Chapter 11

542 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

PAGKAALMUSAL, bumiyahe na silang mag-anak tungong Zambales.
Napansin ni Cinela na hindi siya kinikibo ni Renar.
Ang huling pag-uusap nila ay kagabi nang pauwi sila. At sa kauna-unahang pagkakataon, tinalikuran siya nito sa pagtulog.
Nagdamdam man, pilit niyang inunawa ang asawa. Alam niyang naguguluhan ito. Hir.di nito inasahang mali ang paniniwalang nagkabalikan sina Endela at Romeo.
NAGTATANGHALIAN na sila nang dumating sina James at Sam. Nakahinga nang maluwag si Cinela dahil hindi kasama si Claire. Sabagay, wala naman siyang dapat na ikatakot. Kumbaga, siya itong pilit na binibiktima.
"Bakit hindi ninyo kasama si Claire?" tanong ni
Dolores sa bunsong anak.
"Maskit ho ang ulo niya, 'Ma. Pero pipilitin daw niyang sumunod. Palalampasin ba niyang hindi makita si Kuya Renar?"
Kinabahan si Cinela. Napatigil naman si Renar sa pagsubo.
"James?" Napakunot-noo naman ang padre-de-pamilya ng mga Ledesma. "Ano ba iyang sinasabi mo? Hindi magandang pakinggan. Lalo pa't kaharap ang inyong mga anak."
"Sinasabi ko lang ang totoo, 'Pa. Hindi naman lihim ang nakaraan nina Kuya at Claire. Hanggang ngayon, mahal pa rin siya ng asawa ko."
"Puwede ba, huwag natin" yang pag-usapan sa harap ng grasya? Kung may problema, mamaya na natin pag-usapan," apela ng ginang.
Tinapos na ni James ang pagkain at iniwan sila sa komedor. Sinundan naman ito ni Renar. Minabuti na rin ng amang sundan ang mga anak.
"Pagpasensiyahan mo na, Endela. Sa totoo lang namomoroblema si James kay Claire
''Ma, huwag ho sa harap ng mga bata," pakiusap niya. Tapos ay nginitian niya sina Sam at Lemuel. "Sige na, kumain na kayo. Pupunta tayo sa beach pagkatapos nating kumain."
"Ma'am, pinatatawag ho kayo ni Sir Renar."
Pumasok doon ang katulong.
Tumayo na siya. "Kumain kayong mabuti, ha?" habilin niya sa mga bata. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha ng ginang:
Sumunod siya sa katulong. Nasa sala ang tatlo.
Nakita niyang nakakuyom ang mga kamao ni Renar, galit, samantalang tila nagtitimpi naman si James. Naupo siya sa tabi ng asawa.
"Totoo bang hinanap ni Claire si Romeo," tanong ni
James sa kanya. "At pinagtagpo ang inyong mga landas?"
"Totoo." At nagkuwento siya. Pinagtagpi-tagpi niya ang katotohanan sa abot ng kanyang makakaya. Tahimik naman si Renar, maging ang ulo ng mga Ledesma.
"Hindi naman lihim na wala kang pagtingin kay Kuya Renar. Kaya hindi ako naniniwalang wala kang kinalaman sa lahat ng ito, Endela." Nahigit niya ang paghinga.
"Don't talk to my wife that way, James," babala ni Renar sa kapatid. "Ang asawa mo ang dapat mong pagsabihan!"
"Tama ka, James. Hindi ko nga mahal ang Kuya Renar mo. Pero noon iyon. Nagbabago ang lahat. Pero wala akong kinalaman sa mga plinano ni Claire. At sa pagsasama namin ng Kuya Renar mo, minsan man ay hindi ako nagtaksil sa kanya."
"Let's stop this nonsense." Nagsalita na si Renar.
"Bantayan mong mabuti ang iyong asawa, James. Ako ang bahala sa asawa ko. Hinding-hindi ko siya hahayaang wasakin ang pamilya ko."
"Sige, magkaliwanagan na tayo, Kuya Renar. Gusto ko lang malaman ang totoo. Sana maging prangka ka."
"Stop it, James!"
"No, 'Pa. Mabuti na ang magkaliwanagan kami ngayon. Anak mo ba si Sam?" Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si James. Prinangka na nito ang nakatatandang kapatid.
"What?"
"Hindi ako pupuwedeng magkaanak."
"Are you serious?"
Tanging silang mag-asawa lamang ang nagulat sa isiniwalat na lyon ni James. Naningkit ang mga mata ni Renar sa narinig. Napatanga naman si Cinela.
"Hindi alam ni Claire ang kapansanan kong ito."
Bagsak na ang mga balikat ni James. "Gusto ko lang malaman ang totoo. Ikaw ba ang ama ni Sam?"
Napatingin si Cinela sa entrada ng komedor, nakahinga nang maluwag nang mapagkurong inabala roon ng biyenan ang mga bata.
"Ganoon ba kababaw ang pagtingin mo sa akin,
James?"
"Yes or no."
"Masasabi mo bang relasyon ang nakaraan namin ni Claire? Kung noong dalaga siya, hindi ko pinatulan, lalo pa kaya ngayong asawa mo na siya? Napakasama ko namang kapatid."
Abut-abot ang pag-iling ni James. "Malapit ka kay
Sam."
"Kapatid ko ang ama niya, dammit! Ano ang gusto mong gawin ko, hindi ko siya tratuhing pamangkin? Be rational, James, ikondisyon mo iyang utak mo."
"Kinondisyon ko na nga, kaya nagpasya akong makipaghiwalay na sa kanya. Hindi ko na makakaya pa ang lahat ng ito. Pinagtataksilan niya ako."
"Tho, huwag kang pabigla-bigla."
"Suko na ako, 'Pa. Dagdagan pang buntis na naman siya ngayon!" Halos puputok na sa hinanakit ang dibdib ni James.
"Serypso ka ba?" Nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki. Itinuon nito ang atension sa panganay na anak. "Hindi ikaw ang ama ni Sam, iho?"
"Pati ba naman kayo?" Naniniwala si Cinela na nagsasabi ng totoo si Renar.
Subalit sino ang ama ni Sam? Malaking katanungan 1yon sa kanila. Pinagtataksilan ni Claire ang asawa.
"Sigurado kang nagdadalang-tao siya?"
"Six weeks."
Six weeks? Halos tumagal ng isang buwan sa kanila ang mag-inang Claire at Sam. Ibig sabihin, sa Maynila nabuo ang ipinagbubuntis ngayon ng bilas niya.
"Makikipaghiwalay ako sa kanya, pero hindi ko ibibigay si Sam. Inari ko na siyang tunay na anak. Pero itong pangalawa, itatanggi ko."
Nag-isip ang matandang lalaki, hinahanapan ng solusyon ang problema ng bunsong anak. At makaraan ang ilang sandali, may naging desisyon na ito. "Pero, papayag naman kaya si Claire?"
"Walang dudang ikakatuwa pa niya iyon, 'Pa. Mabuti na rin ang ganito, walang gugulo sa aking isipan. Ikaw na ang bahalang magpaumanhin sa akin, Kuya."
"Kailanman ay hindi kita kayang saktan. Alam mo iyan. Hindi ba at tayong dalawa ang magkakampi? Kung ano man ang magiging desisyon mo, nasa likuran mo lang kami. Ayaw naming masira ang pamilya mo. Kung sa tingin mo ay mas makabubuti ang naging pasiya mong iyan, go ahead. Maling-mali si Claire sa iyo."
Marahang tumango si James.
"Mas mabuting hulihin siya sa akto para may matibay kang ebidensiya laban sa kanya, iho," anang matandang lalaki. "Nang sa gayon, wala siyang magging habol sa paghihiwalay ninyo."
Tahimik lamang si Cinela. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Wala nang problema sa magkapatid. Hindi niya maisip na magsusuntukan ang dalawa dahil kay Claire.
"Taw na rin ang magpatawad sa akin, Endela," Ngumiti siya. "Wala iyon, James. Pero gusto ko lang malaman mong mahal ko ang iyong Kuya Renar..."
ALAS-SINGKO kinahapunan nang dumating si Claire.
Kaaalis lang ng tatlong lalaki, sumaglit sa Subic. Umasim ang mukha nito nang makita siya. Ngunit pinatunguhan pa rin niya ito.
"Balita ko, nagkausap na kayo ni Romeo."
"Katunayan nga, binuntal pa siya ni Renar. Buko ka na, Claire. Lubayan mo na kami, lalung-lalo na si Renar.
Hindi niya kami ipagpapalit sa ibang babae, lalo na ikaw."
"Tingnan natin."
"Naaawa ako sa iyo. By the way, congratulations.
Sa pagkakaalam ko, you're six weeks pregnant."
"Hindi ko man siya maaagaw ngayon sa iyo, darating ang panahong kaming dalawa ay magkakatuluyan. Kaya
¡handa mo na ang yong sarili sa paghihi walay ninyo." Nakita niyang palapit sa kanila ang mga anak. At natuon ang kanyang atension kay Sam. Nakaramdam siya ng awa sa bata. Sino ang ama nito? "Pumasok na kayo sa loob. May pag-uusapan pa kaming Tita Claire mo," baling niya kay Lemuel.
Tumalima naman ang mga bata.
"Hindi nagtagumpay ang plano ko. Pero hindi ibig sabihin niyon ay sumusuko na ako. Babawiin ko sa iyo si Renar."

"Paano mo magagawa yon gayong asawa mo si
James?"
Isang masarap na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Claire. "Lahat ng problema ay may kasagutan. May solusyon. Walang imposible sa panahong ito, Endela." Hibang na ang kausap. Dapat dito ay ipasok na sa Mental. Desperada ito sa pagmamahal ni Renar, pero nagawa pa nitong makipagtagpo sa ibang lalaki. "Sumpain ka, Claire."
"Ikaw ang sumpain. Kung hindi dahil sa iyo, kami sana ang nagkatuluyan ni Renar. Hindi sana ako napunta sa hibang niyang kapatid."
"Ikaw ang hibang," umiiling niyang pahayag.
Kailangan ba niyang makipagtalo sa babae? "Ang masaya pa nito, natutunan ko nang mahalin ang asawa ko."
"That won't stop me."
Tinalikuran niya ang babae. Wala siyang mahihita sa pakikipag-usap dito. Ngayon ay hindi lang si Romeo ang dapat niyang pag-ingatan, maging si Claire. Kung hindi siya nagkakamali, magsasanib pa ng puwersa ang dalawa!

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz