Chapter 7

329 7 0
                                    

CHAPTER SEVEN

SI GABRIELLE na ang sumamang naglinis at nagpatulog kay Aliyah nang bumalik sila sa bahay. Kasisimula pa lamang niya sa pagbabasa ng isang fairy tale at wala pa sa kalahati ang kuwento nang tuluyang makatulog si Aliyah.
Matagal pa muna niyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng bata. Nilukuban siya ng awa para dito nang maisip ang maagang pagpanaw ng mga magulang ni Aliyah.
Siya, maaga mang nawala ang sariling magulang, may naiwan naman ang mga itong alaala na kanyang binabalik-balikan dahil masasabing may isip na siya nang kunin ng Panginoon ang kanyang mga magulang.
Nakapagkit pa sa kanyang isip ang mukha ng mga magulang. Ang mapagpalang mukha ng kanyang ina at ang mapang-unawang anyo ng kanyang ama.
Samantalang si Aliyah, wala, sapagkat halos baby pa ito nang mamatay ang mga magulang. Her heart cried out for her. Aliyah was like her in so many ways. But looking at it from afar, masasabi niyang mas masuwerte pa rin ito kaysa sa kanya. Nawala man ang mga magulang nito, naroon naman ang lola at uncle nito na handang magbigay ng pagmamahal at pag-aarugang kailangan ni Aliyah. Siniguro ng mga ito na lalaki si Aliyah na isang masayahing bata.
Napabuntong-hininga si Gabrielle. Maaaring naghihinanakit siya sa kanyang tiyahin at sa pamilya nito subalit hindi pa rin niya maitatatwa ang malaking utang-na-loob niya rito. Hindi rin naman siya nito pinagbuhatan ng kamay kahit pa nga inalila siya ng tiyahin at ng pamilya nito. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, mas naging masaya sana siya kung minahal din siya ng mga ito at itinuring na kapamilya.
Hinalikan niya sa noo si Aliyah bago lumabas ng silid nito. Isang butil ng luha ang lumabas sa kanyang mata na kaagad namang pinahid bago ipininid ang pinto.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Miguel na ikinagulat ni Gabrielle. Hindi niya napunang nasa harap na pala niya ito.
"I'm not crying... Napuwing lang ako kaya nakusot ko ang mata ko," pagdadahilan niya. Hindi alam kung napaniwala niya ito sa kanyang sinabi. Naramdaman na lamang niyang hawak na nito ang kanyang baba.
"Are you mad at me?" May pag-aalala sa tinig ni Miguel.
Nagtatanong naman ang tinging ipinukol niya sa binata.
"Sa nangyari kanina?" nag-aalangang paalala nito.
Nagyuko siya ng ulo. Hindi naman kasi niya alam ang isasagot sa tanong nito. Alangan namang sabihing gusto niya ang mga nangyari? At alam niyang hindi niya iyon makakalimutan habang siya ay nabubuhay.
His memories would allow her to get by sa mga oras na malayo na siya sa piling ni Miguel.
"Please, look at me, Gabby." Hinintay muna nitong magtama ang kanilang mga tingin bago ipinagpatuloy ang nais sabihin. "I don't know if I have to say sorry—"
"Miguel—"
"No, please, let me finish." Inilagay nito ang hintuturo sa kanyang mga labi upang pigilan ang iba pa niyang sasabihin. "I know I have to say sorry, Gabby, but the thing is, I don't wanna say sorry. Because you know why?"
Iling naman ang sagot niya.
"Because I liked what happened. I-I... I—" Tunog ng cell phone ang pumutol sa nais nitong sabihin. Bahagya muna itong lumayo upang sagutin ang tawag. "Yes?" panimula ni Miguel. "Okay, I'll be right there in a few minutes," sabi nito bilang pamamaalam na sa kausap. "Gabby, I have to go. May sakit 'yong baka na malapit nang manganak. I have to attend to its needs, kung hindi, baka magkaproblema pa ang nalalapit niyong panganganak," paliwanag nito sa paraang nagpapaunawa.
"You go ahead," sabi naman niya. Gusto pa sana niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin ngunit alam niyang importante ang pupuntahan nito.
"But definitely, we'll talk," paniniguro ni Miguel sa kanya.
"Okay."
Atubili pa rin ito sa pag-alis. Nasa harap pa rin niya ito.
"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Gabrielle.
"This..." Ang tangi nitong nasabi, pagkatapos ay kaagad siyang hinalikan na laking gulat niya. Mayamaya ay napapikit na siya at tumugon na rin sa halik na iyon.
Bumitaw pa ito sa kanya sandali upang muli lamang siyang halikan. Bago pa siya matawa ay muli na nitong binusalan ng halik ang kanyang nakaawang na mga labi.
Pareho pa silang hinihingal nang magbitiw habang titig na titig sa isa't isa. Hinaplos pa ni Miguel ang kanyang pisngi bago tumalikod.
Nakakatatlong hakbang pa lamang ito nang muli na namang bumalik upang halikan siya. Wala naman siyang magawa kundi ang tumugon. Gusto sana niyang mag-react kaya lamang ay wala na siyang panahon.
"It's obvious... I can't get enough of you." Humihingal pa si Miguel nang sambitin iyon. Then he gave her one final smack. Pagkatapos ay tinakbo na nito ang hagdan pababa. Para bang hindi na nito mapipigilan ang sarili sakaling magtagal pa ito sa harap niya.
Gusto sanang humalakhak ni Gabrielle dahil sa nakita niyang pagtakbo ng binata kung hindi nga lamang makakaistorbo. Muli niyang dinama ang mga labi. Baka kasi natanggal na iyon sa ginawa nitong paghalik.
Her lips were sore but she didn't mind. She was so happy. Sa sobrang sayang nararamdaman niya, nakabawi na siya sa lahat ng lungkot at pighating kanyang naramdaman mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.
Siguro, kung nalaman lamang niya kaagad na pagkatapos ng mga pang-aalila sa kanya ng pamilya ng kanyang tiyahin ay makakadama siya ng ganitong uri ng kaligayahan, marahil, hindi na niya ininda pa iyon.
Kung may nagsabi lamang sa kanya na pagkatapos ng katakot-takot na pagtitiis tuwing makikita ang mayabang na si Dario, malamang napasalamatan pa niya ito. Kung hindi dahil sa lalaki, hindi sana siya magkakaroon ng dahilan para lisanin ang Davao. Hindi sana niya nakilala sina Mama Belen, Nana Rosa, Aliyah, at higit sa lahat, si Miguel.
Ngayon niya lalong napatunayan na ang lahat na hinahayaang mangyari ng Panginoon ay may rason.
"Life is beautiful... life is worth living for," natatawa pang sambit ni Gabrielle habang papunta sa sariling silid.
PAGOD na pagod na si Miguel bago naging stable ang kalagayan ng buntis na baka. Tiniyak na rin ng kaibigan niyang veterinarian na si Derek ang kondisyon ng baka pati na rin ang nasa sinapupunan nito.
Kasama rin nila ng kaibigan ang matagal na nilang katiwalang si Mang Damian at ang maybahay nito na si Aling Lydia.
"Mabuti na lang at maayos na ang lagay ng baka. Normal na niyang mailalabas ang anak," kahit puyat ay masaya pa ring sabi ni Aling Lydia.
"Oho nga, eh," nakangiting sabi ni Miguel. Laking pasasalamat niya at malaki ang malasakit ng mag-asawa sa kanilang rancho. Kaya nga parang pamilya na rin kung ituring nila ang mga ito.
"Naaalala ko tuloy si Agnes, tuwang-tuwa iyon kapag may manganganak na hayop dito sa rancho. Ayaw papigil sa panonood kahit na mapuyat pa," pag-aalala nito sa yumao niyang hipag.
"Nang huli nga iyong makapanood ng nanganak na baka, nagbiro pa na baka paglabas ng anak niya ay mahilig din daw sa mga hayop," patuloy na pagkukuwento nito. Mayamaya pa ay napalitan na ng lungkot ang masayang mukha nito. "Pero makaraan ang isang linggo, binawian na siya ng buhay."
Nagulat na napatingin si Miguel sa matanda. Takang-taka siya sa tinuran nito. "Ano ho'ng ibig ninyong sabihin, buntis si Agnes nang maaksidente kami?" Gulat na gulat siya. "Paanong... Bakit... Bakit 'di ko alam iyon?"
"Ha? Ah... eh, hijo..." Hindi nito malaman kung ano ang isasagot sa kanyang tanong.
Dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon.
"Pare, wait!" tawag ni Derek na sumunod pala sa kanya. Sinabayan nito ang mabilis niyang paglalakad. "What happened back there?"
"Agnes was pregnant when the accident happened. Can't you see, Derek? I did not only deprive Aliyah of her parents but I also deprived her the chance to be a sister, too. And it's all my fault, damn it!"
"Miguel, are you not through with that yet? How many times do we have to tell you that it was not your fault? Nangyari ang aksidente because of that faulty wire sa machine ng helicopter. At kaya nga tinawag na aksidente dahil walang may gusto na mangyari 'yon. That's all there is to it!"
"Na dapat ay d-in-ouble check ko muna before flying. Ako ang may pagkukulang!"
"You can't blame yourself for the rest of your life!"
Tumitig muna siya kay Derek bago muling nagsalita. "Or maybe I can—"
"Miguel—"
"Look, I appreciate what you did tonight, Derek. But there are things that I have to deal with on my own." Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan.
"Sometimes we have to learn to let go to be able to move on, Miguel. It may be hard but we have to take the chance," sabi pa nito bago pumasok sa sariling sasakyan.
Sandali siyang natigilan ngunit agad ding nakabawi. "Thanks for the help, pare." Iyon lamang at pumasok na sa pickup at pinaandar na iyon.

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now