Chapter 12

1K 16 0
                                    

CHAPTER TWELVE

PAPADILIM na nang makauwi sila sa kanilang bahay.
Binuhat ni Renar ang nakatulog na si Lemuel tungo sa silid nito. Susunod na sana siya nang makita si Nilo na palapit.
"Dumating dito kahapon si Aling Trecia." Kinabahan siya. "Bakit daw?" Alam niyang may kinalaman iyon sa kanyang kapatid. "Ano raw ang kailangan niya, Nilo?"
Sobre ang hawak nito. "Ipinabibigay niya sa inyo.
Isinulat na lang niya ang kanyang habilin nang malamang out of town kayo."
Selyado iyon. Pagkatalikod ng guwardiya, inilabas
niya ang sulat at binasa iyon. Nanikip ang kanyang dibdib.
Pumatak ang kanyang luha. Patay na si Endela. Kahapon ng tanghali.
"Bakit ka umiiyak?"
Napatingin siya kay Renar. Hindi niya napansin ang pagbaba nito. Lalong bumalong ang luha niya. Dapat pa ba niyang ilihim sa lalaki ang katotohanan? "S-She's dead...
"Dead? Sino?"
"Your wife." Ipinasa niya sa lalaki ang sulat. "Wala akong panahong magpaliwanag sa iyo ngayon, Renar.
Pupunta ako sa Alabang ngayon din." Subalit hindi siya Pinagbuksan ni Nilo ng gate. Walang pahintulot mula kay Renar. Nakipagtalo na siya sa guwardiya, pinagalitan ito. "Buksan n' yo ang gate!"
Napatingin siya kay Renar. Wala siyang mabasa sa mukha ng lalaki. Tumalima naman ang kasama ni Nilo at binuksan ang gate.
ALAM na niyang puntahang mag-isa ang pakay na lugar. Inaasahan pa naman niyang sasama si Renar. Mas mabuti sigurong itinikom na lamang niya ang bibig. Sama ng loob lang tuloy ang inabot niya.
Patakbo niyang tinungo ang bahay. Subalit wala siyang naabutan doon. Nakasara ang bahay at madilim.
"Saan ho ibinurol 'yung patay nina Aling Trecia?"
tanong niya sa babaing nakasalubong.
Kinumpirma sa kanya ng kausap kung saan nakaburol ang kapatid. Hindi naman siya nahirapang matunton ang punerarya.
Hinila siya ng mga paa papunta sa kabaong. Papasok pa lamang, pumatak na ang luha niya. Lalo na nang makita ang hapis na mukha ng kapatid.
May humawak sa kanyang braso, pinapayapa siya.
Si Aling Trecia. Niyakap niya ang ginang.
"Ipagpaumanhin mo, hindi ko sinunod ang gusto niyang ipalibing siya kaagad. Talagang hinintay kita.
Bukas ang kanyang libing. Sabi ni Nilo, babalik kayo ngayon. Kaya alam kong matatanggap mo ang sulat ko." Ummyak siyang tumango. "Kadarating lang ho namin 2almg Zambales. Nang mabasa ko ang sulat, napasugod Leapad ako tito. Sabi ko sa kanya, hintayin ako." "Sa huling sandali ng buhay niya, bukambibig niya kayo. Si Sir Renar, ikaw at si Lemuel."
Napagibik siya. Damang-dama niya ang matinding paghihirap ng kapatid. Marami itong isinakripisyo. Dapat ay narito ngayon si Renar para mabago nito ang paniniwala ukol sa namatay.
"Nakahanda na ang lahat. Mula rito, deretso na bukas sa sementeryo."
"Salamat ho sa kabutihan ninyo, Aling Trecia.
Napakabuti ninyo. Hinding-hindi ko ho makakalimutan itong pag-alaga ninyo sa kanya." Ito ang makapagpapatunay kung gaano kabuting babae si Endela. Kilalang-kilala nito ang kanyang kakambal.
"Hindi kaya magtaka si Sir Renar-"
"Sinabi ko ho sa kanya ang totoo nang umalis ako.
Matagal na ho niyang alam na hindi ako ang tunay niyang asawa. At masama ho ang pagkakilala niya kay Endela."
"Napasamang paano?"
"Akala ho niya, isang laro ang pagpalit namin ng puwesto ni Endela. Na sumama ang kapatid ko sa ibang lalaki at doon na maninirahan sa France."
"Hindi masamang babae si Ma'am Endela."
"Alam ko ho. Pero nakahanda ho akong baguhin ang paniniwala niyang yon sa kapatid ko."
"Tanggap ka niya bilang asawa?"
"Dahil ang talagang plano ni Renar, ipamukha kay Endela ang laro namin. Na wala na siyang babalikan.
Na para kay Renar, ako ang tunay na asawa. At kung cakali mang siya y bumalik, isa na siyang impostor."
Napailng-iling na lamang si Aling Trecia, "Anong oras ho ang libing?"
"Ala-una."
Hindi siya umuwi. Doon siya naglagi sa punerarya.
Nabigo siya sa inaasahang susulpot doon si Renar.
ALAS-SINGKO ng madaling-araw siya umuwi at nangako kay Aling Trecia na babalik kaagad. Magbibihis lamang siya. Gising na ang mga katulong. Sa kanilang silid siya nagtuloy.
Napasukan niyang tulog pa si Renar. Tinitigan niya
"Ano ba?!"
"Walang naging kasalanan sa iyo si Endela! Hindi ka niya pinagtaksilan kailanman! Hindi man niya sinabi nang harap-harapang mahal ka niya, siguro naman, kahit papa'no ay naipadama niya sa iyong mahalaga ka sa kanya!"
"Niloko ninyo ako."
"Dahil kayo ang iniisip niya! Pumayag akong makipagpalit ng puwesto dahil sa kalagayan niya. Akala ko rin noon, noong hindi ko pa talaga alam na may sakit siya, kapwa niya tayo niloko!"
Hindi umimik si Renar.
"Sa huling sandaling buhay niya, wala siyang naging bukambibig kundi kayo ni Lemuel, Renar. Habang sinasabi sa akin ni Aling Trecia iyon, pinipiga ang puso ko." Umiryak na naman siya. Kagabi pa siya umiiyak, pero walang ampat ang kanyang luha.
Pumasok siya sa banyo. Kahit walang tulog, naligo siya. Paglabas niya mula sa banyo, wala na si Renar.
Tahimik siyang nagbihis at lumipat sa kuwarto ni Lemuel. Natutulog pa ang bata. Hinalikan niya ito sa noo. Kasunod niyon ang muling pagpatak ng kanyang luha.
Nababaan niya si Renar sa sala. "Ala-una ang kanyang libing." Sinabi niya kung saang sementeryo at kung saang punerarya naroon ang kapatid. "Baka gusto mong makipaglibing...
SI ALING Trecia ang nadatnan niya sa punerarya. Ang akala nito ay mamaya pa siya babalik.
"Sana natulog ka muna."
"Kaya ko ho ito. Kahit papaano, nakaidlip ako kagabi. Sige na ho, Aling Trecia, pumunta ho kayo sa simbahan."
Naiwan siyang mag-isa sa punerarya. Wala siyang ginawa kundi ang pagmasdan ang walang-buhay na kapatid. Mababanaag sa mukha nito ang lungkot.
Napatingin siya sa obituary. Si Cinela de Cabron ang patay. Hindi si Endela Ledesma. Kagat niya ang labing napailing. Kapwa nila pinanindigan ang pagpalit ng katauhan.
May mga dumating na nakiramay. Inasikaso nya ang mga ito. Pagbalik ng ginang ay may positibo na itong tugon.
"Darating ang pari bandang alas-onse."
Aasikasuhin sana niya ang babayaran nila, pero gayon na lamang ang gulat niya nang malamang binayaran na ni Aling Trecia ang lahat. "May iniwang pera si Ma'am Endela." Hindi na siya nakipagtalo. Pagdating ng pari ay kaagad itong nagmisa. Bagsak naman ang mga balikat niya. Hindi dumating ang kanyang hinihintay.
Inihatid nila sa huling hantungan ang kapatid. Sa huling sulyap dito ay napahagulgol siya. Nakaagapay naman sa kanya si Aling Trecia, na kagaya niya, hilam din sa luha ang mga mata.
lyon na ang huling sandaling makikita niya ang kapatid. Masama ang kanyang loob dahil hindi man lang nagpakita si Renar bilang huling respeto kay Endela.
"Sir Renar?"
Kinabahan siya nang marinig ang tinurang iyon ni
Aling Trecia. Nag-angat siya ng mukha. Naroon nga si Renar. Naka-Rayban ito, nakatingin sa walang-buhay na asawa.
"Mommy..."
Hindi pala nag-iisa si Renar. Kasama nitong dumating si Lemuel. Kahit malaki na ito, binuhat niya ang bata para makita nito ang nasa kabaong.
"Sabi ni Daddy, si Tita Cinela daw iyan." Hindi na nito mamukhaan ang patay, hindi na mapapansin ang pagkakahawig nila ng kapatid.
Napatingin siya kay Renar. Pinakatitigan nito ang walang-buhay na katawan ng asawa. lindi niya makita ang mga mata nito. Itinatago ng Rayban ang damdamin ng lalaki.
*Ang Tita Cinela mo nga. Mahal na mahal ka niya.
Kagaya ng pagmamahal ko sa iyo. Sayang at hindi mo sya makita noong nabubuhay pa siya." Mismong si Renar ang nagtakip ng kabaong. Hudyat iyon na ilalagay na sa huling hantungan ang patay. Kahit papano, dumating ang kanyang inaasahan. Isinama pa si Lemuel.
"SALAMAT sa pag-alaga ninyo sa kanya, Aling Trecia.
Pero nagtatampo ako sa inyo. Inilihim ninyo sa akin ang lahat."
"Paumanhin ho, Sir, iyon ho ang kagustuhan ni Ma'am. Pinagsabihan nga niya ako noong puntahan ko sa inyo si Ma'am Endela." Sinasanay nito ang sarili na tawagin siyang 'Ma'am Endela.' Dagdagan pang katabi niya si Lemuel.
Kung tutuusin, siya ang inilibing. Hindi si Endela.
"Isinama na niya sa hukay ang lahat ng gusto kong malaman," naisatinig ni Renar.
"Huwag ho ninyong pagdudahan ang katapatan sa inyo ni Ma'am. Minsan man ay hindi niya kayo pinagtaksilan. Nagawa nilang magkapatid iyon dahil sa pagmamahal niya sa inyo ni Lemuel."
"Paano ko ho kayo mapasasalamatan?"
"Wala iyon. Para ko na siyang anak. Ako ang unang nakaalam ng sakit niya. Inilihim niya yon sa inyo dahil ayaw niyang mag-alala pa kayo. Dahil may taning na nga ang kanyang buhay."
"Natulungan ko sana siya."
"Wala man kayo sa kanyang tabi nang malagutan siya ng hininga, naging maligaya naman siya sa huling sandal. Alam niyang hindi kayo pababayaan ni Ma'am Endela."

Pinasalamatan nila ni Renar ang mga nakipaglibing.
May kinuhang bag si Aling Trecia sa nirentahang
Jeep, ibinigay iyon sa kanya. Mga gamit dawng namatay.
Naroon ang ilang pirasong damit ng kapatid, isang cellphone, at mga litrato nila noong mga bata pa sila.
Humagulgol na naman siya.
"PATAWAD kung pinagdudahan ko man siya." Naroon silang dalawa sa kuwarto. "Hindi lang talaga ako makapaniwala. Masakit din sa akin ang pagkawala niya.
"Wala ka namang dapat na ihingi sa akin ng tawad,
e. Ayokong husgahan ka, Renar. Namatay siyang malinis ang dangal at may dignidad. Na maganda ang kanyang intension."
"Kahanga-hanga siya."
"Ganoon niya kayo kamahal." Napatingin sila sa pintuan nang may kumatok. Si Renar ang nagbukas ng pinto.
Si Aling Tanya, humahangos, masamang balita ang dala. "Ang Papa n'yo, nasa telepono, Sir. Ibinalitang naaksidente si Ma'am Claire. Gusto niya kayong makausap!"
Nababahalang sumunod siya sa lalaki. Si Claire, patay na?
Pagkababa ni Renar ng telepono, ibinalita nitong patay na nga si Claire. Kasama nito sa kotse ang lalaking makita ng mag-amang James at Renato na kinatagpo kagabing babae sa isang hotel sa Subic.
"D-Diyos ko.
*Tumawag kagabi si Papa, Sinundan nila ni James si Claire. May kinatagpo itong lalaki, isang negosyante sa Subic. Hindi umuwi kagabi. Naaksidente sila kanina.
Parehong hindi nakaligtas. Maghanda ka. Bibiyahe tayo sa amin."
"May pasok si Lemuel," naisatinig niya. "At hindi natin siya puwedeng iwan dito. Nagbanta si Romeo." Ang lalaki na lamang ang nakikita niyang problema.
"Sa pagkakaalam ko, sinundan ni Romeo ang asawa sa Cebu. Ayon sa aking informer, nagkabalikan na ang dalawa. Nagising sa katotohanan nang pinatikim ko ng uppercut."
Kalilibing pa lang ng kanyang kakambal at lalamayan si Claire, pero hindi niya napigilan ang mapangiti. Ahh, ang luwag ng kanyang dibdib. Ang gaan ng kanyang pakiramdam! "Informer?"
"Tsang detective. Nang pumunta tayo sa Politixx para makipagkita kina Romeo at Marie, meron tayong backup. From thereon, sinundan na ng detective si Romeo, binantayan ang kilos nito."
"Oh...
"
"At kahapon, lumipad ito patungong Cebu. Sinundan pa rin niya. Ayun, nagkabalikan na ang mag-asawa.
Indikasyon iyon na wala na tayong problema."
Kumbinsido na siya. Isa pa, hindi pababayaan ng bantay nito si Lemuel. Panatag na ang loob niya. Wala nang panganib. Nasa ayos na ang lahat.
MALIGAYA ka ba sa setup natin?" Lulan na sila ng totse Ipinaalam nila kay Lemuel na patay na ang Tita Clarre nito, at babalikan ito sa araw ng libing ng tiyahin. "Masaya ako sa pag-aalaga sa inyo ni Lemuel."
"No revulsion for being a replacement in our life?
Kung labag sa loob mo, at kung hindi ka maligaya, you can have your own family. With your choice of husband and your own kids."
Revulsion? Hindi niya naramdaman iyon. "No way.
Hinding-hindi ko kayo ipagpapalit ni Lemuel. Hindi ka mahirap mahalin, Renar. And I love my nephew.-"
"Our son."
Ang saya-saya niya. "Yes, our son."
"At hindi ka rin naman mahirap mahalin, e. Hindi ko sinasabi ito dahil kakambal ka ni Endela. Na magkamukha kayo. May kani-kanya kayong traits. May sariling identity."
"Mahal mo rin ako?"
"Hindi ba obvious?" Itinabi ni Renar ang sasakyan.
Ginagap nito ang mga palad ng asawa. "T love you. Cinela or Endela. You are my wife. Hinding-hindi kita hahayaang iwan kami ni Lemuel."
Ngayon lang siya lumigaya nang ganito. Hindi niya maisalarawan. Iba ang nararamdaman niyang kaligayahan. "Wala akong plano. Liban sa mahal kita, meron pa akong isang rason."
"Ano?" Biglang na-curious ang lalaki.
"Dahil magkakaroon na ng kapatid si Lemuel."
Namilog ang mga mata ni Renar sa narinig. Kasunod nivon, niyakap siva. At pinupog ng halik sa mukha. Hindi ma pinta ang mukha nito sa kagalakan. "Are you sure?" Dula wang buwan na akong hindi dinadatan. Hindi fa dko nagpapatingin sa doktor, pero malakas ang kutob ko na buntis ako." Naging aware siya roon noong malaman niyang buntis si Claire. Sumagi noon sa kanyang isip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan ng kanyang monthly period.
Ano pa ba ang ibig sabihin niyon?
"Pero masanay ka nang ako si Endela. Tandaan mo. patay na si Cinela. Hindi ko sinasabing kalimutan natin siya. Maganda naman ang intension niya at may ibinunga."
"I love you... I love you." Muling pinupog ng halik ni Renar ang asawa at niyakap nang mahigpit. Wala silang dapat na ipangamba. Sa mata ng lahat, si Cinela ang patay.
"I love you, too." Kung tungkol naman sa kanilang hhim, illibing iyon ni Aling Trecia. Mapagkakatiwalaan nila ang butihing ginang. "Mamahalin kita habang nabubuhay ako, paglilingkuran at paliligayahin sa abot ng aking makakaya."

                              WAKAS

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now