Chapter 10

524 6 0
                                    

CHAPTER TEN

"HALOS araw-araw kang umaalis, a. That's four days in a row. Huwag mong sabihing bukas ay may pupuntahan ka na naman?" Naroon silang dalawa ni
Renar sa veranda.
"Kasama ko naman si Nilo, e." Kanina, nagkuwento si Endela tungkol sa kanilang ama. Kung siya ay lumigaya sa piling ng ina, kabaligtaran naman ang nakalakihan nito. Tinatapatan ng ama ng pera ang pagkukulang nito sa kapatid niya. Kaya nga hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral, dahil walang positibong giya.
Puro barkada ang inatupag ni Endela, samantalang puro trabaho naman ang ama nila. At nagising na lang ito isang umaga na ginawang pambayad-utang sa mga Ledesma at nakasal kay Renar.
Sa kabila ng kasipagan ng ama, bumagsak pa rin ang negosyo nito hanggang sa mabaon sa utang. At nang walang maipambayad, napilitan itong ipakasal ang anak sa panganay ng mga Ledesma.
Tatlong buwan nang kasal ang dalawa nang mamatay si Juancho de Cabron. Atake sa puso. Muhing-muhi rito si Endela, Inamin din nitong galit ito sa kanila ng ina.
Dahil iniwan nila ito noon at hindi nila binalikan.
Nakikinig siyang may luha sa mga mata. Subalit sino nga ba ang dapat sisihin sa pagkawasak ng pamilya nila?

Palikero ang kanilang ama, at hindi na kayang magtiis pang ina mila.
Pag namatay ako, isang gabing lamay lang.
Ipalibing n'vo na kaagad ako. At ang lapida ko, Cinela de Cabron ang nakasulat."
Hindi magandang pakinggan ang mga habiling iyon ng kapatid. Pinipiga ang kanyang puso. Kailan ba ito naging masaya? Pakiramdam niya, lumaki itong puro paghihirap ng loob ang nasa dibdib.
"Sweetheart..." untag ni Renan.
"Bakit?"
"Ang layo ng isipan mo, a?"
"May naisip lang ako. May itinatanong ka?"
"Kung saan ka pupunta bukas."
"Siguro magsa-shopping. Matagal na ako rito, pero hindi pa ako nakabiling mga damit. Hindi naman sa wala na akong maisuot."
"Sa Sabado na lang tayo mag-shopping. For once, gawin nating family day ang Sabado. At kung gusto mo, pupunta tayo sa amin."
"No. Ganito na lang. Bukas ay magpapasama ako kay Nilo para mag-shopping, para Sabado ng umaga, bibiyahe tayo pa-Zambales."
"Sige nanga. Pero kahit na meron kang bodyguard, dobleng pag-iingat pa rin ang gawin mo, okay?"
"Yes, Sir."
SI CINELA naman ang nagkuwento sa kakambal tungkol sa kanilang ina. Kung paano ito inalala ng mommy nila. Na halos sa paglikwad ng panahon ay wala

itong pinangarap kundi ang makita ang anak.
"Subalit namatay siyang hindi man lang kami nagkitang muli." Ang lungkut-lungkot ng tinig ni Endela.
"Ang asawa ko, mahalin mo. Ang aking anak, palakihin mo sa pagmamahal. Sa iyo ko sila ipinagkakatiwala.
Alam kong magiging mabuting ina ka kay Lemuel at asawa kay Renar."
Hindi mapigil-pigil ang luha niya. Wala siyang dalaw na hindi siya umiiyak. Sa ikinikilos nito, indikasyon na anumang sandali, mawawala na ang kapatid.
"Ipinapangako ko...
"Salamat, sis."
"Ayaw mo ba talagang makita si Lemuel?" Maging dala niyang litrato nina Renar at Lemuel ay ayaw nitong tingnan. "Hindi naman natin sasabihin sa kanya ang totoo, e."
Mahinang iling ang tugon ni Endela.
MINABUTI niyang huwag nang mag-shopping at dumeretso sila ng uwi.
Kadarating lang nila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Marie. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang babae. Niyayaya siyang lumabas mamayang gabi.
"Meron akong sorpresa sa iyo."
"Ano?"
"Sopresa nga, kaya hindi ko puwedeng sabihin. Doon tayo sa Malate. Sa Politixx. Tigil na muna ang mahjong.
Ibang front naman para tuloy ang ligaya."
"Sorry, Marie. Hindi ako pupuwede."
«Sobra ka naman. Matagal kang nawala sa 106
PRECIOUS MEANTOMONANUES
sirkulasyon. Huwag mo ngang buruhin ang sarili mo riyan. Lipas na ang eskandalo. Kaya wala kang dapat na ikabahala."
"Sorry talaga."
"Masasayang ang sorpresa ko sa iyo."
"Ano ba iyon?"
"Your first lovesi Romeo dela Vega! Kawawa
'yung tao. Alam mo, marami akong itatanong sa iyo.
Una, paanong hindi kayo nagpangita sa France?" Good question! "Alam mo namang hindi ko kayang pagtaksilan ang aking asawa, Marie. Sa tuwing labas natin, mahjong lamang ako. Wala akong extra activities."
"Pero pumayag kang makipagtanan kay Romeo."
"Hindi ako pumayag."
"Hihintayin ka namin."
Wala siyang isinagot hanggang sa mawala sa linya si Marie. Pupunta ba siya? Ipapaalam ba niya kay Renar ang tungkol sa pagtawag ng babae? Pagdating ni Renar, sinabi niya iyon.
"Para malaman ko kung si Romeo dela Vega nga ang walanghiyang tumatawag dito at nananakot."
"Sige, pupunta tayo. Kung siya nga, magtatapatan kaming walanghiyang iyon." At napatingin ito sa kisame, may naisip.
Alam ni Cinela kung ano. Kung si Romeo dela Vega nga ang nanggugulo, malilinis niya ang pangalan ng kapatid kay Renar. Kukumbinsihin niyang mabuting asawa ang kakambal niya. Kung paano niya gagawin, hindi pa niya lubusang alam. Kung kailangang sabihin niya ang totoo, nakahanda siyang gawin. Mapatunayan lang hindi naging taksil si Endela.
PAGPASOK niya sa Politixx ay sinalubong agad siya ni Marie, hinila sa isang tagong mesa kung saan may naghihintay na isang lalaki.
"Akala ko ay hindi mo kami sisiputin," anang lalaki na ipinaghila siya ng silya. "Maupo ka, Endela. Buti naman at hindi mo kami naisipang indiyanin."
Kinabahan siya. Ito ang lalaki sa mall. Sa gilid ng mga mata, nakita niya si Renar na palapit sa gawi nila.
Hindi nakita ng mga ito ang kasama niya. Kaya nagulat si Marie nang makita ang lalaki. Maging si Romeo ay hindi kaagad nakaimik.
"Mr. dela Vega, dapat ba kitang kumustahin?"
Matapang na naupo si Renar sa bakanteng silya.
"Binabawi ko lamang sa iyo ang aking pag-aari, Mr.
Ledesma. Hindi ka niya mahal. Ginawa lamang siyang pambayad-utang sa iyo."
"Sino ang nagsabing pambayad-utang ako?" biglang tanong ni Cinela. Nagduda na siya. Sa pagkakatanda niya, hinanap ni Claire si Romeo. Tapos, pinagkaisahan ng mga ito ang kapatid niya. At walang dudang ang mastermind ay ang kanyang bilas.
"Masyado kang sigurado sa 'yong pananalita."
Umiling-iling si Renar. "Sa pagkakaintindi ko, wala akong pag-aari na pag-aari mo rin, Mr. Ledesma."
"Si Endela. She's mine.
Nahigit niya ang paghinga. Nakipagtitigan siya kay Romeo. Kampante ito. Makikita panga ang ngiti sa labi ng lalaki. Lihim naman siyang kinalabutan. "Really?" Napailing si Renar. "Pag-aari mo rin pala siya kung ganoon? Okay, let's settle this problem. Kung sasama siya sa iyo, she's yours. Ganoon kasimple."
Ngumiti si Romeo. "Hiwalay na kaming asawa ko, Endela. Ganyang hindi mo mahal ang iyong asawa, at mukhang handa siyang ipaubaya ka sa akin, magsama
na tayo."
Subalit malayo na ang narating ng isipan niya. Kung nagtagumpay ang mga ito sa plano, paano naman hihiwalayan ni Claire si James? Walang dudang hindi ito magpapahalata. Posibleng ipapatay nito ang asawa. At magpapalipas siguro ng ilang buwan bago isakatuparan
ang pagkuha ng atensiyon ni Renar.
"Sweetheart..." Napatingin siya sa asawa.
"Kinakausap ka ni Mr. dela Vega."
Muling humirit si Romeo. "Prangkahin mo na siya,
Endela. Tayo na ang magsasama. Hindi mo kailangang manatili sa piling niya, gayong hindi mo naman siya
mahal."
Una siyang napatingin kay Marie. Ahas ang tingin niya sa babae. Sabagay, sinabihan na siya ng kapatid tungkol sa mga ito. Masamang impluwensiya raw.
"Endela..." Hinihintay ni Romeo ang kanyang sagot.
Nangahas pa nga itong gagapin ang kanyang palad.
Awtomatiko naman niyang hinila ang kamay. Natigilan ito.
"Sorry, Romeo. Hindi ko kayang iwan ang pamilya ko. Isa pa, wala naman talaga akong ipinangako sa iyo.
Dalawang beses lang tayong nagkita. At lahat ng iyon,
friendly chat lang." Napatingin sa kanya si Renar.
"Wala tayong pinag-usapan tungkol sa pagpunta sa
France. Somebody set us up. Should I say, isa sa mga
¡yon ay si Marie."
"A-Ako nga ang namagitan sa plano ninyo."
"Sinabi mo sa akin iyon, pero hindi ako pumayag.
Wala akong ipinangako. Sorry, Marie. Hindi ko akalaing sinabi mo kay Romeo na pumayag ako." Alam niyang sumusugal siya kung tama ba ang kanyang mga sinasabi.
Subalit iyon ang idinidikta ng kanyang puso't isipan.
Pakiramdam niya ngayon, siya talaga si Endela.
Ni hindi nga alam ni Marie na may sakit ang kanyang kapatid. Kung susuring mabuti, hindi ito pinagkatiwalaan ng kakambal niya, pati ang iba pang mga kaibigan.
"Gusto ko lang malaman kung sino ang nasa likuran mo pa, Marie? Liwanagin na natin ang kaguluhang ito.
Tapusin na natin. Kung tutuusin, meron na akong ideya, pero gusto ko lang malaman mula sa bibig mo."
"Dahil sa iyo, hiniwalayan ko ang aking asawa!" nagngangalit ang bagang na sabad ni Romeo. "At kayo mismo ng bilas mo ang nagpahanap sa akin!"
Nakikinig lamang si Renar, hindi pa ganap na maintindihan ang takbo ng kanilang pinag-uusapan at pinagtatalunan.
"Ginamit mo si Claire para muling magtapat ang landas natin. Tapos, itatanggi mo ako ngayon sa harap ng asawa mo. Akala mo ba, basta na lang ako uupo sa Isang tabi?"
Noon kumilos si Renar. Hindi nito nagustuhan ang narinig. Isang suntok ang pinakawalan nito na tumama sa panga ni Romeo. Natumba ang lalaki kasunod ng silyang kinauupuan.
Tumili si Marie.
Awtomatiko namang pinigilan ni Cinela si Renar na akmang susugurin pang muli si Romeo. Ang lahat ng mga naroon ay sa kanila na ngayon nakatingin.
"Gawin mo ang gusto mo, pero pakatandaan mo ako ang tipong nakikipagsabayan, Mr. dela Vega! Huwag mo kaming takutin. Hindi lamang iyan ang aabutin mo sa akin!"
Hinawakan siya sa braso ni Renar at nilisan nila ang lugar na iyon. Hindi ito umimik hanggang sa lulan na sila ng sasakyan. Alam niyang naghihintay ng paliwanag ang lalaki kung paano niya nalaman ang mga sinabi.
"Hindi ka niya pinagtaksilan."
"Ayoko nang pag-usapan ang bagay na yan," halos pasigaw na turan ni Renar. Walang dudang galit ito.
"Kagaya nga ng nasabi ko, wala na siyang babalikan
ра.
Nais niyang sabihin na talagang hindi na babalik pa ang kanyang kapatid. Subalit minabuti niyang tumahimik.
Hindi iyon ang tamang sandali para pag-usapan nila ang bagay na iyon.

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now