Chapter 1

950 10 0
                                    

CHAPTER ONE

"MOMMY!" Puno ng galak ang tinig na iyon ng batang lalaki, kasunod ang yakap na may pananabik. "Mommy...
Mommy..
.!"
Niyakap ni Endela ang magpipitong taong gulang na si Lemuel. Mahigpit niya itong ikinulong sa mga braso at kinakabahang napatingin sa lalaking tumikhim.
"Ako naman, iho."
"Oo nga pala." Kumawala si Lemuel sa yakap ng ina.
"Mommy, kagaya ko, missed na missed ka rin ng Daddy." Nakangiti sa kanya si Renar, hinihintay ang isang yakap mula sa kanya. At hindi na ito nakapaghintay pa, hinawakan siya nito sa kamay at hinila patayo.
Napalunok siya nang titigan ng nakangiting lalaki.
Hindi siya nakaimik nang yakapin na nito; sabik na sabik ang lalaki.
At ang bilis ng tibok ng puso niya. Lalo na nang hagkan siya ng asawa sa mga labi. Kinabahan talaga siya nang husto. Kung hindi pa namagitan si Lemuel, walang dudang nakakulong pa rin siya sa matitipunong braso ng lalaki. "Maraming nakatingin.."
9
Natawa lamang si Renar sa naging reaksiyon ng bata.
Nakahinga naman nang maluwag si Endela, pilit kinakalma ang sarili. Dapat ay nakahanda na siyang mangyari ang gayon. Isang buwan din silang nagkahiwalay. Higit sa lahat, asawa niya ito!
"Ano ang dapat naming ikahiya?" nakangiting baling ni Renar sa anak. "Huwag mo silang intindihin. Alam mo naman kung gaano ko hinintay ang pag-uwi ng Mommy mo."
Napangiti na rin si Endela. Nang akbayan siya ng asawa, muli na namang nag-alboroto ang puso niya.
Kinabahan na naman siya. Bumilis ang kanyang paghinga.
Tinungo nila ang kinaroroonan ng kotse. Kumandong sa kanya si Lemuel pagkasakay nila sa sasakyan, naglalambing.
"Kumusta siya?" Si Renar.
"Sino?"
"Si Cinela."
"M-Mabuti...
" Pinagsalikop niya ang mga palad.
Namamawis ang mga iyon. "Kahit papano, she's doing well. But I'm afraid, buwan na lamang ang itatagal ng buhay niya."
"Wala na bang magagawa ang mga doktor?"
"Wala na. Apat na buwan ang ibinigay na taning sa buhay niya. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko siya iwanan doon. Awang-awa ako sa kanya."
Hindi niya napigilan ang pagtulong luha. Ngayon pa lang, pinipiga na ang puso niya. Kung may magagawa lang sana siya para madugtungan ang buhay ng kapatid.
"Mommy..." Naalarma si Lemuel. "Bakit ka umiyak? Kanino ka naaawa?" Inilabas pa nito ang panyo at pinahiran ang luha ng ina.
Lalong naantig ang damdamin niya. Hindi na niya napigilang yakapin si Lemuel. Nagtataka man, ginantihan nito ang yakap niya. At naramdaman niya ang hagod ng kamay ni Renar sa kanyang balikat.
"Ibig sabihin niyan, babalik ka pa?"
"H-Hindi na. Ayaw niya akong malugmok sa kanyang bangkay. Nagkausap na kami. Pareho na naming tinanggap ang lahat. Kani-kanya kami ng kapalaran." Naunawaan naman siya ng asawa. "Hindi man lang
namin siya nakita 't nakilala ni Lemuel."
"Alam naman niyang masyado kang abala, e. Si Lemuel naman ay merong pasok sa eskuwela. Hindi bale, nakita naman niya kayo sa litrato at sa video."
HEAVEN Hills Subdivision. Dumating na sila sa kanilang tahanan. Roosevelt Street, number 1441. Sauladung-saulado niya ang kanilang address.
Mismong sa tapat ng malaking bahay tumigil ang kotse. Kung ilang beses na bumusina si Renar. Saka lang bumukas ang gate at lumabas ang isang may edad nang babae.
Si Aling Tanya -ang kanilang mayordoma.
Sa tabing isang asul na kotse tumigil ang sasakyan. lyon ang kotse niya. At nakita niyang may lumabas pang dalawang babae mula sa pinto. "Maligayang pagdating, Ma'am." Si Marla ang bumating iyon sa kanya. Katabi nito ang pinsang si Inez.
Pinagtulungan ng mga itong ibaba ang kanyang mga bagahe mula sa sasakyan.
"Bigyan n'yo ako ng iced tea."
Tumalima naman si Aling Tanya.
Sumunod siya kay Lemuel nang hilahin siya nito papasok sa bahay. Tinulungan naman ni Renar ang magpinsang katulong sa pagbuhat ng kanyang mga bagahe.
"Ano ba, Renar? Trabaho nila iyan. Hindi naman mabigat iyang mga maleta ko, e. Hayaan mo na sila," baling ni Endela sa asawa. Katabi niya sa sofa ang anak.
"Wala ito, sweetheart. May kabigatan ang isang ito.
Mukhang dinala mo nang lahat ang Paris, a? Pasalubong bang lahat ang laman nito?"
"Mga gamit ko."
"Mommy, ano ang pasalubong mo sa akin?"
"Marami." Kinuha niya ang iced tea kay Aling Tanya. Pilit namang tinanggap iyon ng kanyang lalamunan at sikmura. "Pagod ang mommy, iho, kaya mamaya ko na ibibigay sa iyo ang pasalubong mo, okay?"
"Mommy," reklamo nito, "nangako kang ibibili mo
'ko ng Playstation CDs do'n. Maglalaro na 'ko. Ibigay mo na sa akin."
"Hindi ba't meron kang pasok? Sige na, iho, mag-ayos ka na. Bukas ka na lang maglaro o di kaya ay mamayang gabi. Wala ka namang pasok bukas, e."
"Sige na, Lemuel, malapit nang mag-twelve. Idaraan na kita sa school mo pagkatapos nating kumam." Pababa ng hagdan si Renar. "Nakahanda na ho ba ang hapag-kainan, Aling Tanya?"
"Oho, Sir." Binalingan ng mayordoma ang bata.
"Halika, Lemuel, mag-ayos ka na."
Labag man sa loob ng bata, sumunod ito kay Aling Tanya.
Naupo naman si Renar sa tabi ni Endela. Wala silang kibuan habang hinihintay ang pagbaba ng bata para makakain na sila. Nailang naman siya nang mapansing minamasdan siya ng katabi.
Hindi niya makontrol ang tibok ng kanyang puso.
Kinabahan na naman siya. Mapalad talaga siya sa pagkakaroon ng asawang guwapo na ay mapagmahal pa. "Ang sama mong makatingin, a?"
Napangiti si Renar. "Wala lang. Masaya lang ako at nakauwi ka na. Meron nang mag-aalaga sa amin ni Lemuel. Meron na akong katabi sa pagtulog. Hindi na ako malulungkot."
Alumpihit na naman siyang ngumiti. Kinabahan na naman siya. Subalit ano ang dapat niyang katakutan?
Asawa niya ang taong ito! Nahigit na lamang niya ang paghinga.
"Ano ang ibig sabihin niyon?" ani Renar.
"Wala. Masaya ako't magkasama na tayo. Sa araw-araw na lang, kayo ang laging naiisip ko doon ni Lemuel.
Ang hirap pala talagang mapawalay nang matagal sa mga minamahal."
Lalong lumiwanag ang mukha ni Renar. Kakaibang ngiti ang makikita sa labi nito. May narinig itong maganda.
Nagtaka naman tuloy siya. Bumalik na sina Aling Tanya at Lemuel. Bagay na bagay sa bata ang suot nitong uniporme. Nanikip na naman ang kanyang dibdib, at pilit ang ngiting tinungo nila ang komedor.
Kung ilang putahe ng ulam ang nakahanda. Pero kapansin-pansin ang malalaking hipon na sinigang.
Nangasim ang sikmura niya. Pakiramdam niya ay nagutom siyang lalo.
Kinuha niya ang bandehado ng kanin at ipinasa iyon sa asawa. Natigilan siya nang mapansing napatingin sa kanya ang lalaki. Naalarma naman siya.
Nangingiting kinuha ni Renar ang bandehado at kumuha ng kanin. Ibinalik iyon sa kanya. Nilagyan niya ang pinggan ni Lemuel. Tapos ay ipinaghimay ito ng hipon.
Noon niya napansing minamasdan ng asawa ang ginagawa niya. Samantalang nasisiyahan naman si Lemuel habang kumakain. Nalito na naman siya.
"B-Bakit?" Nangahas siyang tanungin si Renar.
"Ano ang nakapagtataka sa ginagawa kong ito?" Hindi ba niya iyon dati ginagawa? Hindi niya alam ang sagot!
"Wala," nangingiting tugon ni Renar. Itinuon na nito ang atension sa pagkain. "Siguradong mabubusog niyan si Lemuel..."
Parang walang narinig ang bata. Magana ito sa pagkain. At napansin ni Endela, ubos nito ang binabalatan niyang hipon. Paboritong ulam iyon ng anak.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Hayaan mo na "yang si Lemuel. Patapos na kami, samantalang ni isang subo ay hindi mo pa nagagawa," naisatinig ni Renar.
"Tama na, Mommy, busog na ako. Babalik lang ako sandali sa aking kuwarto." Matapos uminom ng tubig, iniwan na sila nito.
Noon lamang niya nabigyan ng atension ang pagkain. Siya naman ang nanggigil sa hipon. Matagal siyang hindi nakatikim niyon. Ang sarap ng pagkalutong sinigang.
"Bakit?" tanong niya kay Renar na minamasdan siya.
Tapos na itong kumain. "Huwag mo ngang pansinin ang appetite ko. Ngayon lang muli akong nakatikim ng sinigang na hipon."
"Hindi ba't allergic ka sa hipon?"
Napatanga si Endela. "Hindi ko lang napigilan..." pagkikibit-balikat niya. "Ang lalaki kasing masyado." May allergy ba siya sa hipon? "Huwag mo nga akong pinagpapansin, Renar," asik niya sa lalaki. Sigurado siya, talagang ginagawa niya iyon sa asawa!
Nagkibit-balikat ang lalaki.
"Dad, hindi ba't idadaan n'yp ako sa paaralan? Male-late na ako." Bumalik na si Lemuel sa komedor. "Malapit nang mag-one. One-thirty ang pasok ko."
"Hindi pa tapos kumain ang Mommy..."
"Sige na. Umalis na kayo." Uminom si Endela ng tubig at hinalikan sa pingi ang anak. Inihatid niya ang mag-ama sa kotse. "Ingat sa pagmamaneho, Renar.
Kasama mo si Lemuel."
"Mom, ihanda mo ang iyong pasalubong sa akin na mga CDs. Maglalaro ako pagdating mamaya," paalala ni Lemuel sa kanya, bago pinausad ni Renar ang kotse.
Nakahinga siya nang maluwag nang makaalis na ang kanyang mag-ama. Bumalik siya sa komedor, pero nadatnan niyang nagliligit na roon ang mga katulong.
Bumalik siya sa sala. Noon niya minasdan ang paligid.
Napansin niya si Aling Tanya na nakatingin sa kanya.
Kaagad naman itong tumalikod at pumasok sa komedor.
Tinahak niya ang hagdan. At alam niya kung saan ang kanyang destinasyon. Pagpasok niya sa kanilang kuwarto, bumilis na naman ang tibok ng puso niya.
Napatingin siya sa kama.
Makakatabi niya roon si Renar! Minasdan niya ang paligid, saka binuksan ang isang maleta at inilabas mula roon ang mga gamit niya. Minabuti niyang magpahinga.
HINDI makapaniwala si Endela na alas-siyete na ng gabi. Walang gumising sa kanya. Kung hindi pa niya narinig ang pagpasok ni Renar sa kanilang kuwarto, siguradong natutulog pa siya!
"I didn't mean to wake you—"
"Bakit hindi man lang nila ako ginising?" Bumangon siya at nagtungo sa banyo. Naghilamos. Paglabas niya, nadatnan niyang nakapanloob lamang ang asawa at naghahanap ng maisusuot.
Nagwala na naman ang puso niya nang halos makita ang kahubdang iyon ni Renar. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata. Dapat niyang ituon ang isipan sa tamang bagay.
"Bakit?"
"A-Anong bakit?"
"May problema ba?"
"Wala." Pinatatag niya ang damdamin. Sa pagkakataong iyon, nakapili na ng maisusuot ang lalaki. Kontrolado na niya ang paghinga. "Si Lemuel nga pala?"
"Ginagawa niya ang kanyang homework. Sa pagkakaalam ko, kanina pa niya hinihintay na lumabas ka. Hinihintay niya ang mga binili mo sa kanyang Playstation CDs."
"Bakit hindi niya ako ginising?"
"Nagka-trauma na sa iyo yung bata. Naalala mo bang binato mo siya ng flower vase nang ginising ka niya?" Naroon ang disgusto sa tinig ni Renar.
Ganoon ba siya kasama? Ano ba itong pinasukan nya?
Kinuha niya ang bag na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Mga pasalubong yon para kay Lemuel-limang CDs ng Playstation at tatlong World Cup soccer caps.
Magkasunod silang bumaba ni Renar. Nasa sala ang bata at nangislap ang mga mata nito pagkakita sa mga dala niyang pasalubong. Nang tumunog ang telepono.
"I'll get it." Nilapitan ni Renar ang telepono, tapos ay bumaling sa kanya. "For you."
"Sino?"
"Kaklase mo."
"Kaklase?"
Sumabat naman si Lemuel. "Baka si Tita Marie.
Kanina pa tumatawag. Magma-mahjong daw kayo,
Mommy.
Mahjong? "Sabihin mong natutulog pa ako."
Nangunot ang noo ni Renar sa narinig. "Are you sure?" puno ng pagdududa at pagtatakang tanong nito.
"Wala kang planong maglaro ng mahjong ngayon?"
"Kadarating ko lang, Renar. Pagod pa ako sa biyahe. Mahaba ang itinulog ko ngayon, pero pagod pa rin ang pakiramdam ko. Sige na, nagugutom na ako." Sinunod naman siya ni Renar.
"Ano ba "yang assignment mo, Lemuel?"
"Math lang ito, Mommy, kayang-kaya." Tapos na nitong gawin ang aralin. "Daddy, puwede na ba akong maglaro?"
"Kakain pa tayo."
"Nakakain na ako."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Bakit hindi mo kami hinintay? Ganoon ba katindi ang naramdaman mong gutom at nauna kang kumain?"
"Sige na, Lemuel, maglaro ka na. Pero huwag masyadong magpuyat, ha? Sabado bukas, maaga tayong aalis."
"Saan kayo pupunta?" tanong niya.
"Anong kami lang? Tayo. Hinihintay tayo nina Mama at Papa sa asyenda. Huwag mong sabihing nakalimutan mong wedding anniversary nila bukas?"
"Ganoon ba? Nakalimutan ko." Binalot na naman ng kaba ang puso niya. Gulo ang pinasok niyang ito! At makakaharap niya ang pamilya ni Renar!
"Nagiging makakalimutin ka na."
"Nawala lang sa isipan ko. Jet lag lang ito. Kaya nga ako umuwi dahil sa kanilang wedding anniversary." Hindi niya kayang makipagtitigan sa asawa.
"May problema ba?"
"Wala." Pinilit niyang ngumiti, Hanggang kailan siya magiging magaling tungkol sa bagay na ito?
Hindi kaya isang pagkakamali ang lahat?

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina Parisحيث تعيش القصص. اكتشف الآن