Prologue

1.6K 15 0
                                    

PROLOGUE

NAKAPAGPASIYA na si Candida. Tinatapos na niya ang lahat sa kanila ng asawang si Juancho de Cabron.
Sukang-suka na siya sa kawalanghiyaan nito! Hindi na niya maaatim pa ang lahat.
Pagkahila sa maletang nasa kabinet, isa-isa niyang inilagay roon ang mga damit. Hinding-hindi na siya tutuntong pa sa tahanang ito na naging bahagi ng kanyang buhay sa loob ng sampung taon!
Api ang pakiramdam niya. Akala niya noon, bago pumayag magpakasal sa lalaki, ay magbabago ito. Sa umpisa lamang ang pagiging santo ng asawa. Unti-unti, bumalik na ito sa nakasanayang bisyo-ang pagiging babaero. Tama ang kasabihang narinig niya: once a playboy, always a playboy!
Paglabas niya ng kuwarto na bitbit ang maleta, dalawang maliliit na batang umiiyak ang humarang sa kanya at yumakap: Pinipigilan siyang huwag umalis.
"Mamamatay ako rito!" umiiyak na ring tugon niya sa mga anak. "Mabuti nang umalis ako hangga't hindi pa ako tuluyang nalalagutan ng hininga."
"Isama mo kami, Mommy..." Isa sa mga bata ang nagsatinig niyon, nagmamakaawa. "Sasama kami sa lyo.
Ayaw namin kay Daddy. Isama mo kami..."
Mabilis siyang nagdesisyon. Kasama ang dalawang anak ay bumaba sila. Kailangan nilang makaalis doon hangga't hindi pa bumabalik ang kanyang asawa.
"Saan kayo pupunta, Ma'am?" Hindi niya pinansin ang katulong. Lumabas siya kasama ang mga anak. Kasunod naman ang naalarmang katiwala. Hindi malaman ang gagawin.
Pinara kaagad ni Candida ang parating na taksi.
Subalit kaiitsa pa lang niya ng maleta sa upuan nang makita ang padating na kotse ni Juancho.
Mabilis na bumaba ang sakay niyon.
Sumakay naman siya sa taksi at hinila ang batang malapit sa pintuan. Kaagad niyang inutusan ang driver na umalis na sila matapos maisara ang pinto.
"Mommy, si Endela..!" palahaw ni Cinela na pilit inaaninag ang kapatid sa kadiliman. "Mommy, naiwan natin si Endela. Naiwan natin..."
Napailing siya. Hawak ni Juancho ang nagwawalang si Endela. Walang tsansang makasama nila ang bata.
Noon niya napagkurong magkaiba ang kapalaran ng kambal.
TWENTY-FIVE years later...
"Hotel ni Romeo?"
Ang lapad ng ngiti ni Marie. "Doon kayo magkikita.
Nakakainggit talaga kayo. Pagkatapos ng maraming taon, back to each other's arms ang drama ninyo."
"Hindi mo naintindihan." Nagpakawala ang babae ng malalim na hininga. "Magsasayang lamang siya ng panahon." Iling siya nang iling.
"Umalis na siya kanina."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong wala na kaming relasyon? Matagal nang tapos sa amin ang lahat.
Wala nang durugtungan. Alam mo namang pamilyado akong tao."
"Sabi lang iyan ng bibig mo, hindi ng yong puso." Kinkilig si Marie. "Sige na, umuwi ka na. Maaga pa ang biyahe mo bukas. At tingnan mo, nawawalan ka na naman ng kulay."
"Pagod lang ako."
"Sigurado ka bang wala kang nararamdamang kakaiba sa iyong katawan? Pakiramdam ko kasi, kahit na sino ang tumingin sa iyo, lisiping meron kang karamdaman. Namumutla ka."
Alumphit siyang ngumiti.
"Makaalis na nga."
"Huwag mong kalilimutan si Romeo," pahabol ni
Marie nang palabas na sila ng restaurant. "Hangad ko ang inyong kaligayahan. Sa wakas, magiging maligaya ka na rin."
"Maligaya naman ako, a!"
"Sino ang lolokohin mo?"
Muli siyang napalling.
"Huwag mo akong kalimutan, ha? Hihintayin ko ang tawag mo. Balitaan mo ako sa ino roon ni Romeo. And bon voyage. Ayan, French na 'yon."
Sumakay siya sa kanyang kotse. Naghiwalay sila ng daan ng kaibigan. Ito ay pupunta pa sa tourament nilang magkakabarkada, samantalang siya naman ay wuwi na
Lumipad ang kanyang isipan. Lumipad na patungong France si Romeo. Iniwan nito ang asawa para sa kanya. Makikipagkita ba siya sa lalaki? Hanggang ngayon, siya pa rin mahal nito. Kaysarap naman niyon. Subalit huli na ang lahat...

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now