Chapter 3

389 7 0
                                    

CHAPTER THREE

"GOSH!" Iyon ang tanging nasambit ni Gabrielle nang makapasok na sa sariling silid at maisara ang pinto. Nakahawak pa siya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba.
Napakasungit at napakadominante! patungkol niya kay Miguel. Bakit ba parang galit na galit ito sa Gabrielle na iyon? Ano ba ang nagawa ng babaeng iyon at siya pa yata ang mag-aani ng galit ng binata?
Pero talaga namang napakaguwapo nito. Napakalakas ng personalidad, kaya naman nagtataka siya kung bakit parang palagi itong galit sa mundo. At nababanaag ang lungkot sa mga mata nito.
Bakit ba ngayon pa lang, pakiramdam niya ay masyado na siyang involved sa pamilyang ito? Never niyang naranasan ang lubusan na magkaroon ng isang pamilya. Alam niyang minahal siya ng kanyang mga yumaong magulang ngunit sasandali lamang iyon. Ang pamilya naman ng tiyahin niya ay hindi siya itinuring na kapamilya kahit na kailan.
Lumapit siya sa bintana at tumingala sa langit. Napakaraming bituin. Natatandaan niyang sabi ng kanyang ina na maaaring humiling sa mga bituin. Mula nang mawala ang kanyang mga magulang, hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana ay matutuhan siyang mahalin ng kanyang tiyahin at ng pamilya nito. Kaya lang, hindi na niya nahintay ang araw na iyon. At ngayon nga ay napadpad siya sa lugar na ito. Nakilala niya nang hindi sinasadya ang pamilyang nais niyang pahalagahan.
May nagtutulak sa kanya na samantalahin ang pagkakataon na mapabilang sa isang pamilya kahit sandali lamang. Kahit hanggang sa dumating na ang tunay na Gabrielle. Hihiramin na muna niya ang pagkatao ng babae.
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. May sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Hinayaan lamang niya iyon. Ngayon niya lalong naramdaman ang kakulangan sa kanyang buhay—isang matatawag na pamilya.
Nahiga si Gabrielle sa kama at niyakap ang isang unan. Nami-miss niya ang kanyang mga magulang. Pilit niyang inaalala ang mukha ng mga ito. Naalala niyang palaging may pasalubong sa kanya ang kanyang ama pagkagaling sa trabaho. Ang kanyang ina naman ay masarap magluto. She was once a part of a family.
"My life would have been different kung nandito kayo, 'Ma, 'Pa," sambit niya. "I miss you both. I miss you so much." At nakatulog siyang may luha sa mga mata.
MAAGANG nagising si Gabrielle kinabukasan. Bumaba na siya para makapag-almusal. Papunta na siya sa kusina nang maulinigan niyang parang may nagtatalo roon. Nang sumilip siya, nakita niya si Doña Belen na kausap ang anak.
"'Ma, will you stop matchmaking me with Gabby?" narinig niyang sabi ni Miguel na may halong pagkairita ang tono.
"Hijo, why don't you give Gabby a chance? Nakikita kong nagbago na 'yong bata. And besides, you're not getting any younger, son."
Nahuhulaan niyang matagal na ang usapang iyon, kung hindi man ng doña at ni Miguel, malamang ng mga magulang ng naturang babae.
"'Ma, bakit ba wala na kayong nakita kundi ang 'di ko pag-aasawa?"
"Hijo, kailan mo pa ako mabibigyan ng apo, kapag mahinang-mahina na ako para alagaan pa ito?"
"'Ma, may apo na kayo. Si Aliyah. Ba't 'di na lang siya ang bigyan ninyo ng lubos na atensiyon?"
"All right, I admit. Hindi lang naman apo ang gusto ko kundi ang makita kang may sarili nang pamilya. Kung saan makikita kitang maligaya na," pagsusumamo nito.
"And you think Gabby is the one I should marry, right?" sarkastikong sabi ng binata.
"And why not? Gabby is a decent woman. Kilala ko ang pamilya niya."
"'Ma, do you honestly believe na makakatagal sa lugar na ito ang spoiled brat na 'yon? Nakakalimutan n'yo na ba na tuwing pupunta 'yon dito, wala nang ibang sinabi kundi gusto na niyang umuwi," pagpa-paalala nito sa ina.
Pinag-igihan pa niyang lalo ang pakikinig sa pag-uusap ng mag-ina. Alam niyang marami siyang matutuklasan.
"Hijo, let's give her a chance. You'll see na nagbago na siya," hindi pa rin nagpapatinag na saad ng doña. Nahalata niyang kahit ito ay parang hindi kumbinsido sa sinabi.
Kung ganoon nga talaga ang ugali ng Gabrielle na iyon, talagang hindi ito nababagay kay Miguel. Ang kailangan nito ay isang babaeng mamahalin hindi lamang ito kundi pati na rin ang lugar na iyon.
Kung sosyalera at mahilig sa gimmick ang Gabrielle na tinutukoy ng mga ito, pihado ngang hindi iyon tatagal sa ganoong lugar.
At sino naman ang babaeng tinutukoy mong nababagay kay Miguel? Ikaw? sumbat ng kanyang isip. Gusto niyang sabihing "oo" pero alam niyang imposible iyon.
Una, halata namang hindi attracted si Miguel sa kanya kahit na kaunti lang. Ni wala man lamang siyang nakitang paghanga sa kanya mula rito. Pangalawa, ni hindi nga siya nito mangitian, ang mahalin pa kaya. Pangatlo at higit sa lahat, siguradong kasusuklaman siya nito kapag nalamang nagpapanggap lamang siya.
"Hijo, ba't 'di mo na lang kalimutan ang nakaraan and try to move on?" narinig niyang sabi ng doña.
Did I miss something? tanong ni Gabrielle sa sarili. Sa pagmumuni-muni ay baka may nakaligtaan siyang mapakinggan.
"I am moving on," matigas na sabi ng binata.
"No, you're not. You're punishing yourself for Diego and Agnes' deaths. How many times do I have to tell you that it is not your fault? What happened was an accident."
"An accident that could have been prevented kung hindi lang ako nagyabang at nagpumilit na siya ang magmaneho sa chopper na sinakyan nila. Ako ang may kasalanan sa kamatayan nila. Kaya dapat lang na pagbayaran ko iyon."
Nagulat si Gabrielle sa mga nalaman. Paanong sinisisi ni Miguel ang sarili sa pagkamatay ng kapatid at ng hipag? Kaya ba ganoon na lamang ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito? Parang sa tingin nito ay wala itong karapatang maging masaya habang patay naman ang mga magulang ng pamangkin. Bigla tuloy siyang nilukuban ng awa para sa binata.
Napasandal siya sa dingding. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig niyang tawagin siya ni Aliyah. Nasa ikatlong baitang na ito ng hagdan, nakapantulog pa at hawak ang isang manyika.
Kamuntik na siyang himatayin. Mabuti na lamang at hindi na siya nakasilip sa kusina, kung hindi, malamang ay napasigaw pa siya sa pagkabigla. Malalaman pa ng mag-ina na nakikinig siya sa pag-uusap ng mga ito.
Nilapitan niya ang bata at kaagad itong pinangko. "Good morning, Aliyah," bati niya, sabay halik sa pisngi nito.
"Good morning din," nakangiting sagot ni Aliyah.
"'Want breakfast?"
Tumango ito kaya tumuloy na sila sa komedor. Nakita kaagad sila ng doña at kaagad silang binati at pinadulog sa hapag.
Pagkatapos niyang paupuin ang bata ay naupo na rin siya. Kaharap niya si Miguel na hindi man lamang siya tiningnan. Ramdam pa niya ang tensiyon sa pagitan ng mag-ina.
Mayamaya ay tumayo na ang binata. "I think I'll go ahead."
"Tapos ka na bang kumain, Tito Miguel?" nagtatakang tanong ni Aliyah. "Kauupo ko pa nga lang, eh," tila nagtatampong reklamo nito.
"Sweetheart, marami pa kasi akong kailangang ayusin. But don't worry, sandali lang ako at pagbalik ko, maglalaro tayo," pang-aamo naman ni Miguel sa pamangkin.
Nagliwanag naman ang anyo ng bata. Halata niyang malapit sa isa't isa ang magtiyo.
"Promise 'yan, pet."
"Puwede bang sumali sa atin si Mommy Gabby 'pag naglaro tayo?" tanong pa ni Aliyah rito pagkatapos tumingin sa kanya.
"Ahm, Aliyah, mas maganda siguro kung kayo na lang ng tito mo para—"
"Huwag kang mag-alala, Mommy, papayag naman si Tito Miguel, eh. 'Di ba, Tito, 'no?"
"Kung iyon ang gusto ng baby ko, siyempre, 'yon ang masusunod," sang-ayon nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Napilitan na naman si Owen, nangingiting sabi niya sa sarili.
Pagkaraang makapagpaalam ay tuluyan na itong umalis.
May araw ka rin sa akin, pilyang banta ni Gabrielle sa isip. Nagtataka siya kung bakit gusto niyang mapalapit sa binata. Kung bakit gusto niyang mag-iba ang pagtingin nito sa kanya.
She never knew why his approval was very important to her. Basta ang gusto niya, makita nito na hindi siya katulad ng Gabrielle na nasa isip nito.
PAGKATAPOS ng almusal, nagprisinta si Gabrielle na siya na lamang ang magpapaligo kay Aliyah. Nang mabihisan na niya ang bata, nagyaya ito sa hardin para maglaro ng habulan. Nang mapagod, sabay pa silang nahiga sa damuhan.
"Aliyah, nakikita mo ba 'yong malaking bulaklak sa langit?"
Napakunot-noo naman ito. "Where's the flower, Mommy?" nagtatakang tanong nito.
Napangiti siya at sinimulang ipaliwanag dito kung paano makikita ang bulaklak na itinuro niya. Naaalala pa niya ang larong iyon na itinuro sa kanya ng kanyang ama. Sinabi nito na maraming makikitang hugis sa pamamagitan ng ulap. Isa iyon sa masasayang alaala niya kasama ang ama. Mula nang mamatay ito, madalas niyang gawin ang pagbuo ng iba-ibang hugis sa ulap. Kapag nalulungkot siya, iyon na lamang ang kanyang ginagawa. Sa pamamagitan niyon ay nakakasama niya ang yumaong ama.
"Look, Mommy, nakita ko na 'yong bulaklak na sinasabi mo," excited na wika ng bata. "May kabayo pa akong nakikita! 'Yong katulad ng mga alaga ni Tito Miguel," sabi nito habang nakaturo sa langit.
"Yes, I saw it, sweetheart," sang-ayon naman niya.
Sa ganoong laro nila pinalipas ang oras. Pareho silang enjoy na enjoy.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now