Chapter 5

421 7 0
                                    

CHAPTER FIVE

PAGKATAPOS matingnan ng doktor ang pilay na tinamo ni Gabrielle, sinabi ng doktor na asahan nilang lalagnatin ang dalaga, na siya ngang nangyari.
Nagpasya si Miguel na bisitahin ito sa silid. Pagbukas niya ng pinto ay natagpuan niyang himbing na himbing si Gabrielle sa pagkakatulog. Maingat siyang pumasok at dahan-dahang isinara ang pinto.
Lumapit siya sa kinahihigaan nito at pinagmasdan ang payapang mukha habang natutulog. Napabuntong-hininga siya.
Akmang hahaplusin niya ang noo nito nang bumiling ito. Naiwan sa ere ang kanyang kamay. Inayos na lamang niya ang kumot nito at makaraan pa ng ilang sandali ay lumabas na rin ng silid.
Alam naman niyang hindi pa siya makakatulog kaya nagtuloy muna siya sa swimming pool sa likod ng villa. Umupo si Miguel sa gilid ng pool at hinayaang nakatampisaw ang mga paa sa tubig. Nais niyang sa pamamagitan man lamang niyon ay mabawasan ang tensiyon na kanyang nararamdaman.
Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Gabby. Hindi maalis sa kanyang isipan ang hitsura nito habang takot na takot na nakasakay sa mabilis na tumatakbong kabayo.
Sa galit kasi niya, hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ni Gabby na hindi na ito marunong magpatakbo ng kabayo. Siya ang dahilan kung bakit ito napilayan.
Napapikit siya nang muling bumalik sa isip ang pagkahulog ng dalaga mula sa kabayo.
Damn! he cursed himself. Ang kaalamang maayos naman ang lagay nito ay hindi nakabawas sa guilt na kanyang nararamdaman.
Her right foot is sore, damn it! And it's all my fault, galit pa ring sabi ni Miguel sa sarili. Na-realize niyang wala naman itong ginagawang masama sa kanya para magalit siya nang ganoon.
Pero ano ang karapatan niyang makinig sa pinag-uusapan namin ni Mama? pagbibigay-rason naman ng isang bahagi ng kanyang isip. She touched the most sensitive part of him. A part of him that blamed himself for the death of Aliyah's parents.
Napaka-sensitive ni Miguel pagdating sa bagay na iyon. Ayaw niya iyong pag-usapan kahit na kanino. Ni ayaw banggitin. Gusto niyang solohin ang lahat at itago sa kanyang kaloob-looban.
Limang taon na ang nakararaan nang mangyari ang insidenteng iyon pero parang kahapon lamang iyon para sa kanya. Hindi dahil sa kusang ayaw niyong matanggal sa kanyang isip kundi dahil pinilit niya ang sariling huwag kalimutan ang mga nangyari. Itinanim niya sa isip na siya ang may kasalanan ng pagkamatay ng nakatatandang kapatid at ng asawa nito upang parusahan ang sarili.
He didn't deserve to stay alive while Aliyah's parents died. He deprived Aliyah of her parents. And because of that, he would be forever indebted to his niece.
Kahit na gaano pa niya mahalin ang pamangkin, alam ni Miguel na hindi pa rin iyon sapat para mapalitan ang nawala rito.
Birthday ng kanyang Kuya Diego nang maganap ang aksidenteng kumitil sa buhay nito at ng asawang si Agnes. Nakiusap ang kanilang mama na sa villa ganapin ang selebrasyon ng kaarawan nito. Napagkasunduang doon muna nang isang linggo maglalagi ang mga ito kasama ang noon ay isang taon pa lamang na si Aliyah.
Alas-sais ng gabi nang may tumawag sa kanyang kapatid na may kaunting problema na dapat daw ay kaagad nitong maaksiyunan ukol sa isasarang kontrata. Isa kasi itong arkitekto.
Nagdesisyon si Kuya Diego na umalis nang araw ding iyon para makabalik daw agad. Sumama rin ang asawa nito.
Upang makarating kaagad ang mga ito sa Manila, nagpursige siyang ihatid ang mga ito sakay ng kanyang private chopper para ibababa na lamang niya ang mga ito sa rooftop ng building kung saan naroon ang opisina ng kanyang kapatid.
Ayaw sanang pumayag ng kuya niya dahil nakainom na raw siya pero nagpumilit siya. Pero laking gulat niya when the engine suddenly started to malfunction. There was something wrong, he knew, kaya naghanap siya ng mapagbababaan ng chopper ngunit huli na ang lahat. Nawalan na siya ng kontrol kaya sumalpok sila sa isang malaking puno. Sa ospital na nagkamalay si Miguel. At ganoon na lamang paghihinagpis niya nang malamang parehong namatay sa aksidente ang kanyang kapatid at ang asawa nito.
Nagwala siya at kung hindi pa tinurukan ng pampakalma ay hindi pa siya mapipigilan. Hindi siya pumunta sa libing ng mga ito. Hindi niya kaya. It took him a month bago nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ang puntod ng kanyang kapatid.
Umiiyak siyang humingi ng tawad dito. Gusto niyang magpaliwanag pero ano ang kanyang sasabihin. It was all his fault and there was nothing he could do to bring their lives back. Umiyak lang siya nang umiyak.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, napalitan na ang kanyang pagkatao. Wala na ang Miguel na masayahin at puno ng buhay. Nawala na ang pagiging mapagbiro niya na nakasanayan na ng mga tao sa rancho.
Naging seryoso na si Miguel at madalang na kung ngumiti. Kakambal na niya ang pagkunot ng noo. Mula rin noon ay kinalimutan na niya ang pagpipiloto. Nag-resign siya sa airline na pinagtatrabahuhan at nag-concentrate na lamang sa pangangasiwa ng kanilang rancho.
Ilang beses na siyang pinagsabihan ng kanyang mama ukol sa kanyang mga ginagawa. Marami na raw kasi siyang nami-miss ayon dito. Pero wala siyang pinanghihinayangan. Dapat lang iyon sa kanya. He killed his brother and Agnes, now he had to suffer. Sa pamamagitan man lamang niyon, mabawasan nang kaunti ang bigat na kanyang dinadala.
Naaalala pa niya, napakaraming pangarap ng kanyang kapatid para sa pamilya nito. Nais nito ng maraming anak. Palagi pa siya nitong pinaaalalahanan na tama na ang paglalaro sa damdamin ng mga babae. Sabi nito, panahon na para magseryoso siya.
"Look at me, Miguel. I'm a happy man. I have Agnes and Aliyah. I've nothing more to ask," naalala pa niyang sabi ni Kuya Diego na puno ng kislap ang mga mata. "And I want the same for you."
Hindi na niya napigil ang mga luhang umagos sa kanyang mga pisngi. Noon, may mga panahon na hiniling ni Miguel na sana ay wala na lamang ang kuya niya. Ito kasi ang paborito ng kanilang papa dahil likas itong responsable. Palagi siyang ikinukompara sa kanyang kapatid.
Now that his wish had come true, he didn't know how to cope without his brother. Sabi nga, 'be careful to what you're wishing 'coz it might really happen.'
There were times he envied his brother, but never in his wildest dream did he imagine that he would be gone so soon.
How he missed his brother so much...
Muling sumalit sa kanyang isip ang mukha ni Gabrielle. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman para sa dalaga. Tuwing titingnan niya ito, may pakiramdam siyang hindi na ito ang dating spoiled brat na nakilala. She looked different. He didn't want to know her. Because deep inside him, he knew that if he would do so, he would want to know her more. He would want to be close to her. And he would fall.
And that was the last thing he wanted to do. Muli, ipinaalala niya sa sarili na wala siyang karapatang lumigaya. Wala siyang karapatang magmahal.
He ruined his brother's family, that was the reason.
Isa pa, hindi naman niya makakasundo ang dalaga. Kailangan niyang isipin na ayaw ni Gabby sa ganoong lugar. Pawang pagkukunwari lamang ang ipinakikita nitong pagkagiliw sa lugar na iyon.
Yeah, iyon dapat ang isaksak niya sa kanyang isip. Pero tukso namang pabalik-balik sa kanyang balintataw ang mukha ng dalaga kahit saan man siya mapatingin.
This is crazy...
PARANG binugbog ang pakiramdam ni Gabrielle nang magising kinaumagahan. Bumangon siya at dahan-dahang ini-stretch ang mga braso. Noon lamang niya napansin na may gasgas doon.
Marahang ibinaba ang mga paa sa sahig. Iniingatan niyang masanggi ang napilayang paa. Nakatayo na siya para tumungo sa banyo nang bumukas ang pinto. Napaatras siya sa gulat at muling napaupo sa gilid ng kama.
"Mommy Gabby!" Patakbong lumapit sa kanya si Aliyah. Halatang alalang-alala ito. "Ba't tumatayo ka na, 'di ba, may pilay ka?" anitong nakahawak pa sa kanyang braso.
Natutuwa si Gabrielle sa inaasal ni Aliyah na animo'y matanda na at alam na alam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Nginitian niya ito para ipakitang okay lang naman siya. "I just need to go to the bathroom," sabi niya.
Wari ay nag-isip pa ito bago nagsalita. "Alam ko na! You wait here, Mommy." Hindi na siya nito hinayaang makapagtanong at dere-deretsong binuksan ang pinto. "Tito Miguel!" tawag ni Aliyah na ikinagulat niya.
Kinabahan si Gabrielle. Nais man niya itong sawayin ay alam niyang hindi rin ito makikinig.
"Yes?" narinig niyang sagot ni Miguel.
"Come, Tito. Mommy needs help," pagyayaya ni Aliyah sa binata at hinila na ito papasok sa silid.
"What happened?" nagtatakang tanong ni Miguel. Napakaguwapo nito sa suot na walking shorts at white T-shirt. Halatang kagigising lang din pero napaka-fresh pa rin ng hitsura.
"Kasi, Tito, Mommy wants to go to the bathroom kaya lang, 'di ba, may pilay siya? I saw her na nahihirapan papunta sa bathroom kaya tinawag kita," paliwanag ni Aliyah.
Naramdaman niyang pinamulahan siya ng mukha. "There's no need. Kaya ko namang pumuntang mag-isa. Si Aliyah lang naman ang mapilit na—"
"No, I saw you," pigil ng bata sa sinasabi niya. "Aren't you going to help Mommy, Tito?" nagpa-paawang baling nito kay Miguel.
"Of course, I'll help your Mommy Gabby, sweetheart," sagot naman nito sa pamangkin.
Lumapit ito sa kanya, ngunit sa halip na alalayan ay binuhat siya ni Miguel. Si Aliyah ang nagbukas ng pinto. Marahan siyang ibinaba ni Miguel sa loob ng bathroom at hiyang-hiya naman siya.
"Baka kailangan pa ng Mommy Gabby mo ang tulong ko rito sa loob ng bathroom, sweetheart," tudyo nito ngunit ang tingin ay nasa pamangkin. Mayamaya ay niyaya na nito ang bata na lumabas na.
Nang mailapat na ang pinto pasara, saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Nagsimula siyang maghilamos. Naririnig pa niya ang pag-uusap ng magtiyo sa labas.
"Why did you have to carry my mommy, Tito?" panay ang bungisngis na tanong ni Aliyah kay Miguel.
"Ikaw kasi, eh, sobrang kulit. Kaya para mapanatag na ang loob mo, binuhat ko na lang ang mommy mo," sagot naman ng binata.
"She's like a baby," bungisngis pa ring sabi ni Aliyah.
Nangingiti rin si Gabrielle habang nasa loob ng banyo. Ano ba naman kasi ang naisip ni Miguel at binuhat pa siya?
Narinig pa niya nang magyaya si Aliyah na ituloy nila ang naipangakong pamamasyal ni Miguel. Hiniling pa nito na dapat ay kasama siya. At napangiti siya nang marinig ang pagsang-ayon ng binata.
KINAUMAGAHAN na natuloy ang kanilang pamamasyal dahil ayon kay Miguel ay kailangan pa niyang magpahinga nang husto.
Nag-picnic silang tatlo malapit sa maliit na talon. Napakaganda ng lugar na iyon para kay Gabrielle. Nag-aanyaya ang pagkalinaw-linaw na tubig. Dangan nga lamang at bahagya pa siyang naiilang kay Miguel.
Pinanood na lamang niya nang maglunoy sa tubig ang magtiyo. Inihanda na rin niya ang kanilang tanghalian.
Naririnig pa ni Gabrielle ang malakas na hagikgik ni Aliyah habang nakikipaglaro kay Miguel. Pati ang tawa ng binata ay kay lulutong. Parang mag-ama ang tingin niya sa dalawa. They looked so good together.
At that exact moment, she was given the privilege to witness the other side of Miguel Santiago. And she was able to discover the irony of his character—domineering, yet when it came to Aliyah, he allowed himself to be lured by his niece's charm. So strict, but then, he would bend some of his rules to make Aliyah happy.
One could hardly see him smile, but then, when he was talking to his niece, he appeared to be the nicest guy around.
Ahh... What a very complex personality, she sighed. Pero isang bagay ang kanyang na-realize: Miguel allowed those things to happen to those he dearly loved. He bent his rules para sa mga taong pinahahalagahan.
And she couldn't help but begin to like Miguel more and more as his character unwrapped before her very eyes.
Now she wondered what he would be like to the woman he loved. Would he be gentle?
It was so nice to think that while he appeared domineering and strict to his subordinates, he would still remain gentle and loving to his wife.
Ngayon pa lamang, gusto na niyang manibugho para sa babaeng mamahalin ni Miguel. Pero alam niyang dadaan sa butas ng karayom ang kung sino mang iyon. Bakit hindi? The woman who dared to love him would need a lot of courage and patience to tame him.
And she knew, it would not be easy to get through Miguel. Napakarami nitong baggages na dala-dala na ayaw bitiwan. Tiyak na mahihirapan ang sino man na buwagin ang pader na itinayo nito para sa sarili.
"Mommy, what's for lunch?" Tinig iyon ni Aliyah na pumukaw sa kanya. Nakita niyang parehong nakatuon ang mga mata ng magtiyo sa kanya.
"Masyado yatang malalim ang iniisip ng Mommy Gabby mo, pet," komento ni Miguel.
Bumungisngis si Aliyah. "Ikaw kasi, Tito, 'di mo pinayagan si Mommy na mag-swimming. Baka nagtatampo na ang mommy ko."
"Are you?" tanong sa kanya ni Miguel na ikinagulat niya.
"Hah?"
"Nagtampo ka ba dahil hindi ka nakapag-swimming?" Ang mga mata nito ay matiim na nakatuon sa kanya.
Paano naman siya makakapag-isip nang matino kapag ganoong nasa kanya ang atensiyon ni Miguel? Idagdag pa ang nanunuksong mukha ni Aliyah. "O-of course not," pabiglang sagot ni Gabrielle. "'Di na rin naman ako makakapag-enjoy sa paglangoy ganitong 'di pa gaanong magaling ang paa ko," aniyang ibinaling ang atensiyon sa pag-aayos ng kanilang kakainin.
Hindi siya makatingin nang deretso sa binata at gusto niyang pagalitan ang sarili for acting so strange.
"Mommy, what's for lunch ba?" muling tanong ni Aliyah.
"Well, meron tayong fried chicken, may rice, at saka pinakbet," sagot niya. She was glad for the interruption.
"Okay, so let's eat," maganang yaya na ni Miguel. Nauna na itong kumuha ng plato at inabutan sila.
"Tito, where's my spoon?"
"Ah... wait... Mommy, nasaan ba'ng spoon natin?"
Nagulat si Gabrielle sa tinuran ng binata. Hindi niya inaasahan ang pagbibiro nito nang ganoon. Mockery was written on his face. Wari'y inaabangan nito ang kanyang magiging reaksiyon.
Bumungisngis na naman si Aliyah pagkarinig sa tinuran ni Miguel. Kinindatan pa ito ng binata. "Tama na iyan, 'Liyah," nakangiting saway nito sa pamangkin. "Baka umiyak pa ang mommy mo, sige ka."
Tumigil nga ito at muling naghanap ng kutsara.
"Hindi yata naisama ni Nana Rosa ang mga kutsara, wala naman dito sa basket, eh," sabi niya.
"What will we do?"
"No problem, Aliyah, eh, di magkamay na lang tayo," suhestiyon ni Miguel na kaagad na nitong ginawa.
Mayamaya pa ay ginagaya na ni Aliyah ang tiyuhin. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa.
"Mommy Gabby, bakit 'di ka pa kumakain?"
"Baka ayaw magkamay ng mommy mo," anang binata na hindi tumitingin sa kanya.
"Hindi ka ba marunong magkamay, Mommy? Madali lang naman, eh."
"Of course, marunong ako," depensa ni Gabrielle at nagsimula na ring kumain. Kung alam n'yo lang, naisaisip niya.
Nagdududa naman ang tingin ni Miguel nang sumulyap sa kanya. Alam na niya kung ano ang iniisip nito. Akala marahil nito ay mandidiri siya o kaya ay maiilang sa pagkakamay na ginagawa dahil ang kilala nitong "Gabrielle" ay iyong sosyal at mayaman. Malay ba nitong bata pa siya ay nagkakamay na siya. Wala itong kaalam-alam na isa siyang laki sa hirap.
Magana silang kumain. Panay ang kuwento ni Aliyah at panay ang sabi nito na iyon na raw ang pinakamasayang pamamasyal na naranasan nito.
Pagkatapos makakain at makapagligpit ay pinalitan nila ng damit ang bata. Pagkatapos ay nahiga sila sa nakasaping blanket at pare-parehong idinako ang tingin sa asul na kalangitan. Sandali silang natahimik.
"Tito, look, there's a horse in the sky!" excited na sabi ni Aliyah rito, sabay turo sa langit. Ito ang bumasag sa katahimikang namayani sa kanila. Akala pa naman ni Gabrielle ay nakatulog na si Aliyah.
Napakunot-noo naman ang binata.
Napangiti naman siya sa sarili nang makita ang reaksiyon nito. Parte na yata talaga ng routine ni Miguel ang pagkunot ng noo.
"You see those clouds, Tito? You can make a horse out of those clouds," pagpapaliwanag ni Aliyah sa tiyuhin. Animo matanda ito na nagpapaliwanag sa isang munting bata.
Gusto na niyang matawa. These two never fail to amaze me when they're talking, she mused. Napakasarap sigurong maging parte ng buhay ng mga ito nang permanente. Araw-araw ay may natutuklasan siyang bago sa dalawa. How she wished to be a part of their lives.
Pero alam niyang imposibleng mangyari iyon. Hindi niya nakakalimutang nanghihiram lamang siya ng pagkatao. Hindi nga niya alam, baka pagkatapos ng lahat ng iyon, kasuklaman pa siya ng mga ito.
"Mommy Gabby taught me that game," narinig niyang nagmamalaking sabi ni Aliyah. Marahil ay tinanong ng binata kung kanino nito natutuhan ang larong iyon. Hindi na nga lamang niya narinig dahil nalunod na siya sa sariling pag-iisip.
"Ah... now I know," sabi naman ni Miguel na tumingin sa kanya.
Ibinaling naman niya ang tingin sa langit. Ayaw niyang salubungin ang tingin ni Miguel.
"How about the lady, sweetheart? Do you see the lady who's wearing an elegant gown?" Siya naman ang nagtanong sa bata.
Matamang tumingin si Aliyah sa mga ulap. Naroong lumaki at lumiit ang mga mata nito.
"Yes, I can see it!" tuwang-tuwang sabi ni Aliyah na animo'y nanalo sa isang laro. "She's like a princess, right, Mommy?"
"You got it right," nakangiting sabi naman ni Aliyah.
Lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Miguel nang tingnan niya ito.
Ilang sandali pa ay inantok na si Aliyah at madaling nakatulog. Hindi na rin niya namalayan na napapikit na pala siya at tuluyang naidlip.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now