umiiyak.
Lumuhod siya sa harap nito. Hindi rin maampat-ampat ang mga luhang bumabalong sa kanyang mga mata. She knew it was not easy for Miguel to talk about it. But she was glad he did.
"Miguel, it's not your fault. Sigurado ako, kahit ang Kuya Diego mo, ganoon din ang sasabihin sa iyo," pagpapaintindi niya rito.
"Hindi na makikita ni Aliyah ang mga magulang niya. H-hindi na niya malalaman kung gaano kabait ang kanyang daddy. Kung g-gaano kabuti ang kanyang ina. H-hindi na niya mararamdaman kung gaano siya kamahal ng mga ito." Walang tigil ang pagtangis nito. "I ruined my own brother's family, Gabby. It's a lot to bear," nakayukong sabi ni Miguel.
Sumalampak na rin siya sa sahig tulad nito. "It's a lot to bear because you think that way. Miguel, hindi mo sinira ang pamilya ng kapatid mo. Nagkataon lang na nandoon ka. It was not your fault. Diego would have never wanted you to punish yourself.
"Ikaw na mismo ang nagsabi, he was a loving person. And he loved you. He'd never want you to carry a torch because of their death. I can bet my life on that." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi upang iangat ang mukha nito paharap sa kanya. "Look at me. Kailangan mong magtiwala sa kung ano ang pagkakakilala mo sa kuya mo. Mahal ka niya. And he would want you to move on. To let go.
"And as for Aliyah, makikilala pa rin niya ang kanyang ama. Malalaman pa rin niya kung gaano siya kamahal ng kanyang mga magulang because you'd tell her that. Sa mga kuwento mo, makikilala niya ang kanyang mga magulang. She'll grow up loving them dahil sa mga kuwento mo. Let them go, Miguel. Let them rest and allow yourself to have a life."
"It's so hard. It's just so hard."
"We'll help you." Pinahid niya ang mga luha sa mukha nito. "I'll help you..." pangako niya.
"Do you promise...?" parang batang pagsusumamo nito.
"I promise." Hindi lamang niya sa binata ipinangako iyon kundi pati na rin sa kanyang sarili.
Pagkatapos niya iyong sabihin ay mahigpit siya nitong niyakap. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Tila nanghihingi ng lakas. Nanghihingi ng tapang.
And she obliged... willingly. With all her heart and soul.
Hindi na namalayan ni Gabrielle kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon. She comforted him.
Mayamaya pa ay kumalas na ito sa kanya. Tumitig ito sa kanyang mga mata. Nasa sahig pa rin sila, sa may paanan ng kama.
He slowly bridged the gap between their faces. He kissed her. Naging malalim ang halik na iyon na tinugon niya nang buong puso.
"Mahal kita..." madamdaming sabi ni Miguel. "I love you so much, Gabby. I love you. I wanted to tell you this the day I promised we'd talk. But—"
"Sshh..." Ipinatong niya ang daliri sa bibig nito upang pigilan ang iba pang sasabihin. "Mahal din kita," naluluhang tugon ni Gabrielle. "Mahal na mahal kita."
Muli siya nitong hinalikan. Iniangat siya mula sa sahig at pinaupo sa kandungan nito. Iniyakap naman niya ang kanyang mga binti sa baywang ni Miguel.
They continued kissing...
They parted only when they felt they needed some air.
Isinubsob ni Miguel ang mukha sa bandang leeg niya. Ramdam pa niya ang paghinga nito dahil tumatama iyon sa kanyang leeg.
Yumakap siya rito nang mahigpit—so glad with their closeness.
"Lipat tayo sa kama, para 'di ka mangawit," sabi ni Miguel sa tapat ng kanyang tainga. Hinalikan pa muna siya nitong muli bago binuhat.
Inilapag siya nito sa kama, pagkatapos ay tumabi sa kanya. Kinabig siya nitong muli. Hinalikan sa ulo.
"Thank you..." madamdaming anas nito.
"Anytime, basta ikaw. Malakas ka sa akin, eh," biro naman niya.
"Malakas pala, ah. Samantalang iba naman 'yong ipinagluluto ng ale riyan."
Napatingala siya rito, nagtataka ang tingin.
He kissed her nose. "Remember, you cooked kare-kare for Derek?"
"Hey, I cooked it for you! Kaya lang, 'di ka naman dumating, 'no!"
"I heard you. Sinabi mo kina Nana Rosa na kaya ka nagluto, dahil dito magdi-dinner si Derek."
"How...? You were there?"
"Magtitimpla sana ako ng juice when I heard you."
"Silly, I cooked it for you. Alangan namang sabihin ko sa kanila." Natatawa na siya.
"That was for me?" Tila hindi pa rin ito maka-paniwala.
"Yes, but you're such a snob." Muli niyang inilapat ang kanyang mukha sa leeg nito.
"I didn't know that was for me. I saw your face glowing at the mere mention of Derek's name. What do you expect me to do? If I had known—"
Kinagat ni Gabrielle nang pino ang leeg ni Miguel.
"Ouch!" anito at napaigtad.
Tawa naman siya nang tawang humarap dito. "Now we're even," sabi niya pagkatapos halikan ang bahaging kinagat.
"What do you mean we're even?"
"For eavesdropping. Remember, nakinig ako sa conversation ninyo ng mama mo." Nakadagan na siya sa dibdib nito habang nag-uusap sila. "We're quits now."
Ngumiti ito, then he kissed her. Tinitigan siya sa mga mata pagkatapos ng halik. He caressed her lips.
"Where have you been all this time, Gabby?" mayamaya ay tanong nito. "I bet you're shopping all over the world," panunukso nito.
Kung hindi pa niya naalala na ibang Gabrielle ang tinutukoy nito ay hindi pa niya maiintindihan ang sinabi nito.
Inirapan niya ito. Bibitaw na sana siya rito pero niyapos siya nito nang mahigpit.
"Pikon! I was only teasing you." nakatawang turan nito. "Seriously speaking," pagkuwa'y sabi nito, "I cannot promise you I wouldn't blame myself anymore. I cannot promise to change that easily, Gabby."
"I'm not expecting you to do that because no one can do that overnight. It's a long process. It's more than enough if you promise to try."
"I will, honey. I will. But will you promise to always be there?" he asked, unsure of himself.
She kissed him before answering. "We will fight your fears together," pangako niya. Lihim niyang hiniling na mapatawad siya ni Miguel kapag nabunyag na rito ang tunay niyang pagkatao.
They hugged each other and closed their eyes. Nakatulog silang magkayakap.
It was dawn nang maalimpungatan si Gabrielle.
Napangiti siya nang pagdilat niya ng mga mata ay mukha kaagad ni Miguel ang kanyang nakita. Tulog pa ito. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwalang mahal siya nito. He loved her enough to tell her all his fears.
"Mahal kita, Miguel. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang tanging lalaking minahal ko. Sa iyo ko lang naramdaman ang ganito," sabi niya na animo gising ang kinakausap.
"Hindi ko alam kung matatanggap mo ako. 'Yong tunay na Gabrielle. 'Yong mahirap lang at walang maipagmamalaking yaman. I have nothing, Miguel." Pinangingiliran na siya ng mga luha habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Gumalaw-galaw naman ang mga mata ni Miguel. Wari'y naramdaman ang paghihirap ng kanyang loob. Nagmulat ito ng mga mata.
"Bakit 'di ka pa natutulog?" tila inaantok pang tanong ni Miguel.
"I don't wanna go to sleep. Baka kasi paggising ko, bigla mo na naman akong 'di kausapin," nakangiting sabi niya.
Napakunot-noo ito bago tila naunawaan na ang nais niyang ipakahulugan. Pagkatapos ay kaagad itong napangiti.
"It won't happen again, I promise. Nagawa ko lang naman iyon kasi—"
"I know. And I understand," aniya. "Miguel..." tawag niya rito nang muli itong pumikit.
"Hmm..."
"Five-thirty na."
"So?"
"Baka kasi... you know... baka may makakita sa iyo na galing ka rito sa room ko kapag mamaya ka pa lalabas. Baka maeskandalo sila. You wouldn't want that to happen, would you?"
"To put it bluntly, you're kicking me out." Nakangisi ito.
"It's just that—"
"All right. I'll go. Just give me a minute." Then without a word, he claimed her lips.
Hay... kung ganito ba naman ang sasalubong sa iyo tuwing umaga, ang sarap-sarap! nangangarap niyang naisaloob.
Her lips parted. His tongue took advantage of the delicious invitation. He kissed her like there was no tomorrow.
"Miguel..."
"Just a second, honey. Let me catch my breath first." Sumubsob ito sa kanyang leeg. "Will you show me to the door?" he said afterwards.
Inihatid naman niya ito sa pinto.
"See you." Then he gave her one final kiss.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now