Chapter 9

497 7 0
                                    

CHAPTER NINE

PAGKAALIS ni Renar kinabukasan, naghanda na rin si Cinela. Papasakay na siya sa kotse nang lapitan ng guwardiya. Tinanong nito kung saan siya pupunta. Hindi niya iyon inaasahan.
"May pupuntahan akong kaibigan." Walang dudang utos iyon ni Renar. Massisi ba niya ang lalaki?
"Wala hong sinabi sa amin si Sir na aalis kayo,
Ma'am...
"Sige na, buksan mo na ang gate. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya pagdating niya. Hindi naman ako magtatagal, e."
"Ayoko hong mawalan ng trabaho, Ma'am. Mahigpit kaming pinagbilinan ni Sir na huwag kayong hayaang umalis nang wala siyang permiso."
Napilitan siyang bumaba ng kotse. Pinasama niya ang guwardiya sa bahay. Tapos ay tinawagan niya si Renar at ipinaalam na lalabas siya saglit. "Ayaw akong palabasin. Kailangan daw ang yong permiso."
"Saan ka pupunta?"
"Sa bookstore. May bibilhin lang akong mga libro ni Lemuel." Talagang may pinapabiling libro ang bata. Buti naisip niya iyon. Dadaan na lang siya mamaya sa bookstore.
"Isama mo ang isang guwardiya."

"Renar, kaya kong pangalagaan ang aking sarili."
"Alam mo ang sitwasyon. Hindi ka puwedeng lumabas na walang alalay. Mapanganib. You have no choice. Hindi ka talaga makakalabas 'pag wala akong sinasabi."
"Renar..."
"Please, ayoko lang na may mangyari sa iyo." She was deeply touched. Lihim naman siyang natuwa sa pag-alalang iyon sa kanya ng lalaki. Pero hindi niya puwedeng isama ang sinuman sa mga guwardiya sa kanyang pupuntahan.
"Ibigay mo ang telepono sa sino mang nariyang guwardiya."
Ipinasa naman iyon ni Cinela sa guwardiyang naghihintay na kausapin ang asawa niya. Kailangang makaisip siya ng paraan. Paano niya matatakasan ang sasama sa kanya?
"Yes, Sir..."
"What?" baling niya rito pagkatapos.
"Sasamahan ko raw kayo, Ma'am."
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
"Marunong kang magmaneho?" Ang mahalaga, makalabas siya. Tumango ang guwardiya. "Okay, isasama kita sa pupuntahan ko, pero mangako kang huwag mong sasabihin sa Sir Renar mo kung saan tayo pupunta."
Napag-isip-isip niyang maganda ang naisip niyang iyon para hindi magduda si Renar. Dahil masusundan pa ang paglabas niyang iyon. Kailangan niya ang tulong nito.
"Importante itong lakad ko." Naglabas siya ng pera at inilagay iyon sa bulsa ng polo nito. "Maasahan ko ba?
Huwag kang mag-alala, isang kaibigan ang pupuntahan ko
Binasa niya ang address na pupuntahan. Alam yon ng guwardiya; isang lugar sa Alabang. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi na siya maghahanap pa niyon. "Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Nilo ho, Ma'am."
NAHINDIK siya nang mapagkurong isang squatters' area ang kanilang destinasyon. Pagbaba niya ng kotse, bumaba rin ang kasama niya.
"Dito ka na lang."
"Hindi ho puwede, Ma'am. Sabi ni Sir Renar, huwag daw kitang hayaang mawala sa aking paningin. Delikado.
Lalo na't squatter 'tong lugar."
"Walang gagawa sa akin dito ng masama. Bantayan mo na lang itong kotse. Hintayin mo na lang ang pagbalik ko." Hindi nito pupuwedeng makita ang kanyang kakambal.
"Nangako ako sa inyong hindi malalaman ni Sir Renar na dito tayo pumunta, Ma'am. Naniniguro lamang akong maiuwi ko kayong walang galos."
Napilitan siyang tumango. "Itanong mo kung saan ang bahay ni Aling Trecia, 'yung pumuntang matandang babae sa bahay kahapon." Nilapitan nila ni Nilo ang tatlong ginang na nasa tindahan.
"Trecia? Doon sa gawing dulo ang kanilang bahay," tugon ng isang ale na napakunot-noo kapagdaka. "Hindi ba't lagi ka namang pumupunta rito noon, ineng?" Ngiti lamang ang itinugon niya. Nahigit nya ang paghinga nang pumaloob sila ni Nilo sa lugar na iyon.
Muli pa silang nagtanong nang malayo na ang kanilang nalakad.
Sa pagkakataong iyon, bata naman ang napagtanungan nila. Sinabi nitong sa dulo ang bahay nina Aling Trecia. Nagpatuloy sila hanggang sa huling liko nila, naroon na ang bahay na kanilang hinahanap.
"Ma'am Endela?" Kasing-edad lang halos ni Lemuel ang batang babae na lumapit sa kanila ni Nilo. "P-Pero, paanong nangyari?" nagtataka nitong patuloy.
Kinabahan siya.
Tumalikod ang bata at pumasok sa loob ng bahay.
"Inay! Inay! May bisita tayo!"
Bumungad sa pinto ang hinahanap niyang ginang.
Lumiwanag ang mukha nito nang makita siya. Subalit napatingin ito kay Nilo.
"Huwag n'yo siyang intindihin." Pumasok sila sa loob ng bahay. "N-Nasaan ho siya?" Nagbabanta na naman ang luha niya.
"Nasa loob." Itinuro nito ang isang nakasarang silid.
Sumunod siya sa ginang matapos ituro kay Nilo ang silya. At ang kalunus-lunos na kalagayan ng kakambal ang halos nagpasabog sa kanyang dibdib. "Endela..." Nakasandal ito sa isang silya sa gawing bintana at nakadungaw sa tanawin doon-ang malawak na bakanteng lupain na ihiniwalay sa squatters' area na iyon ng isang creek. Malungkot ito; at ang laki na ng ibinagsak ng katawan. Parang mas matanda pa ito ngayon kay Aling Trecia. At ang gulat ay nabanaag sa mukha nito. nang makita siya. "Ci...
Cinela...?"
Marahan siyang tumango. Pumatak na ang kanyang
*luha, Iniwan naman sila ni Aling Trecia. At nangangalog ang mga tuhod na humakbang siya palapit sa kakambal.
"B-Bakit dito?" Ginagap niya ang mga palad nito.
"Mas mabibigyan ka ng atension sa ospital. Doon ay maraming mag-aalaga sa iyo. Kahit papaano, madudugtungan ang buhay mo."
Sumungaw na rin ang luha sa mga mata ng may sakit. "P-Paano mo nalamang nandito ako?"
"Kay Aling Trecia. Pumunta siya kahapon sa bahay.
Huwag kang mag-alala, hindi alam ni Renar na nandito ka..."
"Hindi ka na dapat na pumunta pa rito."
"Kailangan mo ang tulong ko-"
"Malaking tulong na ang pagpayag mong ipagpatuloy ang papel ko sa buhay ng aking mag-ama, Cinela.
Mamamatay akong maligaya. Dahil alam kong hindi mo sila pababayaan."
"Dadalhan kita sa ospital."
"Huwag na. Naghihintay na lamang ako ng aking oras. Dito na lang ako. Ituon mo na lang ang iyong pansin sa aking mag-ama. Ikaw lamang ang makapagpapatuloy ng obligasyon ko sa kanila."
Nanikip na naman ang kanyang paghinga. Gusto niyang sabihing alam na ni Renar na isa siyang impostor, pero hindi niya magawa.
"At pakiusap, huwag kang sumama sa mga kaibigan ko. Nakalimutan kong sabihin sa iyo noon. Masamang impluwensiya sila. Palabasin mong nagbago ka na." Napalunok siya. Kailangan nyang tanungin ang kapatid. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo. "Sino ang kasama mo nang magpunta ka sa France?"
Marahan itong napailing.
At naniwala siya. "One time ay nagkita kami ng asawa ni Romeo dela Vega. Sinabi niya sa aking nagtagpo raw kayo sa France para doon na manirahan.
Sa paniniwala niya, ako ay ikaw."
"He's my past, Cinela. Bakit naman kami magtitipan sa France? Sira ulo ba ako? I'm dying! Hindi rin ang tipo ko ang maninira ng pamilya." Napatanga na lamang siya.
"Hindi sinasadya ay muli kaming nagkita after so many years. Then one time, inimbita niya akong mag-dinner. Pinagbigyan ko, sa pag-aakalang meron pa siyang puwang sa puso ko."
"Hindi totoong nagkaroon uli kayo ng relasyon?" Ilang sandali ang pinalipas ni Endela bago sumagot.
"Hindi ko mahal si Renar, pero hindi ko siya kayang pagtaksilan."
How come na may alam si Marie tungkol kay Romeo? Inusisa pa nga siya nito sa lakad nila sa France.
At si Liza, tinanong din siya tungkol kay Romeo nang dumalo silang mag-anak sa anibersaryong mga magulang ni Renar.
"Sige na, umalis ka na. Salamat sa pagbisita mo.
Pero pakiusap, huwag ka nang pumunta uli rito. Mahirap na at baka magduda si Renar. Ayokong mabuko ka niya.*
Marahan siyang tumango.
"Mahalin mo si Lemuel. Mahalin mo rin ang asawa ko. Huwag mong hayaang maagaw siyang ibang babac sa inyong aking anak..."
Gusto niyang itanong kung si Claire ba ang tinutukoy nito. Subalit napagkuro niyang makakasama lamang yon sa kapatid. "Umiinom ka ba ng gamot?"
"Hindi naman ako mapapagaling niyon."
"Bakit hindi ka nagpaopera noon?"
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "Huli na ang lahat nang madiskubre kong may cancer ako sa ovary. Wala naman talaga akong nararamdamang kakaiba noon. Laking pasalamat konga dahil nagkaanak pa ako."
"Masyado mong pinabayaan ang iyong sarili. Kung ang iba nga, gustong magpaopera, wala nga lang resources. Samantalang ikaw, huli na sa iyong pagkilos."
"Huwag mo na akong sisihin. Tanggap ko na ang lahat. Sige na, umalis ka na. At huwag ka nang bumalik pa rito. Squatter ang lugar na ito. Hindi ka sanay." Niyakap niya ang kapatid. Muli na namang pumatak ang kanyang luha. Pero ipinangako niya sa isipang hindi iyon ang huli nilang pagkikita. Kung siya lang ang masusunod, ayaw pa niyang umalis.
Mahigpit naman siya nitong niyakap. At marahan siyang itinulak palayo. Kagaya niya, umiiyak din ito.
"Huwag n'yo siyang pabayaan, Aling Trecia." Naglabas siya ng pera, pero tinanggihan iyon ng ginang.
"Pandagd. g ninyong gastos. Sige na ho, tanggapin n'yo
na.
"Ma'am, may ibinigay na sa akin ang inyong kapatid.
Marami lyon. At hindi namin iyon kayang ubusin sa loob ng isang taon."
Ipinilit niya, pero tumanggi pa rin ito. "Huwag n' yo na kaming ihatid sa labasan. Alagaan ho ninyo siya. Pero babalik ako bukas. Huwag n' yo lang ipaalam sa kanya.
Sige ho, hindi na kami magtatagal pa."
"Pakiusap lang, Ma'am, huwag ninyong ipaalam kay Sir Renar ang tungkol sa kanya. Huwag n' yong sirain ang kanyang hangarin para sa pamilya niya.
"Makakaasa ho kayo."
Hindi naman nagtanong si Nilo kung sino ang pinuntahan niya roon. Itinikom din nito ang bibig.
Pagkagaling sa Alabang, dumaan sila sa isang bookstore bago umuwi.
Muli niyang kinausap si Nilo tungkol sa pagpunta nila sa lugar na iyon. At muli, nangako ang guwardiya na hindi iyon makakarating kay Renar.
KATATAPOS lang nilang maghapunan at naroon sila sa sala nang mag-ring ang telepono. Si Renar ang dumampot niyon. Nangunot ang noo nito nang walang sumasagot.
Muling nag-ring ang telepono. Muling sinagot ng lalaki. At pikon nitong ibinaba ang awditibo. Sunud-sunod ang pagpakawala nito ng malalim na paghinga.
"Siguradong siya ang tumatawag."
Alam ni Cinela ang tinutukoy ng asawa. Sa nakita niyang kalagayan ng kapatid, imposibleng lalabas ito ng bahay para tumawag sa kanya. Isa pa, kagagaling lang niya kanina kina Aling Trecia.
Sa muling pag-ring ng telepono, siya na ang sumagot niyon. Boses-lalaki. Nagbabanta. sa akin?"
"Pumili ka, buhay ng yong mag-ama o sasama ka
Napatingin siya kay Renar. "Who are you?"
"Naglolokohan ba tayo, Endela?"
"Damn you!" Pinagbagsakan niya ito ng telepono.
Kaagad naman siyang nilapitan ni Renar at niyakap, kinakalma siya. "Sino?"
"Lalaki. Hindi ko kilala ang walanghiyang iyon."
"Ano ang sinabi niya?"
"Kung hindi raw ako sasama sa kanya, papatayin niya kayo ni Lemuel." Matindi ang kalabog ng dibdib niya. "Hindi ko pinagtaksilan si Renar." Dinig na dinig pa niya ang tinig na iyon ni Endela.
"Hindi kaya si Romeo dela Vega iyon?"
Hindi kaagad siya nakatugon. Posible nga. Galit ito sa kapatid niya. 'Ginago' raw ito ni Endela.
"Pero imposible..." Para kay Renar, imposible nga
¡yon. Ang alam nito, kasama ngayon ni Endela ang lalaki sa France.
Ipit siya sa ipinangako sa kapatid. "Paano kung si
Romeo nga iyon?"
"Hinahamon ako ng walanghiyang iyon," matigas
na sabi ni Renar. "Huwag siyang magkamaling saling
man lang ang dulo ng daliri ninyo ni Lemuel at dudurugin ko siya sa aking mga kamay."
"Huwag mo na lang pansinin. Pasasaan ba't titigil din ang walanghiyang iyon." Pero kailangang malaman. ni Renar na kailanman ay hindi ito nilokong kapatid mya.
Isa yon sa kanyang mga misyon, ngayon pang nalaman niya ang totoo mula sa kapatid. Kung ano man ang nais palabasin nina Claire, Marie at Liza, she was ready to prove them wrong.
Pinagkakaisahan ng mga ito ang kapatid niya!
"WALA hong sinabi si Sir Renar, Ma'am," tugon ni Nilo nang malaman nitong aalis sila. "Pagagalitan ho ako niyon."
"Wala kang binanggit sa kanya?"
"Wala ho."
Para makaalis na sila, tinawagan niya si Renar. Ang ginawa niyang dahilan, siya ang pupunta sa palenge.
Nagtaka naman ito gayong gawain iyon ni Aling Tanya.
"May ginagawa siya," aniya.
"Sige, isama mo ang isang guwardiya." Umalis sila. Bumalik sila sa Alabang. Pero bago iyon, dumaan sila sa isang groserya. Ibinili niya ng mga pasalubong ang kapatid. Pag-uwi na sila mamamalengke.
HINDI nagustuhan ni Endela ang pagdalaw niyang iyon.
Subalit makaraan lang ang ilang sandali, nakangiti na ito.
Napaluha pa nga sa presensiya niya.
"You're making it hard for me, sis," nasabi nito.
"Pinalulungkot mo lamang akong lalo. And you're even torturing yourself seeing me this way... dying."
Dinama niya ang walang-kulay nitong pingi.
"Gagawin ko ang lahat, mapaligaya ka lang sa huling sandali ng buhay mo. Kung puwede ko lang ba sanang
¡sama rito si Lemuel-"
"Huwag mo na akong pahirapan pa, sis. Huwag na nating bigyan ng pag-iisipan ang bata." Naunawaan niya.
"Kumusta naman ang pagsasama ninyo ni Renar?
Hindi ba siya nagdududa sa iyo? Kumbinsido ba talaga siya sa pagpalit natin ng puwesto?"
Tango ang itinugon niya.
"Puwede mo siyang mahalin, 'di ba?"
"Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo siya nagawang mahalin. Responsable naman si Renar.
Mabait. Wala nga akong maipipintas sa kanya."
"Pinangunahan ng galit ang puso ko. Kaya siguro hindi ko siya magawang mahalin. Kung wala lang siguro akong galit sa dibdib, posibleng minahal ko rin siya."
"Ni katiting?"
"Siguro, mayroon. You see, hindi ko siya magawang lokohin. There were temptations, pero hindi ako nagpatalo. Iniisip ko sila ni Lemuel. Ang kalalabasan
"pag ginawa ko iyon."
Hindi man aminin nang harap-harapan ng kapatid, minahal din nito si Renar. Indiksayon ang pagkumbinsi sa kanya na ipagpatuloy ang papel nito sa buhay ng iwang mag-ama.
Hindi bato si Endela.

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu