Chapter 2

652 7 0
                                    

CHAPTER TWO

"DON'Ttell me na nakalimutan mo na ako?" Naroon ang katuwaan sa tinig ng babae. "Okay, does Romeo's name ring a bell?" Kumindat pa ito.
"Romeo?" Kinurot siya ng babae. Hindi niya ito kilala! Ano ba itong pinasukan niya? Mangilan-ngilan lamang sa mga naroon ang kilala niya.
'Yung first love mo..."
Nangunot ang kanyang noo. May alam ang kaharap na wala siyang kamalay-malay. At sino si Romeo sa buhay niya? Narito ba si Romeo? Napansin niya si Renar na nakatayo na pala sa kanyang tabi. Kaya pala humina ang tinig ng kaharap. Ayaw nitong marinig ng lalaki ang tungkol sa tinutukoy nitong first love niya.
"Kumusta ka na, Liza?"
"Mabuti naman, Renar."
"Kasama mo ba ang inaanak namin?"
'Liza' ang pangalan ng babae. At naramdaman niya ang kamay ni Renar sa kanyang balikat. Bahagya pang napaigtad si Endela nang pinisil siya roon ng asawa.
"Nasa Maynila si Dennis. Doon kina Mama."
"Kumusta ang asawa mo?" Nakangiti niyang tanong a babae. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si emuel na kalaro ang mga pinsan nito. Pero natigilan ra nang mapagkurong pinakatitigan siya nina Liza at ni Renar. May nasabi ba siyang mali? Kinukumusta lang naman niya ang asawa ng kaharap, a?
"Sweetheart, huwag ka ngang magpatawa." Pigil ni Renar ang mapatawa. "Walang asawa si Liza. You're stating the obvious. Iniinggit mo siya niyan, e." Ngumiti na ang lalaki.
Pumiksi naman si Liza. "Huwag kang mag-alala, gugulatin ko na lang kayo. By then, ikaw naman ang maiinggit sa akin."
"Ikaw naman, hindi na mabiro," nangingiti niyang sambot. Ano ba ang alam niya sa kaharap? Ang hirap talaga ng maraming kakilala! "Sandali, pupunta muna ako sa banyo."
Malalaki ang hakbang na tinalikuran niya ang dalawa.
Kailangan niya ang naturang eskapo. Nagkakalat na siya!
Subalit hindi siya sa bany nagtungo kundi sa silid na para sa kanilang mag-asawa. Doon ay kinalma niya ang damdamin. Ang hirap ng sitasyon niya. Hindi pa siya nagtatagal doon nang may kumatok. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.
"Anything the matter?" Si Renar.
"Medyo sumasakit lang ang ulo ko. Dito na muna siguro ako. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa mga Mama at Papa."
Alumpihit na tumango ang lalaki. "Kailangan mo ba ng gamot?"*
"Salamat, pero kaiinom ko lang kanina ng aspirin," pagsisinungaling niya. Wala na talaga siyang magagawa.
"Binabale-wala konga ang sakit, e." Napansin niyang pinakatitigan siya ni Renar. Parang meron itong gustong itanong sa kanya.
Subalit nagdadalawang-isip ang lalaki.
Maliksi naman siya sa pag-iwas sa nakakakabang titig na iyon ng asawa, kunwaring hinimas ang kanyang noo. Hindi siya magaling sa bagay na ito, pero ginagawa nya ang lahat.
"Dinner will be served soon."
Marahan siyang tumango. "Titingnan ko. But for now, dito na muna ako. Si Lemuel, pakitingnan na rin.
Baka inaantok na iyon."
Alumpihit na tumango si Renar. At lumabas na ito.
Naiwan siyang nagpakawala ng sunud-sunod na paghinga hanggang sa lumuwag ang kanyang pakiramdam. Kung walang asawa si Liza, ano nito ang batang si Dennis na inaanak nila ni Renar? Anak sa pagkadalaga? Ampon? Pamangkin kaya?
MAY NAPAPANSIN si Renar, pero hindi siya sigurado sa kanyang napupuna sa asawa. Ibang-iba ito sa Endela na napangasawa niya at naging ina ng kanilang anak.
Naroon na ang pag-aalala, pagmamalasakit, na hindi niya nakita noon sa babae. She was very lively.
Ano ang silbing walong taon nilang pagsasama para hindi niya makilala ang asawa? Subalit tama bang pagdudahan niya ito dahil lang sa napansing mga pagbabago ni Endela?
Noong makita niya ito sa paliparan, napansin niya kaagad ang tila pagbabago nito. Lalo na nang hagkan niya ay gumanti ito ng halik. Na kung tutuusin, itinutulak siya nito 'pag ginagawa niya iyon-na para bang nandidiri! At ang pakikitungo nito kay Lemuel, sa maigsing oras ay napansin din niya ang pagbabago. Awtomatiko nitong naging mahal ang anak. Asikasung-asikaso!
Ngayon naman, si Liza pa lamang ang nakaharap nito ay nagkulong na agad ito sa kuwarto. Ayaw nang lumabas. Totoo nga kayang sumasakit ang ulo ni Endela?
Pakiramdam niya, ayaw makihalubilo ng asawa sa mga bisita. Hindi ba't gustung-gusto nite ang mga gayong pagtitipon? Malaki talaga ang ipinagbago nito.
Subalit sa nakikita niya ngayon, hindi niya makuhang matuwa. Noon pa niya ninanais na mapagtuunan sila ng atensiyon ng asawa. Sa ngayon, hindi niya maalis ang pagdududa sa kanyang isipan.
BINUKSAN ni Endela ang pinto. Si Renar, may dalang tray ng pagkain. Inilapag iyon ng lalaki sa mesitang kinapapatungan ng lampshade.
"Aliw na aliw si Lemuel sa pakikipaglaro sa kanyang mga pinsan. Dinalhan na kita ng pagkain. Masakit pa ba ang ulo mo?"
"H-Hindi ka na sana nag-abala pa." Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Renar. Lagi niyang nakikita iyon sa asawa simula nang dumating siya. Kinabahan na naman siya. "Kahit papano, nawawala na ang sakit. Ilang sandali pa siguro, puwede na akong bumaba. Gayunpaman, salamat." Nagawa pa niyang ngumiti.
Pero wala na siyang planong bumaba. Maraming bisita na hindi niya kilala, na kilala naman siya. Isa na roon si Liza. Umiiwas siya sa gulong ayaw niyang mangyari. "Ouch...!"
"Sweetheart...?"
Kailangan niyang gawin iyon. "Bumalik na naman ang sakit." Ipinagduldulan niya ang ulo sa unan.
"Ipagpaumanhin mo, Renar, pero sa tingin ko ay hindi na ako makababa pa."
"I can see that."
Marahan siyang tumango.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila.
Marami pa naman ang naghihintay sa pagbaba mo. Lahat ng mga kaibigan natin dito ay dumating pa naman."
"I'm sorry."
"Bago ka tuluyang magpahinga, kumain ka muna.
Sige, hindi na ako magtatagal. Maraming bisitang dumating, e." Hinalikan siya sa noo ng asawa at lumabas
na ito.
Kinalma naman niya ang sarili. Hindi niya inaasahan na susugod sila sa San Pablo para sa wedding anniversary
ng mga magulang ni Renar.
Pero sino naman si Romeo sa buhay niya?
Wala siyang ganang kumain. Muli siyang tumayo nang may kumatok. Si Lemuel ang kanyang
napagbuksan. Pinapasok niya ito.
"Pagod ka na bang maglaro?" Subalit iba ang napansin niya sa anak. Para itong lyak. "A-Ano ang problema? Bakit ganyan ang mukha mo?"
"Si Tita Claire...
"Tita Claire?"
Tumango si Lemuel. "Pinagalitan niya ako," pagsusumbong nito. "Marami naman kaming naglalaro, pero ako lamang ang kanyang piningot."

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now