Chapter 4

374 11 0
                                    

CHAPTER FOUR

ALAS-TRES na ng hapon nang makabalik si Miguel sa villa. Tulog na si Aliyah kaya iginiit ni Doña Belen na ipasyal na lamang daw siya nito.
"Do you want to come?" tanong ni Miguel kay Gabrielle sa kanya. Kasalukuyan silang nasa sala.
"Next time na lang kaya. Mukhang pagod ka na, eh," katwiran niya. Alam naman niyang ayaw nitong makasama siya at kaya lamang siya niyaya ay para pagbigyan ang mama nito.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Miguel sa tinuran niya.
"That's nonsense, hija," sabad ng doña. "Miguel, take Gabby around para naman malibang siya. Baka nakakalimutan mong she's a guest here," baling nito sa anak.
"'Ma, can't you see Gabby doesn't wanna go? She doesn't want to see this boring place," patuya namang sabi ng binata.
"That is not true!" nanggigigil na sabi niya. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan. Napakaantipatiko talaga! At ako pa ang idinahilan, eh, siya nga itong halatang napipilitan lang. Impakto!
"Then prove it!" ani Miguel. "Come with me," nanghahamon pang sabi nito.
"All right, I'll go with you."
"DIYAN tayo sasakay?" tanong ni Gabrielle nang makita ang kabayong nasa harap nila ni Miguel.
"Saan pa pala? Ipapasyal kita sa rancho at kabayo ang pinakamainam na sakyan," may pagkairitang turan nito.
Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakasakay sa kabayo at wala siyang balak na subukan ngayon.
"Itong puti ang sasakyan mo dahil iyan ang pinakamaamo," turo nito sa puting kabayo. "Now, let's go." At eksperto na itong sumakay sa kabayo.
Ibig sabihin, marunong mangabayo ang "Gabrielle" na kilala ng mga ito dahil hindi man lamang siya tinanong ni Miguel kung marunong siya. Diyos na mahabagin, pagsampa nga lang sa kabayo, wala akong kaalam-alam, ang patakbuhin pa kaya iyon.
"Ano pa'ng hinihintay mo, Pasko?" sarkastikong turan ni Miguel na tila nahalata ang pag-aatubili niya.
Kahit naman hintayin ko ang Pasko, wala ring mangyayari. Tinitigan niya ang kabayong nasa harap niya. Ito ba 'yong sinasabi ng hinayupak na Miguel na ito na pinakamaamo, eh, sa tingin ko, mukhang mananadyak na ito, eh?
"Sasakay ka ba o hindi?" naiinip nang tanong nito.
"Eh, k-kasi, Miguel, ano, eh... Ano kasi—"
"What?"
"Hindi ako marunong sumakay sa kabayo at hindi rin ako marunong magpagtakbo! Kung hindi ba naman kasi, napakawalang modo mo at ni hindi mo man lang ako tinanong kung kaya ko!" naiinis na singhal niya.
Nagtataka ang tinging ipinukol nito sa kanya. Parang hindi makapaniwala. "Paanong 'di ka marunong, eh, trese ka pa lang, sumasakay ka na sa kabayo?"
"Ikaw na rin ang nagsabi, thirteen pa lang ako no'n. Nakalimutan ko na. At saka wala na akong practice mula nang huling dalaw ko rito." Lihim niyang naidasal na sana ay mapaniwala niya ito.
Napalitan naman ng pagdududa ang tinging inukol nito sa kanya, pagkatapos ay napangiti. "That's an old trick, sweetheart." Iiling-iling pa ito.
Kamuntik na siyang mapasinghap nang tawagin siya nitong "sweetheart." Napakasarap niyon sa kanyang pandinig.
It was her turn to wonder what he meant by his statement. Waring nabasa naman nito ang kanyang nasa isip.
"Kung gusto mo lang na makatabi ako sa pagsakay sa kabayo, all you have to do is ask. As simple as that. I don't wanna be accused of neglecting a lady and a very attractive at that." He grinned.
Aba't talaga namang nang magsabog ng kahambugan dito sa lupa, eh, mukhang sinalo lahat ng lalaking ito, nagngingitngit na naisaloob ni Gabrielle. Ano'ng feeling nito, gawa-gawa ko lang ang dahilang hindi ako marunong magpatakbo ng kabayo para lang mapilitan siyang tabihan ako? The nerve!
Hindi niya talaga malaman kung saan ito kumukuha ng ganoong lakas ng loob.
Bumaba naman ito ng kabayo at lumapit sa kanya. Inalalayan siya nito na makasakay sa kabayo, pagkatapos ay sumakay na rin ito at pumuwesto sa likuran niya.
Their position was too intimate for her. Napasandal pa siya rito nang simulan nitong patakbuhin ang kabayo. She had never been this physically close to any other guy, kay Miguel lang.
Napapikit siya. Hindi niya maintindihan ang damdaming lumukob sa kanya nang mga sandaling iyon. She wanted to deny the feeling but to no avail.
She couldn't help but feel secured and protected being with him. She never felt like this before. Estranghero sa kanya ang nararamdaman.
Panay luntian ang makikita sa buong paligid. Napakalamig sa mga mata. Nadaanan pa nila ang mga baka at kambing na kumakain ng damo. Alam niyang napakaganda ng lugar pero hindi niya akalaing ganoon iyon kaganda. Enjoy na enjoy siya. Napagmamasdan niyang mabuti ang paligid dahil mabagal lamang ang patakbo ng binata sa kabayo.
"You don't have to pretend that you like what you're seeing," narinig niyang sabi ni Miguel. Tumatama ang hininga nito malapit sa kanyang tainga. Para tuloy siyang kinikilabutan. "Wala naman si Mama kaya it's okay," pangungutya pa nito.
"Bakit ba galit na galit kang makita na nag-e-enjoy ako sa mga nakikita ko?" nagtatakang tanong niya.
"Because I know you, sweetheart." Lalo pa nitong itinapat ang bibig sa kanyang tainga. "I know you too well."
Sasagot pa sana siya ngunit inihinto nito ang kabayo at kaagad na bumaba. Hinawakan nito ang baywang niya para alalayang bumaba.
Elevated ang lugar na kinaroroonan nila at nakikita ang napakalawak na lupain. Nauna na siyang naupo sa damuhan. Naramdaman naman niyang sumunod ito at naupo rin. Medyo malayo ang distansiya nila sa isa't isa.
"Dito ka ba sa rancho lumaki?" basag ni Gabrielle sa katahimikang namayani.
Salubong na mga kilay na naman ang isinagot nito. Hay, naku, kailan kaya mangyayari na ngingitian ako nito? Simpleng tanong lang naman ang sinabi niya, parang galit na galit na ito.
"You know the answer to your question," pagkaraan ay wika ni Miguel.
Kung hindi ba naman talaga napakaarogante ng lalaking ito, inis na sabi niya sa isip. Para namang itsitsismis niya ang buhay nito at ayaw nitong sumagot nang matino.
"Look, bakit ba galit na galit ka? I was just trying to make a conversation." Hindi na rin niya naitago ang pagkairita sa tono.
"Then don't," pasupladong sagot nito.
Inirapan niya ito. Daig pa nito ang may buwanang dalaw sa sungit. "Bata pa naman siya para mag-menopause," bubulong-bulong pang sabi niya.
HINDI malaman ni Miguel kung matatawa o maiinis kay Gabrielle. Nakita pa niya ang pag-irap nito sa kanya pati na ang pagbulong-bulong. Panay ang kibot ng mga labi nito. Hindi lang nito alam kung gaano ito ka-cute sa inaasal.
Palihim niya itong sinulyapan. Nagtataka talaga siya rito. Parang hindi na ito ang babaeng nakilala niya. Gusto na niyang isiping nagbago na ito. Paano ba naman, napakalayo na nito sa dalagitang nagsabi na hinding-hindi raw ito titira sa ganoong lugar. Masyado raw kasing boring.
Pati ang pananamit nito ay ibang-iba sa Gabrielle na kilala. Alam niyang sosyal ito at panay signature clothes lamang ang mga isinusuot. Pero taliwas naman iyon sa nakikita niya ngayon. Hindi naman masasabing pangit. In fact, mas gusto niya ang style nito ngayon. Napakasimple, ni hindi nagme-makeup.
At ang labis niyang ipinagtataka ay ang ipinapakita nitong labis na pagkagiliw sa rancho. Na para bang gustong-gusto nito ang lugar. Pati ang mga kilos nito ay nakakatuwa. Animo inosente ito na ngayon lamang nakakita ng lahat ng nakapaligid dito.
Had she really changed? From a thirteen-year-old brat to a fine young lady?
"PALAGI ka ba talagang ganyan?" pukaw ni Gabrielle sa tila pag-aanalisang ginagawa sa kanya ni Miguel.
Tumingin ito sa kanya. "What do you mean?"
Medyo nagulat naman siya nang makitang hindi na matigas ang anyo nito. Parang lumambot na iyon. Pati mga kilay nito ay hindi na rin salubong. Himala!
"Ang ibig kong sabihin, palagi ka ba talagang nakasimangot? Parang bawat segundo ay malalim ang iniisip?" kahit nag-aalangan ay tanong pa rin niya. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon hangga't hindi pa ito nag-aala-Hitler.
"What made you say that?"
Hay, hindi yata nito alam na 'pag may nagtanong, dapat ay sumagot at hindi magtanong din, piping himutok ni Gabrielle. Pati simpleng tanong, gusto pa yata nitong imbestigahan.
"K-kasi nga hindi kita nakikitang nakangiti. Palaging salubong ang mga kilay mo. 'Yong mga mata mo, parang palaging galit," lakas-loob niyang sabi.
"Hindi naman kaya mapagkamalan akong baliw niyan 'pag palagi na lang akong nakangiti?" amused na tanong ni Miguel.
God... she wasn't prepared to see him like this. He looked so gorgeous, lalo na ngayong bahagya na itong nakangiti. Parang napakalaking accomplishment ang kanyang nagawa.
"Hindi ko naman sinabing ngumiti ka nang ngumiti kahit wala namang dahilan. What I'm trying to say is, loosen up a bit. There are a lot of things to smile about," nakangiti na ring turan niya.
Ibinaling naman nito ang tingin sa tanawing nasa kanilang harap. "And what are the things I should smile about?"
"Well, this place for one. May maganda kang bahay na uuwian, pagkain sa hapag, at higit sa lahat, pamilyang maghihintay sa pag-uwi," nalungkot siya nang banggitin ang huli.
NAPATINGIN si Miguel sa dalaga. Tama ba ang nahihinuha niya? Parang lumungkot si Gabrielle nang mabanggit ang "pamilya." Marahil, hindi pa rin nito matanggap ang pag-aasawang muli ng mama nito.
"You have a family while other people don't have one," malungkot na pagpapatuloy nito. "I'd do anything to bring my parents back."
Malakas ang pakiramdam niyang hindi ibang tao ang inilalarawan nito kundi ang sarili. But her mother is still alive, he thought.
"Gabby, hindi por que nag-asawa na uli ang mommy mo, eh, ibig sabihin, nag-iisa ka na. She'll always be your mother." Nagtataka naman siya kung bakit parang gusto niya itong i-comfort.
"Miguel, can I ask another question?"
Tumingin siya rito, hindi nagsalita.
"Bakit parang sinisisi mo ang sarili mo sa pagkamatay ng mga magulang ni Aliyah?" mahinang tanong ni Gabrielle sa kanya.
BUMALIK ang pagkakasalubong ng mga kilay ng binata. "Who told you that?"
Natakot naman si Gabrielle sa galit na nakikita sa mukha ni Miguel. Hindi niya alam na ganoon ang magiging reaksiyon nito.
"I said, who told you that?" Nakalapit na ito sa kanya kaya napatayo na rin siya.
"N-narinig k-ko kayong n-nag-uusap ng mama mo kanina. I just—"
"So you were eavesdropping! What else did you hear, Gabby? What else?" Naniningkit na ang mga mata nito.
"W-wala na." Mangiyak-ngiyak na siya.
Galit na nagtungo si Miguel sa kumpulan ng mga trabahador na nagpapahinga sa ilalim ng isang malaking puno di-kalayuan sa kanila. Kinausap nito ang isa sa mga iyon. Pagbalik nito sa kanya ay may dala na itong kabayo na marahil ay hiniram nito sa trabahador na kinausap nito.
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "C'mon, let's go back," sabi nito. "Gamitin mo ang kabayong ito," utos ni Miguel sa kanya.
"I-I don't know how t-to—"
"Don't give me that crap again, Gabby. I won't tolerate it this time," seryosong sabi nito at nauna nang sumakay sa kabayo nito.
Napilitan na rin siyang sakyan ang isa pang kabayo. Gusto na niyang mapabulalas ng iyak nang mga oras na iyon.
Sa awa naman ng Diyos ay maayos siyang nakasakay. Nauna nang pinatakbo ni Miguel ang kabayo nito. Dahil marahil sa bilis ng takbo ng kabayo ng binata kaya napagaya ang kanyang kabayo.
Napasigaw siya nang malakas nang tuloy-tuloy na tumakbo ang sinasakyan. Nawalan na siya ng balanse. Alam niyang malalaglag na siya. Fear was written all over her face.
BINAGALAN naman ni Miguel ang pagpapatakbo sa kabayo nang paglingon niya ay tila nahihintakutan si Gabrielle. At halos huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang makitang wala na itong balanse at nalaglag ito mula sa kabayo.
"Shit!" Dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng dalaga. Nag-alala siya para sa kaligtasan nito. "God, Gabby, are you all right?" natatarantang tanong niya nang makalapit dito. "I didn't know... God, I'm sorry, I didn't... Damn!" Hindi niya malaman kung ano ang nadaramang kirot sa bahaging iyon. At hindi pa siya nakakabawi sa sobrang shock dahil sa nangyari.
"Saan ang masakit sa iyo? Your feet?" patuloy na tanong ni Miguel nang makitang tila may idinadaing si Gabrielle. Akma niyang dadamhin ang paa nito nang iiwas nito iyon.
"P-please, d-don't," lumuluha nang sabi nito. "J-just leave me alone."
Napabuntong-hininga siya. "Look, sweetheart, I'm sorry. I'm sorry, 'di ako naniwalang hindi ka na marunong magpatakbo ng kabayo. Now, please, allow me to check your feet," pakiusap niya. "This hurts?" tanong niya habang marahang hawak ang kanang paa nito. Ingat na ingat siya habang ginagawa iyon.
Tango lamang ang isinagot nito.
"How about the other one? Does it hurt, too?" nag-aalalang tanong pa rin niya.
"H-hindi," kagat-kagat ang labing sagot nito habang sumisinghot-singhot.
"Please, stop crying." Tila siya ang nasasaktan nang mapansing lumuluha pa rin ito. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi nito. "Halika na, isasakay na kita sa kabayo. Kailangang mahilot iyang paa mo," mahinahon pa ring sabi niya. Kung may ilulumanay pa nga ang kanyang boses ay gagawin niya para lamang mapanatag si Gabrielle.
Kaagad namang rumehistro ang takot sa mukha ni Gabrielle. Tuloy, gusto niyang murahin ang sarili sa nasabi. "Huwag kang mag-alala, I'll be with you. I won't let you ride a horse alone again. At least not until you can," pagbibigay-assurance ni Miguel.
Binuhat na niya si Gabrielle at dahan-dahang isinakay sa kabayo, pagkatapos ay sumakay na rin siya. Patagilid ang pagkakaupo nito sa kabayo. Inihilig niya ito sa kanyang katawan. Nakayakap pa siya sa baywang nito habang ang isang kamay ay nakahawak sa renda ng kabayo.
Marahan lamang ang pagpapatakbo niya sa kabayo dahil iniingatan niyang magalaw nang husto ang napilayang paa ni Gabby.
RAMDAM ni Gabrielle na panay ang pagbuntong-hininga ni Miguel na wari ba ay sising-sisi sa nagawa. Ang isiping iyon ang nakapagpagaan sa pakiramdam niya. Napakasarap kapag ganoong mahinahon ito. Kung makayakap pa ito sa kanya ay animo hindi sila nanggaling sa isang mainit na diskusyon.
God, I don't wanna argue with this guy, sa loob-loob niya. All she wanted was to get lost in his arms. Kahit na parang ang sakit-sakit ng kanyang katawan, she couldn't help but enjoy Miguel's nearness.
I want to know you, Miguel. I want to know what can make you smile, things that can make you laugh. I wanna erase the frown that seems to be permanent on your face. Will you allow me to do all that, Miguel? piping tanong ni Gabrielle. Kung sana nga ay kaya niyang sabihin ang lahat ng iyon sa binata.
Bakit nga ba ganoon na lamang ang paninisi ni Miguel sa sarili sa pagkamatay ng kapatid at ng asawa nito? What happened to them? Was Miguel connected to their sudden death? She would find that out, she promised herself.
She had this urge to help Miguel fight his fears and somehow help him overcome those fears. Kahit na iyon man lamang ang kanyang magawang mabuti kapalit ng pagpapanggap.
She felt happy with the thought. For the first time since her parent's death, she found a purpose. Something to look forward to. Isang dahilan para abangan pa ang pagsikat ng darating na mga umaga. God, she felt like crying...

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now