Chapter 5

617 7 0
                                    

CHAPTER FIVE

"AYAW mo parin bang amining hindi ikaw si Endela Nasa isang restaurant sila. Pinakatitigan stya ni
Renar habang hinihintay nila ang kanilang in-order.
"Bakit gusto mong paniwalaang isa akong impostor, Renar?" Nakipagtitigan siya sa lalaki. Aaminin niyang ito ang pinakaguwapong lalaking nakita niya. Mas guwapo pa sa mga Pranses na naging nobyo niya noon.
"Dahil iyon ang totoo." Kararating lang nito nang yayain siyang mag-dinner sa labas.
Natuwa naman siya sa imbitasyon ng lalaking itinuring na niyang asawa. Subalit may motibo pala si Renar. Akala niya, sa paglipas ng mga araw ay kinalimutan na nito ang tungkol doon. Mahigit ding isang buwang hindi nito nabanggit ang gayong bagay.
"Frankly speaking, Cinela, kakaibang sigla ang dinala mo sa aming tahanan. Hindi lang kay Lemuel, kundi pati na rin sa akin. Kaya gusto kitang pasalamatan."
Naalarma siya. Lumalabas bang nais nitong putulin ang samahan nila? Na gusto na nitong umalis na siya sa bahay? Ginagap nito ang palad niya. Kung tutuusin, normal na lamang iyon, pero bumilis ang tahip ng dibdib nya.
"Ayokong sabihing mahal kita, dahil mahal ko talaga ang babaing ipinaglalaban mo. Gusto ko lang iparating sa iyo how you've made us happy. Kung paano mo ginagampanan ang papel bilang asawa ko at ina ni Lemuel na pinagkait sa amin ni Endela."
Pinalalabas nitong napakasamang babae ng kakambal niya. Subalit paano niya kokontrahin si Renar kung nagsasabi lamang ito ng totoo?
"Hindi lang si Lemuel ang nakapuna ng malaki mong ipinagbago. Alam mo bang pati si Aling Tanya at ang dalawa pa niyang kasamahan ay nagsasabing ang laki ng ipinagbago mo?"
Nahigit niya ang paghinga. Gusto niyang sabihin na ang totoo. Subalit natatakot siya. Ayaw niyang lagpasan ang papel ng kapatid sa buhay ng mag-ama. Ayaw niyang tuluyang burahin si Endela sa puso't isipan ng mag-ama!
Subalit, ang pagkamuhi ay naroon pa rin sa tinig ng lalaki para sa kapatid.
Nasaan na ngayon si Endela?
No! Ako si Endela! Paninindigan ko ang pagiging siya! Ipaglalaban ko ang pagiging si Endela!
"Alam mo bang ito ang unang pagkakataong nag-dinner kami ni Endela? Ayaw niyang makita kami in public. Ikinahihiya niya ako."
Stop it Renar! You're making it hard for me.
Hinuhuli mo ako. Paano ko masasabing tama ang mga sinasabi md? Paano ko rin masasabing nais mo akong isahan?
Ngumiti na lamang ang lalaki. Para bang nauntindihan ang pananahimik niya. O tama sigurong sabihing nakikisimpatiya sa kanya si Renar.
"Now, tell me, sa pagkakaalam ko, hindi ka raw nagkaasawa." Nasa mesa na nila ang umuusok na pagkain. "Bakit naman? Huwag mong sabihing walang nakapansin sa kagandahan mong iyan?"
"Ang pagkakaalam ko, Renar Santos Ledesma ang pangalan ng aking asawa."
Hindi man lang natinag ang lalaki sa katotohanang lyon. "Alam mo ba kung bakit narito tayo ngayon?" Naalarma siya. Malayo pa ang kaarawan ni Renar.
Gayundin ang kanilang wedding anniversary. Nais talaga siya nitong maisahan. "Sa pagkakaalam ko, wala tayong ipinagdiriwang."
"Hindi pala substantial ang mga facts na pinatandaan sa iyo ni Endela. Today is June 20. Sige, kumbinsihin mo akong ikaw nga si Endela. 'Pag nahulaan mo kung anong okasyon meron ngayon, maniniwala na akong hindi ka impostor."
Gipit ang pakiramdam niya!
"Ito ang pinakamemorableng araw sa buhay natin... buhay ko pala. This day has meant nothing to you. Ako lang ang pumipilit sa yong isilebra natin."
Nahigit niya ang paghinga. "Kumain na tayo, Renar."
"It's our wedding anniversary."
"You must be kidding!" Subalit huli na nang mayroon siyang maisip. Kung ganoon, dalawang beses na ikanasal ang mag-asawa sa huwes at sa simbahan!
"Ito ang araw nang ipakasal kami ng yong ama sa huwes, Cinela. Wala siyang nagawa. Hindi niya kayang suwayin ang desisyon ng iyong ama."
Nahto siya.
"Hindi ako dapat na magalit kay Endela. Alam kong sinunod lamang niya ang tibok ng kanyang puso. Pero nasaktan ako sa katotohanang lumayo siya kasama ang lalaking iyon."
Ang lahat ng gusto niyang malaman ay nasa pag-ungat ni Renar. Bakit hindi nito sabihin sa kanya ang mga iyon? Ang mga sekretong gusto niyang malaman?
"Hindi niya ako mahal..
"
Paano niya kokontrahin iyon?
"Malaki ang pagkakautang ng iyong ama sa amin.
At ginawa niyang pambayad si Endela. Nanliligaw ako noon sa kanya. Mahal na mahal ko siya."
• Sa hindi sunud-sunod na pagkukuwento, napagtagni-tagni niya ang istorya. Pambayad-utang ang kanyang kakambal! At hindi nito kayang suwayin ang kanilang ama na si Juancho de Cabron.
"Kaya para sa kaalaman mo, walang pagmamahal sa akin si Endela. She was forced to marry me... against her will. At nagbaka-sakali akong mamahalin din niya ako."
Ano ang itutugon niya sa paglalahad na iyon ni Renar?
Hindi kaya paraan pa rin iyon para mabuko siya nito?
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ikaw nga si
Endela."
"Why are you doing this to me?"
*That should have been my line, Cinela. But it's the other way around. Bakit ka pumayag sa pakanang ito ng iyong kapatid? Bakit kailangang magpanggap kang siya? Bakit kailangang pang palabasing you're dying?"
"Happy anniversary..."
"Masasabi kong ito ang pinakamasayang pagdiriwang ng ating kasal sa huwes." Nangingiti si Renar. "Ibang-iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko' nga, mahal na mahal na ako ni Endela."
Nailang siya sa titig ng lalaki. Bakit parang nakokonsiyensiya siya? Iba ang dulot sa kanya ng titig na lyon ni Renar. Subalit lihim naman siyang nakaramdam ng kasiyahan.
"Huwag kang mag-alala, mamahalin ko pa rin siya...
Nanikip na talaga ang kanyang dibdib. Sa katotohanang naghihintay ang kanilang pagkain na mabigyan ng atension, tumayo siya at nagtungo sa powder room.
Mamahalin pa rin ni Renar si Endela sa pamamagitan niya!
KINABAHAN si Cinela nang paghiga niya sa kama ay niyakap siya ni Renar. Hindi ito nagsayang ng panahon.
Hinalikan siya sa labi, hindi pansin ang ginagawa niyang pagtulak dito. Kinubabawan na siya nito. "Renar...
"Wala kang karapatang tanggihan ako. Obligasyon mo iyon bilang asawa ko."
Wala nga siyang karapatang tanggihan ito sa gusto nitong mangyari. Subalit hindi naman siya tumatanggi.
Hindi lang niya nagustuhan ang paninibasib nito sa kanya ng halik. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ng lalaki. Sinasaktan. Inaasahan ang galit mula sa kanya.
Hindi sa napipilitan, kundi dikta ng damdamin na gantihan ang hakakaliyo nitong halik.
"Hanga rin naman ako sa iyo." Hinuhubaran na ni MES
55
Renar ng damit ang 'asawa.' "Matibay talaga ang pagpanggap mong ikaw si Endela. But who cares?" Who really cures? Napasinghap siya nang yumuko si Renar at angkinin ang kanyang dibdib. Nasabunutan niya ito. At hinila niya ang mukha ng lalaki hanggang sa magtapat ang kanilang mga labi.
Sa tanang buhay niya, ngayon lang bumangon ang naturang sensasyon sa kanya. Masyadong banyaga iyon sa kanya. Hindi nga niya akalaing matutupok siya sa nagbabagang romansa ni Renar.
"Hindi ako maniac, Cinela... pero sino naman ang makakatulog nang maayos 'pag ang katabi ay saksakan ng ganda?"
Mahigpit niyang niyakap si Renar. Mahirap din sa kanya ang makatabi ito sa kama. Liban sa mahirap bale-walain ang presensiya nito ay magkatabi pa sila sa pagtulog.
Kung todo-bigay siya noong unang may namagitan sa kanila, ngayon naman, mas hinigitan pa niya ang pagiging agresibo. Patawarin siya ni Endela, pero nahuhulog na ang loob niya kay Renar.
"Hindi ko alam kung malaking kasalanan ito," naisatinig ng lalaki nang muling magtagpo ang kanilang mga labi. "Subalit sa pagkakaalam ko, you're my wife."
"Happy anniversary," naisatinig niya nang humupa ang delubyong naroon sa kanyang katawan. Ang sarap ng pakiramdam niya. Parang idinuduyan siya sa walang-katapusang kaligayahan.
Alam niyang wala siyang dapat na pagsisihan sa pagpayag niyang tumayong asawa nito at ina ni Lemuel.

Kaya hindi niya dapat na guluhin ang isipan tungkol sa tunay na intension ni Endela. Kung totoo ngang wala itong sakit.
TIYEMPONG nasa sala si Cinela nang mag-ring ang telepono. Siya na ang sumagot niyon.
"Endela?"
Nakilala niya ang boses ni Marie. "Kumusta ang happenings niny nitong mga nakaraang araw? Pasensiya na kayo sa akin. Marami akong ginagawa rito sa bahay."
"Alam mo ba ang nangyari kagabi?"
"Bakit?"
"Dumating ang asawa ni Linsay. Mukhang planado ang pagsulpot ni Gregg. Kailan lang, tumawag na mag-e-extend ng isang linggong stay doon. Kamukat-mukat, biglang sumulpot. Nahuli sila sa aktong nakikipaglampungan sa kani-kanilang mga nobyo."
"Ano ang sumunod na nangyari?"
"Nabaril ni Gregg yung nobyo ni Linsay. Patay.
Malaking eskandalo ang nangyari. Buti na lang at wala tayo roon kagabi."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Kagaya ni Renar, nagdududa na rin pala kung ganoon ang asawa ni Linsay. At isinakamay nito ang batas.
"Kaya kung ako sa iyo, huwag ka munang magpapakita sa kanila. Mahirap na at baka madamay pa tayo. Aba, itanggi nating may kinalaman tayo."
"Kawawa naman si Linsay." Lumalabas tuloy na kani-kanya ng lakad ang magkakaibigan. Walang damayan. Kung sakaling sa panig iyon ni Endela nangyari, walang tutulong sa kapatid niya.
Kabababa lang nya ng telepono nang mag-ring iyon muli. Natulala siya nang marinig ang tinig ng tumata wag.
Hindi siya maaaring magkamali. "Endela..."
"It's Cinela."
Kinabahan siya. "Where are you?"
Natigilan ito nang muling magsalita. "Here.
Somewhere here in Marsailles. Estranghero ako sa lugar na ito, pero kahit papaano, nakakapag-adjust ako." Sa tinig ng kakambal, parang hirap na hirap ito.
Mahina ang boses. Garalgal pa nga iyon. At habol pa man din ang paghinga. Like she's in pain.
"Sino ang kasama mo?"
"Nag-iisa lang ako."
Nakiramdam siya. Pinakinggan ang background.
Masyadong tahimik. Mukha ngang nag-iisa ang kapatid.
Subalit nasaan si Romeo dela Vega?
"Kumusta sila? Ang aking anak, si Lemuel?"
"He's doing fine." Hindi niya kayang tanungin ang kapatid tungkol sa ibinibintang ni Renar. Maging ang tungkol kay Romeo dela Vega, ayaw niyang itanong.
"Pasensiya ka na kung napatawag ako. Wala lang kasing sand.ling hindi ko naiisip si Lemuel. Kung maririnig ko lang sana ang kanyang tinig."
"Nasa paaralan siya, mamaya pa ang dating." Hindi niya pagbabawalan ang kapatid na makausap nito ang anak. "Kung gusto mo, tumawag ka ulit mamaya. At kung hindi mo naman ikasasama, puwede kitang tawagan."

"Huwag na." Naroon ang pangungulila sa tinig ni Endela. "Mahalin mo ang aking anak. Huwag mo slyang pabayaan. Ikaw na ang bahalang gumiya sa kanya."
"He's a good kid." Siguradong gustong marinig lyon ng kausap. "Tuwang-tuwa siya nang makita ang binili mong mga computer CDs. You should have seen his happiness."
"Malaki ang pagkukulang ko sa kanya."
"Pinupunuan ko." Hindi ba nito itatanong si Renar?
"Kumusta ka na? Baka naman pinababayaan mo ang ryong sarili. Alam mo bang lagi kitang naiisip?"
"Tanggap ko na ang aking kapalaran. Huwag mo na akong intindihin. Ibigay mo na lang ang iyong atensiyon sa lyong pamilya. Asikasuhin mo silang mabuti. Lalo na ang inyong anak-"
Naalarma siya nang marinig ang sunud-sunod na pag-ubo ng kausap. Ang lalim niyon. Dagdagan pang dinig na dinig niya ang paghihirap sa pag-ubong iyon ng kapatid. "Are you all right, Endela?"
"It's Cinela. S-Sorry about that.."
"Umiinom ka ba ng gamot?"
"Huwag mo akong intindihin."
"Uminom ka kaya muna ng tubig?"
"Sige na, "bye."
"Wait-" Subalit putol na ang linya. Nasa Marsailles daw ngayon ito. Ang layo naman niyon sa Paris.
Probinsiya na iyon. Bakit doon ang napiling lugar ng kakambal?
Bago pa man naputol ang linya, dinig na dinig pa niya ang pag-ubo ng kapatid. Siya ang nahihirapan sa sitwasyon nito. May sakit nga si Endela!
Galit ba ito kay Renar? Ni hindi man lang nito itinanong sa kanya ang lalaki. Patunay bang hindi talaga nito mahal ang lalaking pinakasalan? Subalit nasaan na si Romeo dela Vega kung ganoon? Tatawag kayang muli ang kapatid?
Kahit papaano, lumuwag ang kanyang dibdib. Buhay pa ito. Ayaw niyang isiping iyon na ang huling pag-uusap nila. Malakas ang kanyang paniniwalang tatawag muli ang kapatid.
Hihintayin niya ang muling pagtawag nito.
PAGDATING ni Lemuel kinahapunan, niyakap niya ito.
Nagtataka man ang bata, makikita naman ang katuwaan sa mukha. Ipinaghanda niya ito ng meryenda.
"Mommy, malapit na ang inyong wedding anniversary ni Daddy. Dalawang linggo na lang. Darating ba sina Lolo't Lola? Marami ba tayong magiging bisita?"
Nakangiting tumango si Ciela.

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now